Wonder Gays, kuwelang-kuwela ang bonggang performance!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Mapapa-yes ka na naman ba o mapapa-no? Dahil dumagsa na naman ang bagyong bonggacious at siyempre ayan, dahil holiday ngayon, magchi-chikahan tayo nang bonggang-bongga!

Kaya don’t make your Monday a blue Monday, dahil isi-share ko lang sa inyo at very proud talaga ako sa aking kaibigan na si Lito De Guzman na talaga namang napakabait na manager at lahat-lahat na sa kanya, wala siyang pakialam kung maubos na ang pera niya mapasikat lang niya ang mga hina-handle niyang talent katulad ng mga pinasikat niya noong si Ynez Veneracion at Baywalk Bodies.

Hindi porke’t ‘pag hinandle niya ay ikayayaman niya ‘yun. Ang gusto lang niya, makatulong. Katulad nitong bago n’yang hinahawakan at nadiskubre niya mismo sa kanyang bar sa Imus, Cavite. Parang na-realize niyang maiba naman ngayon ang i-handle niya.

Binigyan niya ng pagkakataon ang mga bading na mai-share ang kanilang talent na ngayon naman talaga ay masasabi mong p’wedeng-p’wede na at bonggacious nu’ng nakaraang Biyernes ang ginanap na presscon ng Wonder Gays. Hindi talaga mapipigilan ang pagsikat nitong mga ito, dahil patok na patok na ang kanta nila lalo na sa mga record bars, lalo na ang carrier song ng album nila na Blind Item.

In fairness naman sa kanila, magaling talaga ang pag-perform nitong mga bading na ito at talagang matatawa ka at nasa puso. Naloloka lang ako sa kanila kung bakit puro colors ang mga name nila – Blue, Pink, White, Black, Gray, At Green!

At ngayon ay talagang naiintriga na sila dahil ang karamihan sa mga ito, magdyo-dyowa rin pala! Pak! Ayaw rin nila kasi sa straight guy. Ang taray ng mga lola mo, ‘noh?! Hindi nagpapa-kabog sa mga lovelife nila. At wala pa namang lumalaki ang ulo sa grupo nila.

Napapaloob sa naturang album ang mga kantang Pare, Kiyeme Lang ‘Yun, Hi Hello, Oh Lala, at siyempre ang carrier single na Blind Item, kung saan ang isa pang talent ng LDG Productions na si BLANK TAPE ang siyang nag-compose ng kanta. Paborito na nga itong patugtugin sa airwaves at maging sa mga TV talk shows, at siyempre, mapapakinggan din sila sa program ko every Sunday sa DZRHTV 666KHZ at mapapanood din ito sa TV. BONGGACIOUS at sila mismo ang magbibigay ng PITIK-BULAG! PAK!

Ayan para sa mga event/shows or bookings, tumawag lamang sa tanggapan ng LDG PRODUCTIONS – tel. nos. (02)4136791/ 4411276 or p’wede ring mag-text sa mga sumusunod na mobile nos. 09238997172/ 09237305384/ 09327815341. Hanapin lamang si MARICON/ CONNIE CABALEJO o ‘di naman kaya ay mag-e-mail sa ldg_production@yahoo.com/ ldg_secretariat@yahoo.com. Hahaha! Ayan bongga, ‘di ba?! Kaloka, haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang i-pagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Wonder Gays, kuwelang-kuwela ang bonggang performance!

  1. Pingback: Wonder Gays, kuwelang-kuwela ang bonggang performance! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.