WORK PA MORE: Ang Tunay na Inspirasyon ni Vice Ganda

Vice Ganda

KAPAG IN LOVE KA, kung anu-ano ang pwede mo gawin para sa pag-ibig lalo na kapag inspired ka.

Sa kaso ni Vice Ganda,  kahit walang kumpirmasyon mula sa sa komenyante na “in love” siya sa basketbolistang si Calvin Abueva ay basa mo ang mga ikinikilos niya. Ang sipag ng ate mo na inspired sa buhay niya ngayon.

No wonder, kahit noong nagso-shooting sila ng MMFF 2018 entry ng Star Cinema na Fantastica, kahit paumagahan ang shooting at halos padilat na ang araw bago matapos ang shooting at wala pa tulog, gigising si VG para sumipot sa noontime show nila na It’s Showtime na kapag nasa harap na ng kamera, alive na alive si Bellat (karakter ng komedyante sa Fantastica).

Alam ng netizen ang tungkol kay Vice at sa ‘rumored’ boyfie niya na si Calvin na nagiging inspirasyon niya.

Pero mas bongga ang statement ng mother ng komedyante nang mag-guest ito sa morning show na Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal para ideklara on national television na: “I accept them,” on Vice and Calvin ‘relationship. Nasa edad naman na sila… parang wala na akong karapatan pa na mag-usi-usisa pa,” panimula ni Nanay Rosario sa TV interview.

Nai-break ni Vice sa ina ang tungkol kay Calvin nang mag-lunch sila. Kuwento nito: “May lunch kami, ‘tapos nung nandodoon na ako, sabi niya, ‘Nay, may bisita ako,” kuwento ni Nanay Rosario.

Calvin Abueva and Vice Ganda

Sagot niya sa anak: “’Okay lang, ‘nak,’ so yun, dumating sila, ipinakilala niya ako. That’s it. I met them.”

Dagdag pa ni Nanay Rosario: “I welcome them. I accept them. Kung saan sila masaya, masaya na rin ako.”

No wonder, happy face at positive vibes lang si Vibes lalo pa’t si Calvin, aprub na aprub sa ina nga kanyang “partner”.

Kaya nga ang sipag ngayon ni Vice sa work. Daily hosting at super promote ng pelikula niya na ipapalabas na sa December 25. Happy for you Teh!

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.