Women’s Month, ipinagdiwang sa Kongreso

IPINAGDIWANG NG MABABANG Kapulungan ng Kongreso ang Women’s Month noong Lunes, Marso 14, na pinangunahan ni Rep. Ma. Angelica Amante-Matba (2nd District, Agusan del Norte) at tumatayong chairperson ng House of Committee on Women and Gender Equality.

Ang selebrasyon ay naglalayong isulong ang importansiya ng Magna Carta of Women o Republic Act 9710. Layunin din nito ang itaas ang kamalayan ng mga kababaihan para makamit ang Millenium Development Goals (MDG).

Isusulong din ang pagbibigay para-ngal sa mga kontribusyon at naitulong ng kababaihan sa bansa at sa lipunan.

Pinasinayaan naman ni Speaker Sonny Belmonte, Cong. Gloria Macapagal-Arroyo at Cong. Gina de Venecia ang pagbubukas ng isang Photo Exhibit.

(Mark Atienza)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.