Willing Willie, hindi nakawiwili?!

OLA CHIKKA!!! HANGGANG sa ngayon ay hindi pa rin natatapos ang hiwalayang Kris Aquino at James Yap. Hindi ko ikinatuwa ang mga negatibong reaksiyon sa tuwing mayroon akong ibinabalita. Hindi ako gumagawa ng istorya o nakikisawsaw sa mga intriga para lamang pag-usapan. Ilang mga balita na ako mismo ang unang naghayag sa madlang pipol ngunit hindi pinaniwalaan ng marami. Isa na rito ang pagchika ko na matagal nang hiwalay sina Kris at James.

Kung inyong matatandaan, naisulat ko na ito sa column ko rito sa Pinoy Parazzi dated January 4, 2010, kahit na hanapin n’yo pa sa website. Doon ay sinabi kong on the rocks na ang relasyon ng mag-asawa at sadyang pinipilit na lamang manahimik o ayusin sa ngalan ng kandidatura ng kanyang kapatid na ngayon ay Pangulo na ng ating bansa.

Kahit sino naman ay hindi dapat matuwa kapag masamang balita tulad nito ang inyong maririnig. Walang tao ang nais magkaroon ng broken family. Ngunit ang lalo kong hindi ikinatuwa ay ang mga hindi magagandang kumento sa aking
ibinabalita katulad na lamang na “nakikisawsaw lamang iyang bakla na iyan”, “binayaran lamang ‘yan para siraan sina Kris at James”, “gumagawa lamang iyan ng kuwento upang pag-usapan”. Masakit man, tanggap ko na ang mga ganyang
reaction dahil sa bandang huli, lumalabas din ang katotohanang hindi ako nagpapabayad, nakikisawsaw at gumagawa ng kuwento para lamang mapag-usapan.

Nagpapasalamat ako sa mga taong hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sa akin.

NOONG SABADO NG gabi ay naipalabas na nga ang show ni Willie Revillame na Willing Willie sa Kapatid network. Halos wala ring pinagkaiba sa dati niyang Wowowee. Iyun nga lang ay talagang maganda ang quality ng mga pinalalabas sa Kapamilya network.

Sino nga naman ba ang hindi mawiwili sa bonggang-bongga nilang papremyo, mukhang kahit ako ay talagang mawiwili sa mga salaping pinamimigay, hindi ba? Kahit gaano man siya nakatutuwa ay hindi mo pa rin maitatago ang kitang-kita na pagka-TH nila. As in, trying hard na malampasan ang narating ng Wowowee niya rati. Sa kabila ng mga intrigang nilampasan ng Willing Willie, naipalabas na nga siya noong Sabado. Ngunit ang hindi natin alam ay kung hanggang saan at hanggang kailan mawiwiwli ang mga tao.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong girlaloong umaali-aligid pa rin sa napakaguwapong aktor kaya naman ang jowa nito ay naghihimutok na sa galit, pero mukhang wala namang magawa? Ano ba’ng nangyayari sa mga showbiz couple ngayon?

Noong Biyernes ay nai-chikka ko rin ‘tong celebrity na mag-jowa at ngayon naman ay maging ang third party ay celebrity na rin. Hmmm… siguro ay sobrang yummy nitong girlaloo kaya kahit anong pilit umiwas ni aktor ay hindi niya magawa. Tsk, tsk, tsk… kunsabagay, mukhang ganda at talent lamang ang mayroon si celebrity gf at pagdating sa performance sa kama ay laglag ang rating. Naku, huh! Mahirap ‘yan at mukhang mahilig pa naman ‘yang si jowa mo. Ha-ha-ha!

Hindi n’yo pa din mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays, from 11:30 AM to 12 NN. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleHeart Evangelista, very unprofessional
Next articleKris Aquino at Isabel Oli, nagkita sa kasal ni Jenny Miller

No posts to display