With few projects, Mark Bautista is not happy with GMA-7?

NAKAKATUWANG MAKAUSAP ITONG si Mark Bautista dahil sumasagot ito sa lahat nang mga isyung ibinabato sa kanya. Katunayan, sa presscon ng kanyang stage play na Noli Me Tangere kamakailan, tinanong namin si Mark kung ano ang masasabi niya sa obserbasyon ng karamihan na parang hindi na siya masyadong visible sa GMA. Noon kasing nasa ABS-CBN pa siya, parang  maraming  projects  ang ibinigay sa kanya.

Say nito, happy siya sa GMA dahil nabibigyan siya ng mga tamang pro-jects. Kakatapos nga lang daw ng isang serye na kinabibilangan niya at ngayon daw, may isa siyang komposisyon na ga-gamitin sa isang Koreanovela sa nasabing istasyon. May concert pa nga dapat siya this year pero nauna raw naisara ang kontrata niya sa stage play kaya ipinagpaliban daw muna ito.

Nami-miss din daw niya ang mga kasamahan sa Champions ng ASAP Rocks, pero once in a while naman daw, nagkikita kita sila para mag-unwind. Sana lang dumami pa ang projects ni Mark sa kanyang mother network, dahil nami-miss na siya nang kanyang mga fans hindi lang sa pagkanta kundi maging sa pag-arte.

 

NAGKAROON NA NG linaw ang lahat nang mga bulung-bulungan at mga blind items na tumutukoy sa isang young star na diumano’y buntis. Halos lahat kasi ng tabloid noong Miyerkules, June 29, 2011 ay bumabalandra ang mga balitang diumano ay buntis daw ang kapamilya star na si Andi Eigenmann.

Gumawa kami ng paraan upang makuha  ang panig ni Andi thru  her  manager na si Bebong Muñoz sa pamamagitan ng text. Mga ilang minuto ang lumipas, sumagot naman si Bebong, aniya, “Hi Ar-niel, Andi’s camp will issue a statement soon. Thanks for the concern.”

Kinahapunan sa programang Cristy Ferminute (Radyo Singko 92.3 FM at AksyonTV Channel 41), kung saan isa tayo sa mga co-hosts, nagpahaplos ng scoop ang aming Nanay-nanayang si Cristy Fermin na may tatlo siyang hindi nangunguryenteng sources na totoo ngang buntis si Andi. Pero ang mga detal-ye ay iniwanan ni ‘Nay Cristy sa pamilya at kampo ni Andi upang sila na ang magpaliwanag.

Kinagabihan sa TV Patrol, iniulat ni Mario Dumaual ang kumpirmasyong buntis nga ang Kapamilya star thru her mother, award-winning actress Jacklyn Jose at mangiyak-ngiyak nitong sinabing, “Yes it’s true, my daughter is pregnant.”

Ang tanong na lang ngayon, sino nga ba ang ama ng dinadala ngayon ni Andi na ayon pa rin sa ulat ni Mario ay 18 weeks na. May mga nagbulong na sa amin kung sino ito, pero mas nanaisin naming sa kanila na manggaling ang kumpirmasyon.

Sa mga ganitong pagkakataon, kahanga-hanga ang ginawang pag-amin ni Miss Jacklyn sa tunay na kalagayan ng anak. Humanga rin kami kay Andi dahil kahit na nasa rurok pa ng tagumpay ang kanyang karera at sa kabila ng kanyang napakabatang edad, pinili nitong ituloy ang pagbubuntis. Good luck na lang kay Andi at sa kanyang bagong tatahaking daan, ang pagiging isang ina.

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Naloloka kami sa isang texter sa radio. Patanong kasi niyang idinetalye ang kanyang nasaksihan sa isang hotel sa Davao kamakailan lamang.

Tanong pa nito, “Bakla po ba si ___ kasi nakita ko siyang may kasamang lalaki sa isang hotel sa Davao.”

Naku ha, marami na nga talaga ang nag-aalangan sa gender nitong singer na ito, dahil may isang ‘booking agent’ (bugaw) din ng mga lalaking bayaran ang nag-tip sa aming kaibigang oo nga, kumukuha nga ito sa kanya ng minchu. Naku ha, kung ganu’n ka nga, dapat ka na sigurong magladlad, ‘noh!

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato.E-mail your blind items and hottest showbiz scoops to arnielcse-rato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

10 thoughts on “With few projects, Mark Bautista is not happy with GMA-7?

  1. Si Mark Bautista po ay busy sa kanyang career. lately di sya visible sa tv lalo na sa Party Pilipinas kasi busy sya sa Noli Me Tangere rehearsal nila kasi sya ang lead star sa play (ka-alternate nya si Gian Magdangal). Dn nag-show sya sa New Jersey last June 26 for GMA Tv (wala sya sa pilipinas June 25-28) then nung June 30 umalis na naman sya for a show in Brunei at today pa ang uwi nya sa pinas. Then sa July 9 San Francisco sya then July 16 Los Angeles. Week-ends sa whole month of Aug mapapanuod sya as Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere play sa CCP. May australia show pa sya sa Aug then a major project in US & Canada sa Oct. So ibig sabihin lng nun buhay na buhay pa ang career ng isang Mark Bautista. Maraming blessings from God ang dumarating kay Mark B.

  2. tama, mas ok si Mark ngayon lalo na ng hindi na siya ma link kay SG………..sana wag na siya uli ma link dito sa naglalaway kay RC………….go mark ang galing mo!!!!!!!!!!!!!!!

  3. hi po… im an avid fan of Mark Bautista at for the past 3 years ay nasundan ko ang career nya at naging active ako sa fans club nya. Sa tingin at sa nalalaman ko naman po ay masasabi kong mas gumanda po ang career n Mark ngayon na nasa GMA na sya. This year nagka-solo concert sya sa malaysia. If i remember it right 3 cities yun (im sure more than 2 cities yun). Then napakita ni Mark ang talent nya sa musical play via sa 2 musical plays na binigay sa kanya sa Party Pilipinas at ngayong August gaganap siya bilang Crisostomo Ibarra sa “Noli Me Tangere, The Musical” na handog ng Tanghalang Pilipino. Then binigyan naman ng GMA si Mark ng teleserye. At may malaking project abroad si Mark this october.  Miss na namin si mark sa tv pero alam namin na busy sya sa mga shows nya…

  4. c RAYMOND GUTTIERREZ ba yan kasi palagi yan pumuunta dito sa davao.akala nga nmin na may bahay na yan dito sa davao..minsan nag shopping yan na may kasamang boylet(kaibigan??!!)…

Leave a Reply

Your email address will not be published.