TO MY WONDER WOMAN: Tom Rodriguez, thankful sa pagmamahal ni Carla Abellana!

Tom Rodriguez and Carla Abellana (TomCar) | Photo grabbed from @akosimangtomas IG account

TOM RODRIGUEZ had a rough start this year. Pumanaw ang kanyang ama na si William Albert Mott Sr. noong March 2017 sanhi ng lung cancer. Sa Amerika nakabase ang nasirang ama ng aktor kaya mas naging mahirap itong dallhin sa dibdib.

Para maka-move on agad ay tumanggap ng ilang projects ang Kapuso leading man. A few weeks ago ay may special participation siya sa fantaseryeng Mulawin vs. Ravena bilang taong asawa ni Aviona (Carla Abellana) at ang natsugi (nga ba?) na ama ni Anya (Bea Binene). Hindi pa sure ang mga televiewers kung talaga nga bang patay na ang character niya bilang si Rodrigo, pero sa mundo ng teleserye naman ay anything can happen.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 31st birthday si Carla at maraming netizens ang kinilig sa pagpost ni Tom ng sincere message of gratitude:

To the most radiant soul I know who never ceases to inspire, amaze and endow me with a sense of awe and wonder…to MY Wonder Woman, I wish for you the fruition of all your passions and dreams. My wish for myself however is to be right beside you throughout this journey so I may bathe in your iridescent light and bear witness to all that you set out to do and all that I know you are infinitely capable of :):):)To my rock, and my heart…Happy happy birthday. I pray that yours is a heart brimming with all the happiness it deserves. I love you!❤❤❤@carlaangeline

Grabe! Ang tamis! Hindi na kami magtataka kung one of these days ay magpo-propose na si Tom kay Carla. Nakakaaliw ang relationship nila dahil hindi masyadong ‘in your face’, pero hindi rin naman sila tago.

Hindi na kailangang mag-worry ng solid TomCar fans dahil ang reel and real life tandem naman ang bida sa I Heart Davao, na mapapanood na sa sa GMA Telebabad next week.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.