Witness, 36 Beses Ginahasa ng Security Marshall ng DoJ

SINUSPINDE NA sa kanyang trabaho ang isang security marshall ng Department of Justice (DoJ) na inakusahang nanghalay sa 21-anyos na dalaga nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Kinumpirma ni assistant regional state prosecutor Llena Ipong-Avila ang pagsuspinde sa salarin na nakilala lang sa alyas na “Billy” matapos magreklamo ang biktima at ang pamilya nito sa mga kinauukulan.

Ayon sa ina ng biktima na 36 na beses na ginahasa  ang kanyang anak sa loob ng safehouse ng DoJ mula noong buwan ng Enero kung saan nagsimulang isinailalim sa WPP ang dalaga.

Samantala, magkahiwalay na gumagawa na ng pagsisiyasat  ang Department of Justice at PNP tungkol sa nasabing insidente.

Matatandaan na isinailalim na sa medical examination at psychological test ang biktima kung saan palagi itong tulala at umiiyak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.