Workshop ng mga Star!

 

1. Teka, Enchong Dee… ang sabi, hihingi ng saklolo. May maawa kayang tumulong ‘pag nakangiti ka? Ayan, tignan mo si Arron Villaflor… na-shock tuloy.

Picture 1 of 6

HINDI KATAKA-TAKA kung bakit hindi pucho-pucho, sabi nga, ang acting ng mga Star Magic talent. Hasang-hasa kasi ang  Kapamilya stars sa mabusising acting, dance at voice workshops. At sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng ABS-CBN Star Magic, muling magkakaroon ng public workshops ngayong Oktubre.

Merong acting workshops para sa adults, kids at teens kung saan magkakaroon ng intensive training sa ilalim ng magagaling na director sa industriya sa pangunguna ng Star Magic Artist Training Head na si Direk Rahyan Carlos. Kilala si Direk Rahyan sa larangan ng pagdidirehe ng mga programa sa telebisyon at pelikula. Labing-apat na taon na rin siya bilang acting coach ng mga kilalang artista.

Bukod sa acting, meron ding dance and voice workshops na bukas sa mga interesadong maging bahagi ng Star Magic workshops. May registration sa August 25 at 26, 2012 at limited slots lang ang available!

Para sa mga katanungan, tumawag lang sa ABS-CBN Star Magic Workshops: 415-3828 o 415-2272 loc. 5142; e-mail: starmagicworkshops@abs-cbn.com; www.facebook.com/starmagicworkshops.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Workshop ng mga Star!

  1. yan ang wala s GMEWW7 kya tingnan mo mga artists ng 7 kadiring umarte Mark Herras na tulala at kunot noo style of acting, Richard G. na tulala at nganga style of acting, Aljur A. wooden style of Acting at marami png iba…

Leave a Reply

Your email address will not be published.