WISH NG FANS SA PAGBABALIK NIYA… GRETCHEN BARRETTO, BIGYAN NG MAS DARING NA ROLE!

DAPAT NA ABANGAN ang muling pagbabalik ng aktres na si Gretchen Ba-rretto sa telebisyon! Usap-usapan na ang pagsisimula ng soap na gagawin nito sa ABS-CBN. Pero lahat ay pinaplantsa pa lang at wala pang gaanong detalyeng naiparating sa amin tungkol sa nasabing soap.

Matapos ang tinutukan nitong papel sa Magkaribal with Bea Alonzo, saglit munang namahinga si Gretchen para paghandaan ang kanyang magiging pagbabalik. Kumbaga, pinasabik muna nitong muli ang mga tao para nga naman sa pagsalang niyang muli sa aktingan, siguradong aabangan na naman ang susunod nitong gagawin sa harap ng camera.

May katapat kaya, o kasama bilang bida sa sinasabing soap nito sa Dos, gaya ng sa kanila ni Bea? At kung solo project ito ni Gretchen, sino raw kaya ang magiging leading man nito?

Nang mabalitaan naman ito ng ilang mga tagahanga ng aktres na nakausap namin, wish nila na sana ay mas daring na papel daw ang makita nila sa beauty na ay sexy pang aktres.

Meaning, gusto nilang mas pa sa ipinakita nito sa Magkaribal ang mapanood nila!

SA TOTOO LANG, ang dami palang nag-abang nang may magsulat na diumano, ang Superstar na si Nora Aunor  ang  isa  sa magi-ging hurado sa katatapos na grand finals ng Talentadong Pinoy sa TV5.

Siyempre, na-excite ang mga Nora-nians. Pero, hindi rin naman nila nagustuhan ang kabuntot na nasulat tungkol sa nabalitang pagdating nito na hahainan daw agad-agad ng warrant of arrest ang Superstar sa sandaling umuwi na ito sa bansa.

Para makasiguro kung nandito na nga ang Superstar, sinubukan naming kontakin ito sa kanyang numero sa Amerika. Ang bungad na tanong ko sa kanya, kung totoo ang nabalitaan kong uuwi na siya  rito o nakauwi na. Ang simple-simple lang ng sagot sa akin sa text message ng Superstar: “Oo nga. Balita ko rin, anak!”

Siyempre, ang kabuntot nun ay ang pagpapakuwento na ng iba pang mga ibinalita sa kanya sa sinasabing pagdating niya rito sa bansa.

Nasaan ka, Inay?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.