Witness sa Maguindanao Massacre, Ginisa sa Hearing

GINISA NGUNIT nanindigan sa kaniyang testimonya ang testigo ng prosekusyon laban sa kampo ng mga Ampatuan na itinuturong utak sa kaso ng Maguindanao massacre.

Ito ay matapos isalang sa cross examination si dating Sultan Sabarungis vice mayor Sukamo Badal sa pagdinig ng nasabing kaso sa Quezon City Regional Trial Court extension sa Taguig City.

Iginiit ni Badal na hindi pulitika ang ugat ng kanyang pagdidiin sa panig ng mga Ampatuan, pati na sa mga pulis at militiamen na kinasabwat ng mga ito.

Samantala, inaprubahan ni QCRTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes ang hiling ng prosekusyon na maiatras ang kasong Murder laban kay Badal bago ito ginawang testigo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.