Wowie de Guzman, ‘di pa rin matanggap na patay na ang asawa

Wowie-de-GuzmanNAKALULUNGKOT ANG balita na namatay pala ang asawa ni Wowie de Guzman na si Sherryl Ann Reyes. Non-showbiz at 26 anyos pa lang, isang buwan pa lang kapapanganak nito sa panganay na anak nila ng aktor. Nalaman ang tungkol dito sa Instagram posts at facebook account ni Gladys Reyes na dating katrabaho ni Wowie.

Ayon kay Gladys, mismong si Wowie ang nagbalita sa kanila na wala na nga ang asawa noong April 26 at pinuntahaan naman nila agad ito. Sa kuwento ng aktres sa Pep.ph, umiiyak ang aktor nang makita sila at hindi nito masabi ang tunay na rason ng pagkamatay ng asawa dahil biglaan. Sa wari ni Gladys ay baka nabinat ito dahil kapapanganak pa lang pero nagkaroon pala ito gestational diabetes at high blood pressure. Sumakit lang ang katawan, dinala sa ospital pero namatay na ito.

Sa pinost nga raw ni Wowie nu’ng April 27 sa kanyang facebook account, ramdam ang pamimighati at sakit na pinagdaraanan ng aktor dahil sa pagkawala ng asawa. Dito ay sinabi ni Wowie na ‘di niya alam kung panaginip lang ang lahat o isang eksena lang sa taping na gusto na niyang tapusin para makauwi kay Sherryl.

Nakuwestyon din ng aktor na kung ano ang kasalanan na nagawa niya at nangyari ito sa kanila, na kung may kasalanan man siyang nagawa ay siya na lang ang parusahan basta ibalik na lang ang buhay ng asawa. Nandu’n din ang panawagan niya sa asawa na sana bumalik na ito dahil naghihintay na sila ng anak nila, at sana sa pagpikit ng mga mata niya at sa pagdilat nito ay makita na niya ito muli.

Ang aming taos pusong pakikiramay kay Wowie at sa kanilang pamilya dahil alam namin kung gaano kabigat at kasakit ang pinagdadaanan sa ngayon ng aktor at mangangailangan ng ibayong tatag, tapang at tibay ng loob para matanggap niya ang nangyari.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Wowie de Guzman, ‘di pa rin matanggap na patay na ang asawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.