Willing Willie, inirereklamo na ng mga motorista!

UMAANGAL NA ANG iba’t ibang transport group at maging ang mga pasahero ng mga biyaheng Novaliches, Quezon City. Napapadalas daw kasi ang sobrang traffic kung gabi sa tapat ng TV5 sa Quirino Highway, San Bartolome, dahil sa dami ng mga taong nasa tapat ng compound ng nabanggit na istasyon. At ibinubunton nila ang sisi sa programang Willing-Willie at sa host nito na si Willie Revillame.

Last week, dalawang magkasunod na gabi raw na inabot ng alas-dos ng madaling-araw bago nawala ang traffic. ‘Yong mga commuters na galing pa sa trabaho mula Makati at iba pang lugar sa Metro Manila, madaling-araw nang nakakauwi. Apektado ang mga ito dahil kinabukasan ay maaga na namang gigising for another day of work. Konting oras na lang daw ang kanilang itinutulog dahil sa late na ngang nakakauwi kaugnay ng binubuno nilang matinding traffic sa pagbiyahe.

‘Yong ibang driver nga ng pampasaherong FX at jeepney, nagpaplano na nga umanong maghain ng reklamo sa TV5. Nais umano nilang tawagin ang pansin ng pamunuan ng nasabing network para aksiyunan ang perhuwisyong dulot ng halos gabi-gabing pagbabara ng trapiko dahil sa kapal ng mga nagsisipilang gustong makapasok sa Willing Willie.

May mga nagagalit na nga kay Willie. Nakakatulong nga raw ang programa nito sa ilang mahihirap nating kababayan.  Pero may mga napeperhuwisyo rin naman daw dahil nga sa trapik na dulot ng sandamakmak na pumipilang naghahangad na suwertehing manalo ng mga papremyo sa show.

In fairness kay Willie, hindi naman siguro dapat na sa kanya magalit ang mga umaangal dahil sa halos gabi-gabing sobrang pagtatrapik sa area na tapat ng TV5. Hindi naman kasi niya kontrolado ang situwasyon particularly ‘yong pagbuhos ng mga taong pumipila at gustong magbaka-sakaling maambunan ng magandang kapalaran.

At siguro rin naman, gagawa ng hakbang ang management ng TV5 hinggil dito. Siyempre, hindi rin naman siguro gugustuhin ng mga ito na ulanin sila ng reklamo.

Naman!

SA NOVALICHES DIN kami umuuwi. Nai-experience din namin ang heavy traffic kapag pauwi na kami. Hatinggabi na, talagang usad-pagong pa rin ang andar ng mga sasakyan kapag malapit ka na sa may TV5.

Pero ang naobserbahan namin, hindi naman ang mga taong magdamag na pumipila hanggang umaga ang cause ng heavy traffic. Mismong ang mga driver din naman kasi ng mga pampasaherong jeep at bus ang may kasalanan kung bakit nagbabara ang daloy ng trapiko.

Pagtapat kasi nila sa TV5 kung saan maraming tao, sila mismo ang humihinto at halos ayaw nang umandar. Na para bang inuusyoso ang dami ng mga nakapilang tao. O baka naman iniisip din nilang may mapipik-ap silang pasahero.

Eh, nando’n nga ang mga tao para magpaumaga na sa pila. Hindi ba naisip ng mga driver ng mga pampasaherong bus at jeep na kahit maraming tao eh, walang sasakay kasi mga pumipila ang mga tao roon na mag-i-stay hanggang kinabukasan na?

Kaninong kasalanan ngayon ang pagbabara ng daloy ng traffic sa tapat ng Channel 5?

NAGTATAKA SI ERICH Gonzales kung  bakit   may   isyung   dine-dedma raw niya si Empress Schuck sa show nilang Shout Out.  Tinatawanan na nga lang daw nilang dalawa ang tungkol dito kasi wala naman daw dapat ipang-intriga sa kanila. Wala naman daw anumang problema sa pagitan nila.

“We were okay,” aniya nga. “Not only with Empress but within the rest of the group,” mga iba pang kasama nila sa kanilang grupo na kinabibilangan nina Kim Chiu, Melisssa Ricks, Beauty Gonzales, at Kitkat.

May isyu rin na insecure din umano siya kay Kim. Bakit nga ba may gano’n?

“Hindi ko po alam. Wala pong katotohanan iyon. Kasi magkakaibigan po kami.”

Si Enchong Dee na identified bilang ka-loveteam niya, napapabalitang may special someone na itinuturing nitong inspirasyon sa ngayon. Siya kaya iyon?

“Kami po ni Enchong, magkaibigan lang po talaga kami,” pagdidiin ni Erich.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

42 thoughts on “Willing Willie, inirereklamo na ng mga motorista!

  1. Grabe talga sa yabang ng willie nayan.. agree ako sa nag commnet na try lang niya na wag magbigay ng pera ewan ko lang if may pumunta pa sa kanya.. Sobra talga sa yabang yan bat di niya hayaan kung ano ang desisyon nila Randy at John. sobra talga siya sa yabang kung magsalita parang di siya pinalamon at pinayaman ng istayon
    na binabastos niya . Willie negosyo yan ganyan talga . Plibhasa wala kang pinaaralan. Dapat hindi nagsasalita ng kabstusan at paninira sa nagpayaan sayo, kung may ngawa man sayo kasalanan mo rin yan dahil mayabang ka.Tandaan mo kung lagin kang may poot hindi ka rin magtatagumpay dapat maging professional ka at positve sa mga bgay na nagyayari . tgilan mo ang mga parinig at Bak bumalik sayo lahat.. ABSCBN is big company and respected people ang may ari niyan kaya di mo kayng banggain yan. Matuto kang lumaban ng parehas. Babagsak ka din at baka kainin mo lahat yang pinagsasabi mo..

  2. Nabasa nyo ba ang feed ng stir.ph ngayon na galit daw itong si Willie at palaging patutsada daw ito kay John at Randy kasi daw nag switch network daw itong si John at Randy back to Channel 2 daw from TV5 dahil mag noontime show daw ang dalawang ito sa Channel 2 with Toni and Mariel? Totoo kaya ito? During sa birthday celebration daw ni Willie sa WW ay palagi daw itong patutsada sa dalawa kasi hindi daw ito nakadating sa birthday celebration nya sa WW.

    • Nabasa ko rin yong feed ng mb.com.ph about Willie's outburst sa WW dahil sa paglipat ni John and Randy sa Channel 2 from TV5. Ipo-promote daw ni Willie ang Eat Bulaga araw araw dahil lang sa galit nya sa dalawang ito. Hindi naman ito tama na gagamitin pa nya ang Eat Bulaga just to spite Randy, John and ABS, that is so childish and an insult to Tito Vic and Joey. If you want to promote a show, it is because you like and believe in that show at hindi dahil you just want to use that show to put another show down. Mali naman yan. Hay naku, nakikita na naman ng masa ang pagka unprofessional nitong si willie.

  3. Nakita nyo ba ang guestings ng Hitmakers sa WW noong Jan. 22 ba yon? Grabe itong si Willie, wala talagang breeding, kitang kita talagang walang pinag-aralan, I think his purpose of inviting the Hitmakers sa WW ay dahil para maka get even sya dito. Pinahiya nya talaga ang mga ito sa show nya, very sarcastic, hindi na talaga sya maiiba pa, hambog. At ang bulong bulongan pa, during off air daw, mas grabe daw ang sarcastic ni Willie sa mga Hitmakers. The Hitmakers daw hindi na lang ina accept ang prize at naging sarcastic na naman daw itong si Willie. Go to stir.ph to read the article. Ang nagcomment sa ibaba ng article said that it was the lowest form of kabastusan daw ang ginawa ni Willie sa mga Hitmakers. E ano pa ba? what can we expect from him other than kahambugan at kabastusan, doon lang naman siya naging well known ah. Ang giraffe hindi magkaanak ng tiger eka nga!!!

    • Maski ano pang gagawin nya, hindi nya makuha ang respeto kagaya ng RESPETO na ibinigay ng mga tao kay Tito, Vic and Joey. Maski ano pang gagawin nya, hindi nya mapataob ang EB. Go TVJ, mga kagalang galangan kayong mga hosts, do what you do well.

  4. panay kasi panawagan na ang willing -willie ang makakatulong sa kanilang mga problema kaya naghahakot na naman ng mga mahihirap na tatambay sa labas ng studio.

    nangyari na yan nung nakasuhan sila ng STAMPEDE. andaming namatay. ngayon mauulit na naman yan wala ka talagang kadala-dala willieboy, hindi mo ba alam na delikado na naman yan ginagawa mong pag -papaasa sa mga kababayan natin baka masagasan o mabundol na mga iyan jan lalo na kung nagkarun ng mga aksidente lalo nat maraming motorista ang dumadaan jan at jeep kung me aksidente na mangyari jan madadamay ang mga tao na nakatambay sa labas ng studio magsisipagtakbuhan sila lalo na kung bumabangga ang sasakyan sa mismong malapit sa kanila dun magkakarun na naman ng STAMPEDE o kaya dahil sa pagtatakbo baka masagasaan na naman ang mga bitbit nilang bata o matanda dyan.

    wala ka talagang kadala-dala.

  5. amimnin ninyo na inggit kyo wla namang ginagawa sa inyo ang tao puro paninira lang bakit ndi kyo tumulong kahit sa ibang paraan o kung gus2 ninyo naman nood na lang kyo sa mga stasyon niyo puro kyo magaling matalino….

    • ….a….alam ko na,,,isa ka siguro sa mga matyagang pumipila dun noh….ok!good luck sa pagpila….Uweeee!!!asa palad ang tawag dyan….

      • tingin ko ay isa yan sa mga ww dancers kaya ganyan na lang ang pagtatanggol niya kay willie. Baka nga naman bawiin sa kanya ang kotse tulad nung nangyari sa isa nilang kasama. Teka, bakit ang panabi ay pinagbibigyan ni willie ng kotse ang ww dancers, un pala ay pang down payment lang. :-)

  6. kayo naman wlang ginawa kundi manghusga masama bang tumulong?ang gus2 ng mga tao saya at cyempre pera nagagalit kyo kc kapuso or kapamilya kyo ayaw ninyong umangat ang ibang stasyon ndi ba maganda ang may kalaban?at higit sa lahat wlang craan ako kapamilya at kapatid pag gus2 kong mag-emote nood ako sa kapamilya pero kapag gus2 ko ng saya cyempre sa tv5 kya ndi umasenso ang mga pinoy kc puro husga,inggit,selos,paninira sa kapwa bat ndi natin gayahin ang mga chinese nag22lungan sa isat-isa lalo na sa egosyo kaya kta ninyo naman ang mga chinese sikat sa buong bansa tyo sikat sa lahat ng katarandaduhan..korekorekok ba?wag plastik aminin heheheehehehe

    • …anosa, i-kagennishite!!!….isa karing bulag sa katotohanan,,,palagay ko puro carrie nasa utak mo…may chinese kapang nalalaman dyan! :) .yung idol mo ang may korekorekok….anu ba yun?…baka KURUKURU-PA…puro ka TV5, edi saksak mo sa baga mo yan……

    • c willie din nman ahh mahilig manira ng stayun at s taong kalabn nya,,sabihin m rin kya kay willie n wag xa manira ng stasyun pra msabi nmin sayo ang gling m

  7. Bkt naman ang tv5 at c willie ang sisisihin.. Xa na nga ang natuLong sa mga tao.. Sana unawain nlng .. Kau b mattulungan nyo ang miLy0ng miLy0ng , ta0ng naasa at nagbbasakaling magkapera??

    • anong tulong ba ang binigay nya? kung gusto nyang tumulong, trabaho ang ibigay nya, di yong magbigay lang ng pera pantawid ng gutom. naging trabaho tuloy ng mga tao ay umasa na lang at ang pumila sa wiling wili. sabagay mahirap na trabaho ang pumila nang pumila… storbo sa daan…

      • Korek na korek ka dyan. Pareho lang tayo ng iniisip. Tutal ay milyonaryo na siya, bakit hindi niya gayahin si pacman na nagi-invest sa mga negosyo kaya marami siyang nabibigyan ng trabaho. Magpatayo siya ng pabrika ng kahit ano at sigurado akong marami siyang matutulungan, hindi ung tinuturuan niyang maging tamad ang mga tao na naghihintay na lang ng pagbagsak ng grasya.

      • Totoo talaga ang mga sinasabi mo Sundyegan, bright ka talaga. Bigyan nya ng trabaho ang tao kaysa bigyan ng pera at hindi mo alam kong yong perang binibigay nya mapunta sa mabuting paraan, baka mapunta lang yon sa jueteng. Sabi nga don't give a man a fish but teach that man how to fish.

      • Thanks Maria at tama ka rin. Malay ba ni Willie kung ginagamit sa mabuti ung nahihingi nilang pera sa kanya. Tuwang-tuwa siya dahil akala niya ay nakatutulong siya, pero ang di niya alam ay ginagamit lang siya ng mga taong mapagsamantala.

    • …tumutulong?haller???!!!e hindi naman galing sa bulsa nya ang itinutulong nya noh!!!ang sabihin mo,tinuturuan nila ang mga taong maging tamad,,,.ang daming tambay dun,,,mga mukhang addict,,,at dati naring traffic dyan,kaso lalong lumala,marami talagang osyoserang tao…sagabal…. :))

    • Para ano, pagkatapos na mabigyan ni willie ng pera at naubos ay pipila ulit at maghihintay na naman na maabutan? Eh hindi na nga magiisip na maghanap-buhay ang mga tao at aasa na lang sila sa limos ni willie at lalong darami ang mga parasites. lol!

      • At yong ibang tao dyan, ginagamit nila ang kanilang mga lola papuntahin doon kasi yon ang mga type ni Willie ang mga lola kasi madaling ma uto to boast his ratings at madagdagan ang mga die hard fans nya.

      • Impatient ako at kung ako'y nasa pinas, hinding-hindi ko aaksayahin ang oras ko sa pagpila ng pagkahaba-haba at maghihintay ng ilang oras para makapasok lang sa WW. Dito nga lang, I'd rather leave early to get to work than sit in the traffic, that's why i chose to work early. May time pa ako na makapag make-up at makapag-kape. :-)

      • Sundyegan pulubi kami sa Pinas at ang hindi ko gusto balikan ang maghintay sa dumadating lang kung ano lang ang mabigay sa akin, dahil walang asenso ang taong maghintay lang na bigyan, kailangan kumakayod at magtrabaho para hindi tayo maging pabigat sa ating goberno para malampasan ang pagkapulubi, kaya nagpakahirap ako dito. Hindi kami mayaman dito pero hindi rin kami nagugutom at hindi kami tumatakbo sa goberno para humingi ng assistance dahil mas gusto ko pang magtrabaho ng mahirap kesa maging beggar. Nakakahiya!

      • At noong umuwi ako sa atin, ang daming mga bata na beggar, at ang husband ko pinipick pocket nung isang bata at na feel ng husband ko na may kamay sa kanyang pocket so he grabbed the boy's hand and took the money from the boy and let go of his hand and we immediately went to the store kasi di ba may mga kaibigan yong mga magnanakaw na nasa kapaligiran lang. Pero ang security guard sa store was just staring at the incident, hindi man lang kami tinulungan. Naaawa kami doon sa mga bata pero if we give them money para na rin naming sinasabi sa kanila na it's okay to become beggars and para na rin namin silang sinabihan na there is no other choice in this world but to beg for money. Doon ito nangyayari sa Cebu. Kaya next time na lumalabas na kami, doon na kami nagpunta sa uptown.

      • alam mo Maria, gusto ko rin umuwi sa pinas palagi, pero ang nakakapigil sa akin eh ung sobrang traffic at higit sa lahat ay mas dumami ang masasamang tao; feeling ko eh hindi na safe sa pinas kahit nasa sarili mong bahay. Sabagay, kahit saan cguro tayo magpunta ay hindi mawawala ang mga bad elements. Kagaya na lang nung gumamit ako ng CR sa Jerusalem, nakalimutan ko ang hat ko pero binalikan ko agad, ayun, di ko na nakita. Kaya ang paalala sa amin ng aming tour guide eh ingatan ang aming mga gamit lalong-lalo na ang aming travel docs.

      • …Sundyegan and Maria,tara dito nalang kayo mag travel sa japan.yun nga lang lost communication,pero kung may tour guide/ kaibigan ka, mas maganda.ok din dito nalang kayo sa bahay,siksikan tayo, :) ….walang problema…safe ka kahit saan magpunta….

Leave a Reply

Your email address will not be published.