Work & Play: Vice Ganda, magco-concert at makiki-family bonding sa Korea

Vice Ganda with Darla Sauler sa District 8 RestoBar

WORK, FUN AND PLAY ang magiging schedule ni Vice Ganda itong darating na weekend.

 
Dumating kasi ang loving mom ng Phenomenal Box-Office Star sa bansa galing Amerika kung saan doon ito naka-base kasama ang kapatid ni Vice para sumama sa kanya sa “Pusuan Mo si Vice Ganda” Concert na magaganap sa darating na Sunday (August 13) sa Ansan Olympic  Hall sa Asan, South Korea.
 
Sa impormasyon na nakuha namin mula sa kampo ng kagandahang VG, hindi makakasama ang mga pamangkin niya sa naturang biyahe dahil may mga pasok ang mga ito.
 
After ng show on Sunday ay naka-schedule ang Team Vice with his mom and sister na magliwaliw at mag-mega shopping.
 

Daniel Padilla checking District 8 papers

 
Ang balik ni Vice ay sa Thursday, August 17 kung saan balik shooting pa siya sa  kanyang Metro Manila Film Festival 2017 entry na “The Revengers” mula sa Star Cinema sa direksyon naman ni Bb. Joyce Bernal.
 
Sa ngayon, mga eksena muna nina Vice at Daniel Padilla ang kinukunan. Wala pa shooting schedule ang komedyante with Pia Wurtzbach.
 

James Yap at District 8

Last night ay ang opening ng negosyo ni Vice with Daniel Padilla at James Yap na isang resto-bar called District 8 located in San Juan, kung saan kasama nang tatlo ang iba pang mga investors na mga basketbolista.
 
Today, Wednesday ay may taping schedule si Vice for Gandang Gabi Vice

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.