Wish ni Robin Padilla na magsama-sama sila nina Mariel Rodriguez, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa isan g pelikula, malabong mangyari!

NAKAKATAWA DIN ‘TONG si Matteo Guidicelli. Tinanong ang isang contestant sa Happy, Yipee, Yehey! kung anong kurso ang kinukuha. Sumagot ito ng, “Criminology po!”

Sey ni Matteo, “Ah, so gusto mong maging gwardiya?”

Hahaha! Maya-maya, siguro, na-realize ni Matteo, “At gusto mo ring maging pulis?”

Kaya masayang manood ng Happy, Yipee, Yehey! eh! Hehehe.

So, si Mariel Rodriguez na pala ang bagong miyembro ng Wil Time Bigtime, huh? Nakausap namin si Jay Montelibano (ang EP o business unit head) at kinumpirma nito sa amin na si Mariel ay hindi sa noontime show mapupunta, kundi kay Willie.

Definitely, hindi na namin inalam pa mula kay Jay kung ano ang na-ging problema ni Mariel sa HYY, dahil kausap niya that time si Mr. Percy Intalan ng TV5.

 

UULITIN PO NAMIN, ha? Preempted po ang E-Live! bukas. Baka ma-shock kayo kung UAAP ang mapanood n’yo after HYY. Hindi po tinanggal ang E-Live!. Ayaw ng fans, dahil ‘yan na nga lang ang show namin. Hahahaha!

Hindi bale, isa sa mga araw na ito ay babalik na kami sa teleserye, dahil luluwag na ang aming iskedyul.

Gusto namin ‘yung sinabi ni Robin Padilla nu’ng nag-guest sila ni Bea Alonzo sa E-Live! na gusto niyang magkaroon sila ng movie kasama sina Bea, Mariel Rodriguez at Zanjoe Marudo.

Ibig sabihin, all’s well that ends well na sa pagitan nila ng dyowa ni Bea.

Pero feeling namin, malabong matupad ang wish na ‘yon ng a-ming kumpareng Robin, dahil… ano… ahm… basta malabong matupad ‘yon sa ngayon.

 

TRAILER PA LANG ay very interesting na ang bagong teleserye ni Gerald Anderson bilang si Budoy, dahil hindi rito guwapo ang aktor. Medyo pinapangit siya rito at ginawang kaawa-awa ang itsura.

Kaya punum-puno ng misteryo sa amin ang teleseryeng ito. Ngayon nga lang, me abang factor na kaming nararamdaman, eh. I’m eggcited, yeah. And I just can’t hide it.

 

Sa mga gustong mag-follow sa amin sa Twitter, @ogiediaz lang po at meron din kaming fanpage sa Facebook, i-like n’yo lang ang The Ogie Diaz. 

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Wish ni Robin Padilla na magsama-sama sila nina Mariel Rodriguez, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa isan g pelikula, malabong mangyari!

  1. hindi na aangat ang carreer ni robin padilla coz he does nothing new, lahat ng pinapakita nya nakita na natin nung 80’s at 90’s pa. buti nga napagbibigyan pa sya ng mga projects eh kasi wala namang kwenta ang acting nya…. no offense pero totoo naman diba… pang action lang talaga sya ngayong wala na sa trend ang action movies wala na din syang paglalagyan sa showbiz…

  2. Basagulero si Binoe. Hindi ba nagsuntukan sila ni Richard Gomez noon dahil kay Tetay ? Sa Malacanang groiunds pa nangyari.

  3. Tama ka Kiray. Kawawang Mariel, si Robin mahilig talaga yon sa maganda at sexy based on his past records with women, ang dami na nila, muntik pa ngang ligawan si Sharon mabuti na lang nalaman ni Sharon na buntis na pala si Liezl kaya yon hindi na pinansin ni Sharon si Binoy. My gosh it says a lot about the character of a man kung cheater ito. Si Vina Morales na tsismis din ni binoy. Asawa na ba ni Binoy si Liezl noong na tsismis ito sa ibat ibang mga babae? Anybody knows?

  4. Kawawang bea, palaging ginagamit ni robin atmariel para mapag-usapan. iba talaga ang magaling at maganda, kaya insecure to d max c mariel.

  5. ay talagang malabo ang hinihingi ni robin,i drawing na lang niya sa papel yun,dahil hindi mangyayari yun. tama si neknek_mo nang gigigil kasi si robin kay bea echosera lang itong si robin

  6. asus, isinama pa raw kunyari ni robin si mariel at zanjoe, if I know si Bea lang naman talaga ang gusto mong makasama dahil gigil na gigil ka na sa kaniya, hak hak hak

  7. Malabo talagang mangyari ang movie na gusto ni Robin. Kasama ba naman si Mariel, eh di FLOP. Kawawa si Bea kung matutuloy ito dahil first time ni Bea na magkakaroon ng FLOp na movie. Huwag na lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.