WLO vs Mike Arroyo, inihirit

HINILING KAHAPON NG chairman ng Senate blue ribbon committee sa Department of Justice (DoJ) na huwag payagang makalabas ng bansa si da-ting First Gentleman Jose Miguel Arroyo, matapos katigan ng Office of the Ombudsman ang pagsisiyasat laban dito kaugnay sa PNP-chopper deal.

Sa isang pahayag, si-nabi ni committee chairman Sen. Teofisto Guingona III na mahalagang manatili sa Pilipinas ang dating Unang Ginoo para kaharapin ang kaso.

“I urge Mr. Arroyo to stay in the country to face allegations against him. He should be present in preliminary investigation of this case if he wishes to avoid speculations that he intends to evade prosecution,” ayon sa senador.

Maaalala na ang komite ni Guingona ang nag-im-bestiga sa nasabing kontro-bersiyal na helicopter deal.

Maliban kay Arroyo, dawit din sa eskandalo sina dating PNP chief Jesus Versoza, dating Local Government Sec. Ronaldo Puno at iba pang police personnels na sangkot sa bentahan ng nasabing helicopters.

Samantala, nilinaw ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi automatic ang paglalagay muli kay Arroyo sa watchlist order (WLO).

Ayon sa kalihim, mai-ngat na sila sa pagpapalabas ng WLO, matapos ang kontrobersyal na mga batikos na kanilang inani noong unang ilabas ito laban sa mag-asawang Mike at dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo.

Aniya, kinakailangan munang mag-request ng Ombudsman sakaling naisin nitong maibalik sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) ang dating Unang Ginoo.

Ayon kay De Lima, kinakailangan din niyang pag-aralan munang mabuti kung sakop ng inilabas na TRO ng Korte Suprema ang DoJ Circular 41 o ang watch list lamang laban sa mag-asawang Arroyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.