Wish na makatuluyan balang-araw Mike Tan, seryoso sa non-showbiz girlfriend!

PAGBIGYAN N’YO MUNA ako na i-promote ang Startalk namin bukas kasi isi-celebrate namin ang 16th anniversary namin.

In fairness, huh! 16 years na ako sa Startalk dahil ako talaga ang original na host kasama ko pa noon sina Kris Aquino at Boy Abunda.

Pero sa totoo lang, sa 16 years ko na pagbati ng mga sponsors ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin sila kabisado at binabasa ko pa rin na dapat matapos ko sa loob ng isang minuto sa Alok-Bati segment ko.

Hindi ko naman talaga siniseryoso ang pagiging talk show host ko, eh! Ang importante, makabati lang ako, ‘no!

Kaya nagpapasalamat talaga ako sa GMA-7 dahil pinagbibigyan nila ang panghaharbat ko sa TV.

Marami kayong dapat aba-ngan sa pag-celebrate ng 16th anniversary ng Startalk bukas dahil labing-anim na pasabog at matitinding tanong ang sasagutin ng mga stars na involve sa isyung ‘yun.

Pinaghandaan ito ng mga staff namin at tiyak na maganda at mainit ito dahil mas tinapangan na nila ngayon.

Abangan n’yo ‘yan bukas!

 

ALAM N’YO, NATUTUWA ako rito kay Mike Tan kasi isa siya sa mga iilang artistang marunong magpasalamat sa mga reporter na nagsusulat tungkol sa kanya.

Hindi ako naka-attend sa presscon niya kamakailan lang, pero nagpasabi siya kay Gorgy Rula na gusto niya sana akong makita para pasalamatan sa mga magagandang nasabi at nasulat ko sa kanya.

Sa totoo lang, hindi ko na nga maalala kung ano ang nasulat ko tungkol sa kanya. Baka nga nalait ko pa siya nu’n, pero ma-runong siyang mag-acknowledge sa mga magagandang bagay na naibigay sa kanya.

Bibihira ang ganu’ng ugali sa mga artista kaya sana magtagal pa ito lalo pang gaganda ang career.

In fairness naman, marami ang pumuri sa kanya sa drama series nitong Kung Aagawin Mo ang Langit, dahil ang laki raw ang in-improve nito pagdating sa akting.

Siyempre, hindi ‘yan eklay, Mike, pero dapat naman talagang purihin siya dahil sini-seryoso niya ang lahat na mga projects na binibigay sa kanya.

Tahimik lang nga ito pero may matagal na pala siyang non-showbiz girlfriend na talagang seryoso na ang kanilang relasyon.

Hindi pa naman daw nila pinag-uusapan ang kasal, pero wish ng aktor na sana ito na ang babaeng makakasama niya habang-buhay. Tahimik lang daw ang girl na ito at naintindihan niya ang trabaho ni Mike kaya wala itong pinagseselosan sa mga leading ladies niya.

Medyo daring nga ang mga eksena niya kina Michelle Madrigal at Carla Abellana sa Kung Aagawin Mo ang Langit, pero hindi ito isyu sa kanilang magkasintahan. Kaya masaya na siya ngayon sa career niya, masaya pa rin ang lovelife niya. Bongga!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Wish na makatuluyan balang-araw Mike Tan, seryoso sa non-showbiz girlfriend!

Leave a Reply

Your email address will not be published.