Wowie de Guzman, maagang nabyudo

Wowie-de-GuzmanANG ISA pang nagpagulat na balita sa amin nu’ng nakaraang Linggo ay ang maagang pagpanaw ng asawa ni Wowie de Guzman na si Sherry Ann Reyes.

Ang kuwento ni Wowie sa taga-Startalk, isang buwan pa lang nakapanganak ang asawa niya, taas-baba na raw ang blood pressure nito.

Kinukulit na nga raw ni Wowie na magpa-check up na sila, pero sabi naman ng asawa niya, hindi naman daw ito nakakaramdam ng pagkahilo. Pero alam ko mas mahirap kapag wala kang nararamdaman pero mataas ang BP mo. Baka ‘yun ang nangyari sa asawa ni Wowie.

Ang isa lang daw na nararamdaman ng asawa niya ay nagkaka-athritis ito. Laging masakit daw ang katawan nito kay nag-take siya ng muscle pain reliever.

Pero nu’ng nakaraang Sabado ng gabi, nagising daw ito ng maghahating-gabi, nag-take daw ito ng gamot, pero ilang sandali lang napansin daw ni Wowie na parang nabulunan ito at biglang tumirik na lang daw ang mata.

Sinikap pa raw niyang ma-revive pero kahit pagdating ng hospital wala rin daw silang nagawa.

Sobrang mabigat kay Wowie na tanggapin ito dahil isang buwan pa lang ang baby nila.

Sa totoo lang, du’n ako naawa sa anak niya dahil lalaki itong hindi man lang nakilala ang nanay niya. Nakakaawa talaga!

Doon daw sa Pampanga, sini-celebrate pala nila ang first month ng baby na parang birthay na niya ito. Pero malungkot ang selebrasyon nila dahil pumanaw naman ang ina ng baby.

Sa Lubao nakaburol ang mga labi ng asawa ni Wowie, at hinihintay pa ang mga kapatid nito sa Amerika bago nila pagdesisyunan kung kailan ito ililibing.

Nakikiramay po kami.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.