Willing Willie, 2 weeks off the air!

LALONG UMINIT NA pinag-usapan ngayon si Willie Revillame pagkatapos nitong magsalita sa Willing Willie nu’ng nakaraang Biyernes, kasabay pagpapaalam na mawawala raw muna ang kanilang programa sa loob ng dalawang linggo. Mahigit 30 minutos yatang naglitanya si Willie nang binalikan nito ang mga pinagdaanan niya muna nang mag-Wowowee sa ABS-CBN 2 hanggang dito sa TV5. Ang matindi pa, pati sina Aiza Seguerra, Lea Salonga, Jim Paredes, Tuesday Vargas, K Brosas, Mylene Dizon at Agot Isidro ay pinatutsadahan niya dahil sa mga tinitira raw sa kanya sa Twitter. Ewan ko lang, pero hindi naman yata du’n sa mga nabanggit niya tinitira siya sa Twitter. Hindi naman kasi ako nakakapagbasa ng Twitter na ‘yan, pero nabasa ko na lang sa diyaryo ang kay Aiza Seguerra. Pero ang sabi sa akin, wala naman daw paninira sa kanya ang iba du’n sa nabanggit niya. Kung ano kasi ang ikinukuwento sa kanya, pinapaniwalaan niya. Kaagad naman niyang binabanggit sa TV, kaya tuloy ang daming nag-react at kung anu-anong paninira raw ang mga sinasabi laban sa kanya. Nagsalita pa itong idedemanda niya ang mga naninira sa kanya sa Twitter, eh ang dami yata nu’n. Pero ang sabi naman sa akin, karamihan naman du’n taga-ABS CBN 2 kaya hindi na ako nagtataka. Kunsabagay, mabuti na rin munang magpahinga ng dalawang linggo ang Willing Willie dahil masyadong mainit pa. Mabuti na ring makapagpahinga muna si Willie dahil hindi talaga siya tinitigilan ng mga kumakalaban sa kanya. CONGRATULATIONS SA MAG-ASAWANG Niño Jefferson Lim at Krista Ranillo sa kanilang bagong baby boy na iniluwal ni Krista nu’ng April 5. Ang laki ng baby na may timbang na 8.6 lbs. pero normal ang panganganak ni Krista. Muntik na nga raw siyang i-Caesarian, pero nakayanan naman ng aktres kaya tuwang-tuwa itong nalagpasan niya at safe silang mag-ina. Unfair lang sa mag-asawa dahil nakara-ting daw sa kanila na naging biruan ng ibang sportswriter na kamukha raw ni Manny Pacquiao ang baby. May nagsulat pa yata nito sa diyaryo na ginawang biro at nakarating daw ito kay Niño. Masamang-masama raw ang loob niya sa nagsulat nu’n kaya pinag-iisipan daw ni Niño na magdemanda. Sana maging masaya na lang daw sila sa kanilang pagkakaroon ng baby, huwag nang haluan ng malisyosong biro. In fairness naman, kamukha ni Krista ang baby at minsan may kuhang parang halo ng hitsura nila ni Niño, kaya tigilan na ‘yang ganyang biro. Kaya ako, kinu-congratulate ko sila dahil feeling daw ni Krista, fulfilled na siya at isa na siyang ina. Balak daw nilang magbakasyon dito at itutuloy na ang church wedding dito kapag medyo malaki-laki na ang kanilang baby. Mga Mata ni Lolita by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Willing Willie, 2 weeks off the air!

  1. Kayo ngang mga nagmamalinis at nagkukunwaring nag mamalasakit sa mahihirap …. Kilabutan nga kayo sa inyong mga sarili…. Wag na nga kayong makisawsaw sa kasikatan ni willie….. Kung talag.ang may malasakit kayo sa mahihirap nasan kayo?….. Pa twit twit pa kayo…. Para bang may nai aambag kayo sa mga mahihirap….. Bakit kailangan nyo ba ng space para rin maheadlines kaya kayo nakiki simpatya na kunyari may malasakit kayo sa mga mahihirap…… Mas maraming mga problema ang pilipinas na dapat nyong pagtuunan bakit ang isang paslit na jan jan ang binigyan nyo ng pansin?….. Dahil kasi kakabit ang pangalan ni willie kaya nakiki sawsaw kayo?….. Na alm nyo malaking scoop yan dahil pangalan ni willie ang nakakabit?….. Abay mag isip nga kayo?….. Gumawa kayo ng sariling diskarte sa buhay wag nyo ng idawit pa ang pangalan ni willie para lang mapag usapan kayo at mabanggit sa mga balita na kayo eh may malasakit sa mga mahihirap…. Kayong mga wala ng pangalan sa industriya….. Kung kayo eh lLAOS na abay magtinda na lang kayo ng Mani sa tabi ng gate ng TV5 para may kita pa kayo wag na kayong makisawsaw sa kasikatan ni willie wala naman kayong naitutulong sa mga mahihirap…… Wag na kayong magmagaling sa inyong masarili kasi wala kayong mga K na mag astang maka mahirap…… ikaw lea salonga? Anong karapatan mong magsalita ng pabor sa mahihirap? Bakit ano na ba ang nae ambag mo sa mahihirap mula pa nong sumikat ka? May natulungan ka na ba?…. Kayong mga artistang nagmamagaling…… Manalamin muna kayo at sabihin nyo sa sarili nyo kung sino ba talaga kayo?……. Pls. Lang tantanan nyo na yang isue ng moralidad na sinasabi nyo kasi kayo mismo wala rin kayong karapatan sabihin yan…… Wag na kayong magmagaling….. Tumulong na lang kayo sa mga mahihirap tulad ng pagtulong ni willie sa mga mahihirap……. Pls. Lang wag na kayo makisawsaw…… Kung mga Laos na kayo tanggapin nyo na yan…… 

  2. Tanungin nyo ang mahihirap kung ano ang mas kailangan nila, ang mga nagtatanggol sa kanila sa Twitter o yung inaakusahang ginagamit sila kapalit ng konting pera. Ang mga Pinoy sobrang ipokrito at nagmamalinis. Nung binitay yung 3 Pinoy sa China sinasabi ng iba na hindi raw alam na may drugs dun sa bagahe, ayaw niyong tanggapin na ganito na katalamak ang kahirapan sa Pinas. Na ang isang mahirap na gustong kumita ay kayang ibenta ang kaluluwa para sa pamilya. Oo, siguro tama sila, siguro ginagamit nga ni Willie ang mahihirap pero at least may napapala sila, may pera silang nakukuha na pangtawid gutom sa maghapon man lang. MGA SOBRANG MALILINIS AT MARARANGAL NA PINOY, BUMABA KAYO SA PEDESTAL NYO – HINDI PO NAKAKAIN ANG PAGTATANGGOL NYO SA TWITTER. O ngayon na Twit kayo ng Twit na para bang kaya nyong makipagpatayan para sa mga mahihirap, makakakain na ba sila? May pera na ba ang mahihirap? Kung kaharap nyo lang ang mga mahihirap baka isaksak pa sa lalamunan ninyo ang Twitter na yan, dahil sa totoo lang SATSAT lang naman yan. May nabago ba? Nakatulong ba kay JanJan? Pwede ba ibayad sa tuition yang Twitter? Pwedeng kainin? Ikabuhay? Malamang na ginagamit nga ng Willing-Willie ang mga mahihirap pero ganon din naman sila di ba? May napapala naman ang mga mahihirap kahit paano. Yung mga artista na ngawa lang ng ngawa, alam nyo gusto nyo lang naman sumikat eh makasama sa headline, kung itatabi sa inyo itong mga mahihirap baka maghapon kayong maligo ng alcohol, o di ba Ms Salonga? Ms Isidro? Kaya nyo bang kamayan man lang ang mga pulubi?

  3. “isang karangalan para sa isang babae ang mabastos ng isang Willie Revillame.” sabi ni cristy gagong fermin.Para sayo un kase muka mo basura na.hahaha….sira ulo ka tlga cristy fermin.tanda tanda mo na kase.^_^ siguro binabayaran ka ni “Puppy”aw!aw!aw how much ba?

  4. Ang mga tagapagtanggol ni Willie, kungdi scam artist tulad ni Lolit, ay mga estafadora tulad ni Cristy.

    Ika nga, “tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.”

  5. tang ina ngo magtrabaho na kayo gago fuck you bitch i boycott ang mga tumira ki willie hambog na leah salonga na yan laos yan aiza segguera nayan mag pakakalaki ka tama si willie

  6. Nabasa ko sa column ni Armida Siguion Reyna sa Daily Tribune na sinabi raw ni Cristy Fermin na “isang karangalan para sa isang babae ang mabastos ng isang Willie Revillame.”

    Naku po, kungdi ba naman may sayad sa utak itong si Cristy. Magsama-sama silang lahat na may sayad sa utak sa TV 5.

  7. Hay… buhay Ni WW habang d 2 magbago patuloy itong babatuhin dahil din sa ugaling baluktot.. at kulang sa pinag -aralan . Ang pagtulong ay may patterns, its good to give and help your fellowmen, but turuan mo on how to survive, pero hindi yong paulanan mo ng pera palagi.. aasa at aasa ang mga yon, dahil minsan ang pera ay may dalang kasamaan at deformation of attitude of one person. Karamihan kasi sa mga Pinoy , want an easy money, ayaw magbanat ng buto! Di mo kailangan pangalandakan na tumulong ka , dahil ang diyos alam nya lahat na pangyayari at ginagawa ng isang tao. kailangan ni Willie ay spiritual adviser at to learn more about values education, ito ang maraming wala sya.. Nakakilala ito ng Diyos pero hindi ito isinabuhay….. Ito na ang epekto ng fame at pera lalo ang nakapligid sa kanya ay mahilig manggatong and pushing him to do something not pleasing. Hope after 2 weeks of rest and contemplation he realize that he needs something to change. I really felt bad what he did, the way he displayed himself arrogantly but the same time ,I felt pity to him. I wish na ang damukong na ito marunong makinig din sa nga good advises ,hindi yong advises ng mga sipsip. This a trials mean to teach him a good lesson to change, if he continued to refuse to change, one thing Im sure God will do something to stop him, or give him something to his downfall.

  8. naku ,try nyo na mging mahirap let see ano gagawin nyo,!(bka showbiz answer nman ha!!mag comment kaung mga celebrity pag pinalamon nyo na khit isang araw yungmga mahiahirap na bata,pag wla nang ningning sa showbiz eh ,SHUT YOUR MOUTH UP !!!LECHE!!!KAIN N LNG AKO CHICKEN ALFREDO!!!

  9. ITONG SI LOLIT HANGGANG NGAYON BALUKTOT PA RIN ANG PAG IISIP. KAPAREHAS DIN NG KANYANG ALAGANG SI REVILLAME. NAALALA PA NYA KAYA ANG MANILA FILMFEST SCAM???? HAYYYYYYYYY PAREHAS TALAGA SILA NI REVILLAME!!

  10. hindikna nagbago lolit.. kahit alam mo na mali ang dyosdyosan mo aba sumasamba ka pa din sa knya…. magsama sama kyo nila crispy permin na yan… mga mukhang pera mga ganid mga halimaw…. pag namatay kayo di nyo madadala yan lahat…. ang importante dito ung nagawa mong kabutihan at hndi kahayupan…

  11. WAG NA PABALIKIN ANG MAYABANG NA SI WILLIE, BUY MO NA SIYA NG RESPESTO SA PALENGKE MARAMI NAMAN SIYANG PERA. MARAMI NAMAN SIYANG PERA MAG PA BRAIN TRANSPLANT SIYA PARA ANG KANYANG KAHAMBUGAN AY MABAWASAN. IT SEEMS NA HINDPI NATURUAN NG MAGANDANG ASAL SI WILLIE. OR PROBABLY HE WAS BORN LIKE THAT AND HE WILL DIE LIKE THAT HINDI NA SIYA MAG BABAGO.

  12. D ba pwedeng FOREVER na lang sya mawala at wag nang bumalik pa..Kahit saang estasyon mo itapon yang hambog na yan ay laging may dalang problema. Mas maganda siguro kung sa channel 199 sya ilipat, I’m sure wala syang kaproblema problema. Ikaw ang magpakalalake! D ka nga nagtatagal sa mga asawa at girlfriends mo dahil siguro d rin nila matake ang pag-uugali mong bulok! Ikaw pa ang nagbabanta na kesyo kapag d ka susuportahan ng mga ng sponsor sa iyo yung mga taong nagmamahal sa iyo kuno ay d tatangkilikin ang kanilang mga products. Magising ka! Sa tingin mo ba natinag ang mga malalaking kumpanya sa sinabi mo like Jollibee, Uniliver, and Proctol and Gamble? Sa totoo lang mas kailangan mo sila. Subok ng mga yan maski d pa sila mag commercial tatangkilikin pa rin yan ng mga tao dahil mga sikat na tlga mga products nila. Eh kaw sa tingin mo ba maaalala ka pa ng mga tao kung hindi ka na lalabas forever? Mag-isip isip ka hindi lahat ng oras mayaman at nasa taas ka.

  13. @Jose De Leon, Actually mga bayarang writers ang mga ito kaya kapag nakaka received na sila ng sobre na galing sa isang artista or manager maganda ang isusulat nila kahit buong bayan galit na subject nilang artista. lol

  14. lolit pls lang lumipat kana rin sa tv5 at isama mo lahat ng alaga mo dun….pati si anabelle rama…magsama kayo ng mga peste sa shobiz…ikaw, anabelle, cristy, willy, jojo gabinete, carasco, djmo, jobert, ogie diaz, lahat ng walang magawa kundi manira….

Leave a Reply

Your email address will not be published.