Willing Willie cast and crew grand vacation, just a gimmick?!

OLA CHIKKA, NOW na! Thanks God it’s Friday! Chikka na muna tayo ngayon, dahil next week, bakasyon muna tayo sa mga chikka. Pero speaking of bakasyon, heto ang napaka-kontrobersiyal na isyu. Galing mismo sa insider sa Willing Willie na gimik lang daw itong eksena nila, na para makapagbakasyon nang engrande, at lahat ng staff, huh!

Naku, ha?! Hindi magandang pa-ngitain ‘to kung gimik lang ito. Kasi parang kinabahan na rin sila dahil nakiisa na ang mga ahensiya ng gob-yerno sa mga artistang bumabanat sa kanila, kaya laging tumataas ang presyon ng kanilang lider.

Ewan ko ba kung ano ang gustong palabasin nila? Bakit hindi kasi sila mag-graceful exit na lang para wala nang naagrabyado at napapahamak na mga sinasabi nilang sawsawero at sawsawera na mga pulitiko at mga artista?

Kung totoong gimik lang ito, kinukondena ko sila mula ngayon hanggang wakas. ‘Di ko sila titigilan para maituwid ang kanilang landas. At please utang na loob, sa mga Twitter at Facebook, natatanggap ko na ako ay bayaran ng ABS-CBN, utang na loob ulit, hindi pa pinapanganak ang pipigil sa aking katuwiran, kung baluktot ang kanilang ginagawa.

Hindi ako magtatagal sa industry ng apat na dekada kung ang mga paniniwala sa akin ng mga nagtitiwala sa akin ay bayaran ako ng sinuman. May paninindigan po ako at taas-noo ko po kayong haharapin. At iharap n’yo sa akin kung sino ang mapapatunayan n’yong nagbabayad sa akin. Marami akong outlet para mabuhay. Nand’yan ang DZRH na halos tatlong dekada na hindi ako iniwanan. May programa ako sa Pinoy radio, UK at Europe. Sa mga hindi nakakaalam, sa DYRC Cebu at DWSS. May online streaming pa rin ako sa Pinoy Parazzi Live ng flippish.com, kasama ko ang napakagaling at multi-awarded na DJ na si Kristine Dera, at dito sa pinagkakatiwalaan kong Pinoy Parazzi, kung saan nag-iisang pinagsusulatan ko sa tabloid, at marami pang mga raket sa pelikula at TV guestings, at mga shows sa iba’t ibang probinsiya, na sapat na ibuhay ko sa aking pamilya.

Ngayon ko lang sasabihin ito, dahil sa mga hindi nakakaunawa sa pagkatao ko, na kahit sino ‘pag mali ang ginagawa sa industry, talagang pupunahin ko at kung tama naman ay pupurihin ko. Please… please… please… trabaho lang po, walang personalan. ‘Yun na!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong comedian TV host na ako kaya ang gustong palabasin? May bali-balita kasing noong nakaraan sa NAIA ay talaga namang may attitude problem at arogante, dahil nga sa x-ray na kailangang tanggalin ang sapatos. Kaya lang, ang lola mo ay ayaw tanggalin dahil mahirap daw ibalik, dahil nga naka-boots siya. Kaloka, ‘di ba?

At heto pa ang saying niya, ‘kilala n’yo ba kung sino ako? hindi n’yo ba ako napapanood sa TV?’ Kahit sino ka pa, ‘teh! Kahit nga ang presidente pa at kung sinuman ay sumusunod sa patakaran. Kaya kung ako sa ‘yo, magtsi-tsinelas na lang ako… hahaha! Para walang kahirap-hirap. Aura ka kasi ng aura, ayan tuloy… hahaha!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleTawid-pasada program, walang silbi at sanhi ng kalituhan
Next articleBea Alonzo’s ex-boyfriends’ fate may happen to Zanjoe Marudo

No posts to display