WORTH THE WAIT: Ryza Cenon, certified bida na sa Mr. and Mrs. Cruz

Ryza Cenon

SUPER KAYOD si Ryza Cenon mula nang tanghaling winner sa talent search ng GMA Kapuso Network noong 2004 na Starstruck.

Bata pa siya nun. Wala pa yata siya disi-otso nang magsimula siya sa showbiz.

After ng kanyang pakikipagsapalaran, heto’t halos sunod-sunod na ang mga pelikula at projects niya sa telebisyon.

Sa Kapuso Network, kasama siya sa afternoon serye na pinag-uusapan ng publiko na pinagbibidahan din ni Gabby Concepcion at ayon sa mga followers ng serye kung saan she plays Georgia ay super markado sa kanila ang ginagampanan niyang role.

Matapos ang ilang mga pagsuporta sa pelikula na malilimutan mo ang titulo, heto’t mukhang promising ang latest movie niya kung saan she plays female lead sa inaasahang blockbuster film na Mr. and Mrs. Cruz, kung saan si JC Santos ang kanyang kapareha na dinirect ng blockbuster director na si Sigrid Andrea Bernardo na siyang may gawa ng Kita Kita na pelikula nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

A a new leading lady, aminado si Ryza na super effort siya para marating ang kasalukuyan niyang estado.

Last year, she played a modern “manananggal” sa indie film na “Ang Manananggal sa Unit 23B” na yun ang masasabing panimula ng kanyang pagsikat as a lead actress.

Masaya si Ryza na sa edad niya (30 years old) ay dumating pa ang magandang break sa career niya.

Pagkukuwento ni Ryza tungkol sa kanyang bagong movie with JC where she plays the role of Gela, aminado ito na noong ginagawa niya ang pelikula ay nalilito siya sa dalawang karakter na ginaganpanan niya (as Georgia and Gela) na sabay niya ginagawa.

JC Santos and Ryza Cenon

Ang proyekto na nag-shoot sa Palawan ay binubuo ng dalawang karakter na tulad sa naunang pelikula ni Direk Sigfrid noong nakaraang taon na pinagbidahan nina Empoy at Alessandra na walang nakapagsabi na magiging blockbuster hit pala.
 
Ganun din kaya ang mangyayari sa pelikula nila ni JC? Abangan natin kung pipilahan ng mga millenials simula sa Wednesday, January 24 na produced ng First Idea Company at Viva Films.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

2 thoughts on “WORTH THE WAIT: Ryza Cenon, certified bida na sa Mr. and Mrs. Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published.