Willing Willie to be fitted against Eat Bulaga and Happy Yipee Yehey?

NANG UNANG MARINIG ko ang pelikulang Tumbok at si Cristine Reyes ang bida ay agad naming inakala na ito ay isang sexy movie. Title pa lang kasi intriga na. Para bang sounds like ‘tambok’. At saan ba ginagamit ang salitang tambok? Sa kipay, ‘di ba?

Upo kami noon sa isang sulok ng presscon at maya-maya, ipinalabas na ang trailer. Presto burado ang nilalaman ng malikot naming kaisipan. Ang ‘tumbok’ palang tinutukoy ay ang kantuhan ng bahay, kung saan pinagmumulan diumano ng kamalasan.

Isang sikat na manghuhula ang tinanong namin tungkol sa tumbukan ng isang bahay. “May dala talagang malas kapag ang isang bahay ay tinutumbok ng isa pang kanto pero may panlaban diyan, Pwedeng basagin ang kamalasan ng isang ritwal na ang dapat gumawa nito ay ang may-ari ng bahay at ‘yung pinagpapakitaan.”

Hindi kami naniniwala sa multo at masamang espirito pero kumbinsido kami na ang pelikulang Tumbok ni Cristine Reyes ay isang pelikulang magbubukas sa ating imahinasyon tungkol sa mga kaluluwang-ligaw.

Pero teka, sa ibang pakahulugan, natumbok na kaya ni Rayver Cruz si Cristine? Naikanto na ba ng aktor ang dalaga? Haha ha! Sa May 4 po, sama-sama nating panoorin ang Tumbok ni Cristine Reyes. Tsuk!

PRANGKAHAN. MARAMI ANG hindi naniniwala kay Elizabeth Oropesa at nagsasabing nagha-hallucinate lang ang aktres at drama lang nito na siya ay nakakagamot?

Totoo. Maging si Elizabeth ay iwas ding pag-usapan ang kanyang kakaibang kakayahan. Ni ayaw niyang isa-isahin ang mga taong “napaga-ling” niya ang karamdaman dahil feeling ng aktres ay isang malaking kasalanan kung ipangalandakan niyang may supernatural healing power siya.

Matagal na rin ang kuwentong ito nang minsang dalawin namin siya sa kanyang clinic. Biglaan ng pagdalaw na iyon kaya sa labas nang nasabing “pagamutan” ay marami kaming pas-yenteng nakausap na halos lahat ay nagsabing nakakapag pagaling nga si La Oro.

Pagpasok pa lang namin sa clinic ni Oro ay sinalubong na niya kami. “Sinabi niya agad sa akin na may problema ako sa aking bato at puso. Tinitigan namin ang aktres dahil ang pinunta namin noong oras na iyon ay interview at wala akong balak magpagamot.

Prangkahan. Bilib kami kay La Oro dahil tama ang sinabi niyang may sakit nga kami. Pero ang tanong namin, paano niyang natukoy ang aming pansariling problema samantalang ni isang tao ay wala kaming pinagkuwentuhan. “Alam mo Morly, alam kong mahirap paniwalaan pero may extra vision ang aking mga mata. Nakiktia ko ang kaloob-looban ng isang tao nang wala akong ginagamit na aparato. At iyon ang dahilan kung bakit marami ang naniniwala at gumagaling sa mga nagagamot ko.”

Bata pa lang daw si Elizabeth, dama na niya ang kakaiba niyang healing power. “Inilihim ko ito maging sa pamilya ko, kasi natatakot ako na baka isipin na nasisiraan na ako ng ulo. Pero habang itinatago ko ang kakayahan kong ito, naghihirap naman ang aking kalooban dahil hindi ko natutulungan ang mga taong alam kong kaya kong gamutin ang kanilang pakiramdam.”

At iyon daw ang dahilan kung bakit lumantad na si La Oro. “Ang sabi ko sa sarili ko, bahala na. Ang importante ay makatulong ako at mawala ang bigat sa aking dibdib.”

Bukod sa natural power, nag-aral din si La Oro sa iba’t ibang bansa ng mga “kakayahang” hindi para sa mga ordinaryong doktor o albularyo. “Iba itong healing power ko. Iba itong ginagawa ko, wala itong masamang side effect dahil walang involve na drugs.”

Bilang artista, masaya si Elizabeth na humarap sa kamera. Pero kakaibang saya naman daw ang nararamdaman niya kapag nakakapag pagaling siya ng mga taong wala nang pag-asa.

KUNG ITUTULOY NG TV5 ang balak nilang ilagay sa noontime slot ang programa ni Willie Revillame, malamang mawala sa nasabing TV network sina Vic Sotto, Joey de Leon at maging si Ryan Agoncillo na pawang taga-Eat Bulaga. Ang usap-usapan kasi ay itatapat ng Singko ang show ni Willie sa mga programang Eat Bulaga ng Siyete at ng Hapi Yipee Yehey ng Dos.

Ayaw magbigay-komento nina Vic, Joey at maging si Ryan sa usaping paglipat ng time slot ng Willing Willie, pero isa sa mga taga-Eat Bulaga ang nagsabi sa amin na handa naman daw ang nasabing programa na tapatan sila nang kahit na anong programa at hindi na ito bago pa sa kanila. “Pero ang tanong dito, nasaan ang respeto?

Hindi pa ganu’n kalinaw kung matutuloy ang paglipat ng time slot ng Willing Willie. Pero ang kumpirmado, lalo na namang pinag-usapan ang TV5 dahil sa pagiging kontrobersyal ng show at ng host nito mismo. Tsuk.

Personal: Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga kapitbahay namin sa Mithi St., Tondo, Manila at sa mga taga-Gate 13 Parola Comp., Tondo dahil sa suportang ibinigay nila sa amin sa aming taunang Pabasang Bayan. Maraming maraming salamat po.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

26 thoughts on “Willing Willie to be fitted against Eat Bulaga and Happy Yipee Yehey?

  1. and im so happy dahil atleast nakakapanood ako ng show ni willie on a diff slot so please huwag na nyong palitan ang time slot ni willie…

  2. specially si joey de leon correct me if im wrong but i think nauna pa sya nagka show with abc 5 bago pa dumating si willie tama po ba…just a little respect na nagbigay din ng konting pagpapahalaga sa network nyo nung nagsisimula pa lang kayo…..

  3. Hinde ko lang maisip talaga kung baket kailangan  alisin pa sa time slot ni willie ang show niyA AT ilipat ng noontime.ang ganda na ng slot nya walang kalaban naghahari sya sa ganong oras…and isa pa respesto na lang sa tatlong which is may show rin sa kanilang network para tapatan pa…and we all know kahit pagbalikbaliktarin pa natin ang panahon eat bulaga is always on top sa rating…sila na yun eh sabi nga legend na sila…kahit ano pa ang itapat mo yun sila hinde natitinag…..so parang hinde yata ako makumbinsi na ilipat pa ng time slot si willie…Opinion ko lang po sana walang magalit.

  4. to Winde Balvis: hoy halatang may sira ka sa ulo, inggit ka lang a isang bilyonario. di mo kasi kilala si willy a personal, bukod sa mabait, very generouse even off cam.

  5. well thats good,lets see if this willie can upstage both shows , i doubt it…….good luck to your program…..but i’m still going to watch the other show….

  6. wala na ngang laban happy yeepee yehey, sinasli pa, panggulo lang ng ratings! haha
    dapt ibasura

  7. kuya will! magpakatatag ka pagsubok lamang yah..ganyan talaga ang kapag umaangat ka,marami ang gustong manira sayu!! hindi naman talaga scandal un ah…talent naman un nang bata diba.. imbes kayu ang binabantayan nila b00akit di nila bantayan ang mga bata sa lansangan na naghihirap.

    go! go! kuya will.. kung hindi sya bibili ng sponsor mu..e d kami ang bibili..;

  8. We love because he first loved us. If anyone says, “I love God,” yet hates his brother, he is a liar. For anyone who does not love his brother, whom he has seen, cannot love God, whom he has not seen. – 1 John 4:19-20

  9. Wag kana mag pakita sa tv Willie ang kapal ng mukha mo hambog kapal ng mukha mo..ang sarap tadyakan ng mukha mo kupal..lahat na sponsor mo di kami bibili, ikaw nalang ang bibili saksak mo sa baga mo

  10. Dapat lang talaga na may proofreader ang pinoy parazzi dahil magiging katawa-tawa lang sila sa mga nakakaintindi.

  11. Hahahaha fitted daw. Hoy morly alinio nxt time Kung gagawa ka ulit ng article dapat may dictionary ka sa tabi mo or ipa proof read mo muna hahahaha

  12. ay naku wala n talaga ,kua will  malungkot n ang buong mundo kn babalik kn sa show ur do idol  para masaya naman kaya araw araw thnx poh…

  13. pitted against ang tama, obviously, kulang sa kaalaman at TH magenglish ang writer at di sya nagiisa, kahit mga newscasters ay marami ang nagkakamali

  14. *Haha natawa naman ako.. No one is perfect! ok lang yan.. ü
    *Natuwa ako dun sa “TUMBOK”.. Akala ko din sext film, horror pala.. At mukhang effective si Aa na maging prinsesa ng Horror Films.. ü

    Go! pagsabay sabayin na para mas madaming maging happy every tanghali kahit uber INIT!! :)

  15. This is totally embarrassing! Please check your article before publishing it. Ask another person to proofread your work if you are not sure. 

  16. kapamilya ako pero enjoy akong panoorin ung dalawang kalog sa eat bulaga. Nakalimutan ko na ang name nung kasama ni wally bayola at okay siyang magpatawa. Walang ka effort-effort.

  17. andaming maling title ng article dito sa pinoy parazzi, title palang mali na so ang laman ng article malamang tsismis nga lang tlga hahaha

  18. RR12, the word is PITTED against, which means to compete. Mali na naman ang writer. Hindi na lang kasi tagalugin.

  19. k lang iyon mas masaya kasi may ka kompetensya wlang galit wlang paninira basta kung sinong panorin ng tao basta saya lang mahirap kalaban ang eb pero mas maganda ang may kalaban go go go willy wiling willy…

Leave a Reply

Your email address will not be published.