Wonder Gays, minaliit lang ni Vice Ganda?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka at bonggang-bonggang eksena at talaga namang ‘di mo masasabi kung marami ba talagang insecure sa mundo o talaga namang ‘yun lang ang mapi-feel ng bawat isa? Pero bago ang lahat, thanks God it’s Friday!

Dahil bonggang-bongga na ang eksena ng talent ni Lito De Guzman, ang Wonder Gays at talaga namang makikita mong sumusikat na sila, dahil sunud-sunod ang tawag sa kanila at marami na rin ang mga fans na humahanga at nagtatanggol sa kanila.

For sure, nagulat ang Wonder Gays sa naging reaksyon ni Vice Ganda sa kanila, dahil may nakapagtanong yata kay Vice na kung ano naman ang masasabi niya ngayon sa katulad din niyang bakla na nais sumikat at magpasaya ng kapwa niya?

Mukhang nag-tweet itong si Vice Ganda, at mukhang nega ang kanyang sinabi. Nagulat ang mga fans ni Vice at nagulat din ang fans ng Wonder Gays, dahil siyempre marami ang ibig sabihin ng ginawa ni Vice.

P’wedeng sa tingin mo ay makakatulong ito sa career ng Wonder Gays o makakasira sa career ni Vice. Siyempre marami ang mga nag-comment na mga fans na bakit naman ginawa ni Vice iyon, na dapat mas matagal na siya sa ganyang sirkulasyon ng buhay, hindi niya dapat minamaliit ang mga baguhan na dapat binibigyan niya ng mga lakas ng loob ang mga ito at tinutulungan.

Pero maganda naman ang mga naging reaksyon ng Wonder Gays, dahil siyempre raw, kahit papa’no napansin sila ni Vice Ganda, dahil super idol daw nila ito. Ang masasabi lang ng Wonder Gays at hinihiling na makasama nila si Vice Ganda sa darating nilang concert.

Ang tanong, papansinin kaya sila ni Vice o dededmahin lang niya ito… ano kaya sa tingin n’yo mga kaparazzi?

 

AT SIYEMPRE, KUNG naaala n’yo ay may naisulat ako noong nakaraang linggo na talaga namang kahit may edad na siya ay nasa puso pa rin niya at hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asang sumikat. Napakaganda talaga ng talent niya, ito ay si Eduardo Tiñoso, na sumikat sa UK na Pinoy at nagpapasalamat  siya sa mga kababayan natin na sumuporta sa kanyang album.

Ito naman ang nais niyang iparating, na kung gusto n’yong marinig ang album niya, na talaga namang nakakapanglambot ng puso ‘pag naririnig n’yo ito at napapakinggan na rin ito sa aking programa. I-click n’yo lang ito at mag-register kung nais niyong bumili ng kanyang cd sa www.eduardotinoso.co.uk. Register your details to www.paypay.com at napakaganda talaga dahil ang mensahe nito at ang title ay AWIT SA MAGULANG.

At siyempre inuulit-ulit niya para sa kapwa niya Pilipino ay huwag po kayong mawawalan ng pag-asa kung nais n’yong  sumikat at ipakita n’yo lang ang mga talent niyo. Pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang i-pagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

9 thoughts on “Wonder Gays, minaliit lang ni Vice Ganda?!

  1. @JELLOE si Vice nalalaos, nagpapatawa ka ba. kahit alam mong hindi totoo ang post mo post ka parin ng post. nakakahiya walang proof basta lang may masabing masama. nagmumukha kang tanga sa mga comment mo. lol

  2. Nakakainis naman ang mga sinusulat nitong baklang Swarding na ito. Walang syntax at paliko-liko, nag-report na lang eh kulang pa. Ano ba ang sinabi ni Vice Ganda ha? Kung magsusulat ka dapat kiumpleto ang detalye, Sabagay wala ka namang kredibilidad kaya ano pa ba ang aasahan sayo.

  3. KAYA NALALAOS NA ITONG SI VICE GANDA MADUMI AT NAKAKASUKA ANG UGALI ALAM MO VICE BAKLA KA AT HINDI BABAE HUWAG KANG MAG PANTASYA NA MAY IIBIG SA IYONG TUNAY NA LALAKE UMASTA KA PARA KANG KAHANAY NI ANNE CURTIS BEA A AT KC C SIRA BAKLA KANG PANGET MAGSAMA KAYO NG ISA PANG BAKLA NA SI OGIE DIAZ  AT SHALALA PURO KAYO MGA MUKHANG HALIMAW IKAW KAPRE SI OGIE TIYANAK SI SHALALA MUKHANG ZOMBIE

  4. hindi naman seguro ganun si VICE… hindi lang natin malaman kung papaano kinonek si VICE sa mga upstarts na yan. kanya kanyang sikap na lang and at the end of the day of sisikat sila malamang deserved nila hindi yang kinokonek sila sa sikat like VICE. unless tuwirang pinangalanan sila ni VICE at nilaitlait then magreak hindi yaong sundot-hangin lang! ano ba swarding tumanda ka nang walang wisyo!

  5. puta ka swardign galit na galit ka sa mga viva artists ha sarah and vice… epal ka tae mo!!! wala ka kasign career, tae na lang ulam mo

  6. Lahat naman me karapatan na magtrabaho. Imbes na manliit si Vice dapat nga tumulong pa siya dahil pare-pareho naman silang mga pangit pero nagkaroon ng chance na makapasok sa showbiz dahil sa mga talent nila. Mayabang na talaga si VICE simula nung sumikat siya. Pero dapat tatandaan ni VICE na hindi habam panahon na nasa itaas siya at sikat dahil ang mga tao ngayon madaling MAGPALIT NG INIIDOLO. Baka bukas makalawa LAOS na siya para siyang SI WILLIE R parehong mayabang.

  7. agree ako sau kalorkey, ginagamit lang nila si vice ganda para mapansin. hindi nga ma isulat ni swarding kung ano ang sinabi ni vice ganda sa twitter tungkol sa wonder gays… haist! uncredible writer talaga…

  8. mga gamitera!!! kung gusto nyong sumikat use your talent. hwag na kayong mang gamit pa ng pangalan ng tao and besides i don’t think vice ganda was referring to you. Masyadong feelling.

Leave a Reply

Your email address will not be published.