World record sa pinakamalaking simbolo ng kababaihan, target ng ‘Pinas

TARGET NG Pilipinas na makapagtala ng world record sa pinakamalaking simbolo ng kababaihan bilang selebrasyon ng International Women’s Day at ng Women’s Month sa bansa noong nakaraang Sabado.

Nagtipon-tipon ang mahigit 10,000 sa Quirino Grandstand para buuin ang pinakamalaking simbolo ng kababaihan sa buong mundo.

Bagama’t sa mga darating na mga araw pa malalaman kung nakuha ng Pilipinas ang world record, sa pagkakataong ito, naipakita naman ang dapat na pagkakaroon ng pantay na tingin ng mga Pinoy sa mga lalaki at babae.

Sinabi ni Remedios Rikken, chairperson ng Philippine Commission on Women na bagama’t bumubuti na ang gender equality sa trabaho, umusbong naman ang mga bagong suliranin dahil sa  teknolohiya.

“Ang babae pala nagtatrabaho kaya very protectionist naman ngayon kaya ang usapan ngayon ay equality, equal opportunities for both men and women. Ang problema ngayon ang nanay ang nag-aalok ng three years old na anak, ang tatay ang kumukuha ng video and they sell it to the Internet,” pahayag ni Rikken.

Ang ilang programang isinagawa para sa araw ng kababaihan ay ang selebrasyon sa isang mall sa Quezon City na dinaluhan ng 2013 winners at 2014 candidates ng Binibining Pilpinas at mga basketball stars ng Philippine Basketball Association (PBA).

Isinabay naman ng ilang militanteng grupo ang kani-lang kilos-protesta sa naturang pagdiriwang.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.