WOW MALI ng Moron!

KUNG DATI-RATI AY sa YouTube lamang mapapanood ang mga na-upload na mga bakbakan at kontro-bersyal na segment ng WANTED SA RADYO (WSR) – dahil sa kahilingan ng mga YouTube fans, ngayon ay may television version na ang WSR. Ito ay ang programang WANTED na nagsimulang i-ere sa TV5 noong Biyernes, January 28, 2011, pagkatapos ng Aksyon Journalismo (late night news). At ito ay palaging mapapanood na tuwing Biyernes sa parehong timeslot.

Sa episode ng WANTED sa darating na Biyernes, Feb-ruary 4, ipalalabas ang sumbong ng mga tricycle driver sa Marilao, Bulacan na sapilitang binebentahan ng chief of police doon ng P200 na halaga ng isang sticker na may litrato ng kanilang mayor.

Ang mga tricycle driver na ayaw bumili ng sticker ay hinuhuli ng mga pulis at kinakasuhan ng pangongolorum. Tunghayan ang mga naganap na bakbakan sa pagitan ng inyong SHOOTING RANGE at ng chief of police ng Marilao pati na ng mayor ng nasabing bayan. Abangan.

ANG WANTED SA RADYO na dati-rati ay napapakinggan sa DZXL, 558 kHz tuwing 2:00-4:00 pm, Lunes hanggang Biyernes ay mapapakinggan na ngayon sa bagong pihitan. Ito ay nasa 92.3 FM na, Radyo5, sa pareho pa ring oras at mga araw.

Ang bagong action center ng WSR ay matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Ave., Brgy. South Triangle, Quezon City, malapit sa MRT Quezon Avenue station. Ang landline number doon ay 410-7962. Ang mga text hotlines ay 0917-7-WANTED at 0908-87-TULFO.

ANO ANG MARARAMDAMAN ninyo kapag kayo ay naging biktima ng “WOW MALI”? Pero ang ibig kong sabihin ay Wow Mali na ‘di tulad ng TV show ni Joey de Leon na pagkatapos n’yong malamang kayo’y biktima, bubungisngis kayo ng tawa sa tuwa.

Ang tinutukoy kong Wow Mali ay hindi nakakatuwang biro bagkus ito ay isang animo’y bangungot at kalunus-lunos na sitwasyon na tatatak sa isipan at damdamin ng isang biktima habang siya ay nabubuhay.

Si Rommel Culta, 30 years old, ng Bacoor, Cavite ay isinumbong sa pulis ng kanyang hipag na si Marivic dahil ni-rape daw umano nito ang kanyang 7-month old na sanggol. Ang pinagbasehan ng hipag sa kanyang sumbong ay ang mga rashes sa mga hita ng sanggol na ayon kay Marivic ay biglang nagsulputan nang ipaalaga nito ang kanyang sanggol kay Rommel.

Mabilis ang naging aksyon ng mga pulis at nang mga oras ding iyon agad na kinaladkad si Rommel papuntang presinto para sa blotter at pagkatapos ay iniharap sa inquest fiscal. Base lamang sa salita ni Marivic, at wala ng iba pa, nagpalabas ng resolusyon ang piskal at inutusang makulong si Rommel.

Ngunit pagkatapos magpalabas ng resolusyon ang moron na piskal, siya naman ang paglabas ng resulta ng medico-legal na ginawa sa sanggol ng DSWD at lumitaw na negatibo ito sa rape. Ibig sabihin, hindi hinintay ng bobo at tamad na piskal na lumabas muna ang resulta ng medico-legal bago sana siya nagpalabas ng resolusyon sa kaso.

Dahil mahirap lamang at walang pinag-aralan si Rommel, siya ay isang buwan nang nakakulong. Sa tulong ng WSR, si Rommel ay makalalabas ng kulungan sa mga susunod na araw.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.