Willie, willing bayaran ang P486-M damages na hinihingi ng Dos?!

BLIND ITEM ni Chokoleit sa Twitter: Sino raw ang komedyana na nu’ng mag-audition para sa isang role ay tinanggihan, dahil ang rason ng audition master, “Babae po ang kailangan, hindi po bakla.”
Sino ang komedyanang ito?
Clue?

Napapanood siya sa Pilipinas Win Na Win at bonggang-bongga ang role niya sa “I Do.”  Sana, mahulaan n’yo na ‘yan, kundi, makakarinig kayo sa amin ng, “Pokey mo!”

KUNG ANG ANIM na araw na sinyut nina Robin Padilla at Toni Gonzaga na worth P9 million ay itinuring nang “tapon,”  iba naman sa kaso ng pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez sa Viva Films.

Sampung araw na lang pala ito at tapos na tapos na, pero heto’t magpapakasal na sina Regine at Ogie at itong si Aga ay kasalukuyang ginagawa ang movie with Angel Locsin.

Kaya mukhang aabutin nang siyam-siyam ang pelikulang ito ng Viva, dahil kani-kaniyang busy-bisihan ang nagaganap.

Baka binata’t dalaga na ang kambal nina Aga at Charlene Gonzales at may anak na sina Regine at Ogie Alcasid, hindi pa rin nakukumpleto ang filming ng kanilang tambalan.

Juice ko, magkano na rin ang “natutulog” na “puhunan” ng produ, ‘no?

Teka, kung hindi si Aga at hindi rin si Regine, sino’ng may kasalanan?

“MAMA, PANOORIN MO ang finished product ng Petrang Kabayo, ilang milyong piso ang ginastos ng Viva Films para sa special effects at ‘yung nagsasa-katawang-kabayo si Vice Ganda!”

‘Yan ang super manghang kuwento ng line producer na si Tita Hermie Go na parang isinisisi pa sa amin kumbakit gumastos nang milyun-milyon ang Viva sa special effects sa Hong Kong.

Kaya si Vice naman ay super-promote ng Petrang Kabayo. Mabuti na lang at hindi sa Sta. Ana Race Track gaganapin ang premiere night sa 10-10-10, kundi sa Cinema 10 ng Megamall lang.

Pero ang ambience ng premiere night, abangan ninyo at mangangamoy karerahan.

MAY NAGSABI SA amin, abangan at panoorin daw namin ang bagong show ni Willie Revillame sa Channel 5, dahil ilang milyon na agad ang ipamimigay, dahil ‘yun daw ang utos ni MVP tulad ng pamimigay nang bonggang-bonggang premyo sa PO5 na may kotse pa!

Gano’n?

Aba’y kaabang-abang nga.

But for all we know, kahit ang ABS-CBN ay gumagawa na rin ng bonggang-bonggang gimik para tapatan ang bagong show ni Willie.

At true ba ‘to na willing si Willie na bayaran na lang ang P486 million na damages na hinihingi ng ABS-CBN?
Talaga lang, ha?

Abangan natin ang mga latest update sa senaryong ito.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

52 thoughts on “Willie, willing bayaran ang P486-M damages na hinihingi ng Dos?!

  1. Willie is a bankable product! His strong marketing pull/influence to all classes is stellar. He is sought after by the majority of manufacturers and advertisers & this is apparently true. e.g. Just look at this thread, show is not yet launch & had already succeeded with its goal. I am not a fan of any philippine shows nor movies but I am entertained by Willie. I may be one, but I believe there are many of us; who are silent but knows what they want.

  2. hndi dpat inaaksaya ang oras sa pnonood sa isang taong kgaya ni willie na bastos, hambog at power hungry at mpang-exploit sa mga mhihirap…good luck sa tv5…sana wag cla mgsisi sa huli.

  3. I doubt na sisikat uli si Willie gaya ng dati sa mga nasa abroad kahit noong nasa wowowee pa sya di na nga napuno yong mga huling concert niya dito sa US. Oo meron pang nakakamiss sa kanya pero di na gaya ng dati.

  4. Hoy, huwang mo nnag buhayin isyong yan, alam na ng lahat anak ng Japanese sa labas si Willie. di ba hiwalay nga parents niya, marami ding asawa father niya. Nasa profile ng mukha at katawan naman. Sekretong bulgar to ‘day.

  5. i dont think na malakas na ang ch 5,kc pag nanood ka wala talagang commercial load,sa totoo lang sa ngayon LUGI ANG CH 5,TANGGALIN NYO JAN C SHREK FERMIN CGURADONG ME PAPASOK NA MGA ADVERTISMENT JAN,CGURO MGA 2YRS PA YAN MAKAKABAWI.YUN NAMAN KE WILLIE TINGNAN NA LANG NATIN KC SYEMPRE D NAMAN HAHAYAAN NG CH2 AT CH 7 NA WALA CLANG IPANTATAPAT JAN.

  6. Bakit si Willie mukhang hapon? Anak kasi siya sa labas ng Japanese, kaya siya naglayas ng bahay ng malaman niya katotohanan. Kaya pala siya sakang. No you know.

  7. may hidden agenda si MVP kaya nya kinuha si willie. tatakbong presidente yang si MVP at gagamitin din niya si wille tulad ni villar. ngayon pa lang, mag-isip-isip na ang mga botante. siguradong lalong magpapayaman si mvp at gagamitin ang posisyon sakaling manalo. kaso ayaw ng mga tao ang hambog na tulad ni willie kaya nakakatiyak akong matatalo rin yang si MVP sakaling tumakbo bilang presidente.

    • Sa tingin ko kaya natalo si villar dahil sa kanya, kung tutuusin may laban si villar kundi niya kinuha si willie para mangampanya para sa kanya.

      • Totoo, i think that was the biggest mistake Villar did na kinuha si Willie na endorser nya, ang mga tao ngayon matatalino na kasi masyadong mahirap kasi. Pera lang naman sa Wowowee ang kailangan ng marami galing kay Willie.

    • Thank you yenyx, i google searched it and found it, yes you can watch a lot of programs from this website if you missed watching your favorite program during that time, you can go to this website and watch it. Nice!!!!

  8. KAWAWA NAMAN TV5, MARAMING TOP A ARTISTA MAG AAALSA BALUTAN DAHIL SA PAGDATING NI YABANG WILLIE. ..TSK TSK TSK. SINO BANG ADVISER NI MR. PANGILINAN AT MUKHANG SASABLAY?

  9. HUWAG NINYO KALILIMUTAN ANIBERSAYO NG ONDOY AT ISANG TAON NA SI RICHARD GUTIEREZ NAG JET SKI PERO IMBES NA ILIGTAS ANG MGA BATA SA BUBONG ISA LANG INILIGTAS NIYA YUNG LEADING LADY NIYA.SIGURO KAHIT SI WILLIE HINDI MASISIKMURA ANG GANITONG DI MAKATAONG UGALI

  10. tama lang na dun na lang sa TV5 si willie nakakasuka ang pagmumukha nyan sa tv. tuwing babanggitin ang pangalan nyan libo-libo naman ang magpo-protesta para mapaalis siya.

    join na siya sa club nila cristy fermin, dj mo, dolly ann at ruffa at annabel rama parehong mga LOSER. magsama -sama sila dun na mga talunan.

  11. 4 Billion ang magiging Sahod ni willie sa 3 taon or 70 million xa a month.. Win or lose pa man ang mga projects nya sa TV5 babayaran sa kahit ano manyari.. kung tutuusin kaya ni willie bayaran ang almost half billion na yan within seconds kaso hinde papayag si willie. Ang ABS mismo ang nag breach ng contract hinde si willie.
    kaya ang dapat sana ginawa ng ABias-CBN si jubert socaldito ang pinalit sa wowowe hahahahahaha siya pinili nya so sya ang ipalit.. ang loser ang ABS padin.. hinde si willie dahil sure si willie na may 4 billion na kikitain ang ABS walang kikitain na kay willie.. huling halakhak kay willie pa din.. LOSERS

    • All in all willie is the loser, he lost in his lowly self….. He can have all the money in pinas but dude he’s nothing buti pa ang basura narerecycle….

    • Well kahit anong yaman ni willie boy playboy, etc etc etc, isa lang ang sinisugurado ng mga against willie – hindi nya madadala ang gabundok nyang pera pag nasa hukay na sya, so what’s the big deal of having billions??? or maybe willie will bring his billions to hell, where he really belong.

      • it’s Willie’s pride and connections with these rich businessman that he thinks nasandalan nya kaya sya ganoon and he thinks he is above everyone else and he thinks he is God kaya hambog sya and has a lot of excessive self confidence because of these factors.

      • He is power hungry just like all these businessmen he is associated with, iyon lang! Very clear naman! He loves compliments and people telling him napakagaling ni Willie, iyan ang mga taong low ang self esteem inside and suffering inside kung baga, kaya he is very hungry for people’s praises and acceptance kaya his personality ganyan kasi hungry siya ng compliments cause it is about power tripping.

    • What kind of charisma??? being rude??? being disrespectful??? or being boastful??? maybe all of the above!
      or shall we say – Willie the greatest pretender!!!

      • yong charisma nya is being good para magpatawa and bragging about giving out big prizes kasi hindi naman sa kanya galing ang mga pera na ipinamigay nya, galing sa mga sponsors and poor people love him for these prizes not because they love him for himself but for the money he gives out kasi marami talagang mahirap sa pinas and si willie lang yata ang namigay ng pera kong utotohin sya ng mga audience kong sabihin na guapo sya, namimigay kaagad sya ng pera and people like that and Willie knows most people don’t really mean it when they say he is handsome, Willie just ride along with the crowd for fun and for ratings. It is evident. If i can see that, everybody can.

    • DETRACTORS BA KAMO? EH SIYA NAMAN ANG SUMISIRA SA SARILI NIYA EH… ANG MGA ENGOT NGA NAMAN, NABUBULAG PAG PERA NA ANG PINAG-UUSAPAN. GISING!!!!

      • Sabi nga, maraming mahirap sa pinas, they need money the easy way kasi during Gloria’s administration, naging mahirap talaga ang pinas, tingnan mo si Pnoy ang nagsumikap ngayon para maiahon ulit ang pinas, i’ll tell you it will take Pnoy a lot of money, a lot of support, a lot of hard work to bring pinas back to even a better if not a good economy. Anybody who takes over after Gloria Arroyo will have a hard time, again, a very hard time pulling the Philippines up.

      • Maraming nabubulag ng pera sa pinas kasi nga maraming pulubi and they want money the easy way, iyon lang ang habol ng mga pilipino kay willie ang mga ipinamigay na malaking premyo. I’m sure a lot of people will throw up even the mention of his name. Kong wala si Willie ipinamigay na pera, I’m sure hindi siya sumikat ngayon, even Willie commented one time in Wowowee (this was when he was interviewd after the stampede sa Ultra theater ba yon), he was tactless to say, hindi naman ako ang pinunta nila ang mga premyo lang naman ang habol nila sa show ko.

  12. sana mapanood s abroad ang show n willie, nakaka inis kc panoorin ang win n win, sayang bayad s tfc, maski tv patrol minsan kakainis manood kc parang one sided lang. go go go go willie. wait namin ang tv5 s abroad.

  13. before the fiasco happened , si Willie talaga ang poster boy ng TFC , kahit 1 mil a day ang talent fee ni Willie, sulit na sulit,over 2 million ang subscriber ng TFC .. Sana , this will happen naman sa TV5, Willie has a lot of followers globally.

    • yes i agree, maski si Willie may bad reputation na sa ibang tao, he will be able to stand up again because he has the backing and super support of MVP and marami din siyang followers na talagang mga mahirap sa pinas.

      • Kaso mo, mga ateng at kuyang at ading (younger sis and brods), WALANG TV 5 sa malalayong probinsya. Maski sa amin sa banda namin sa Nueva Ecija, di nakukuha ng signal ang TV 5. Sa cable siguro. Pero di naman lahat may cable.
        So ABS CBN 2 at GMA 7 lang talaga ang mga tao, lalo sa malalayong lugar sa Pilipinas.

      • Anabilbil, i am not a fan of any actors in the philippines, pero Willie really has a good charisma sa mga masa. Ngayon lang iyon na wala pang signal ang TV5 sa malalayong mga probinsya, it will take time, tingnan nyo soon, magagawan din yon ng solusyon ni Manny Pangalinan kasi he is a driven businessman, gagawan niya ng signal iyon sa buong pilipinas at buong mundo kagaya ng ginawa ng ABS-CBn at GMA at magagawan niya yon without a problem kasi Manny Pangilinan is super rich, kay niyang gawin yon, it takes time, if he can afford to pay willie 4 billion in 3 years, kaya rin niya maayos ang problema na yon kasi if he paid willie that much , he is not dumb enough not to realize that if he went national and global, he will triple his 4 billion if he fixes this problems, he is an intelligent businessman kaya nga mayaman kasi mautak.

      • kht walang cgnal ang TV5 sa probinsya–balewala kay MVP yan, kc ang tlagang LABANAN, ay sa MEGA MANILA LANG!! tingnan nyo ang GMA–MEGA MANILA ang unang pinuntirya, kaya tingnan nyo ang laki ng asenso nito, kumpara sa ABS-CBN, na kesyo No.1 daw Nationwide pero lumobo ang utang sa 10BILLION na hirap na hirap bayaran!! susme–tuturuan nyo pa ba c MVP eh sya lang naman ang tao behind the success ng PLDT at SMART–na ang net income eh umaabot ng 40BILLION a year!! kaya nga sisiw lang sa kanya ang 4BILLION na TF ni Willie!! kaya ang totoong talunan dito ay ang ABS-CBN!! maliban pa sa mas bumababa nang viewership ng ABS-CBN, both locally at internationally..

      • yan ang plano ni MVP to be the top network in the Philippines that’s why he is aggressive to pirate artists from the 2 other network para madali macompetensiya sa 2 network. That’s the reason why he is paying the pirated artists double compensation. Tingnan nyo ngayon, he is moving forward fast and even if ang importante lang ang Mega Manila, he will do in his power to include everything including malalayong probinsiya and even the overseas to get TV5 a signal to totally be the #1 Network in the Philippines. This is just the beginning, he will continue to sink the other 2 stations. MVP, Villar and Willie are all power hungry. They would do everything in their power to be #1. Did you remember when willie was still hosting wowowee, everytime his ratings went up, he would rub it on and kept talking about it again and again and again, but watch the Eat Bulaga, ang mga hosts Tito vic and joey, they don’t act like that, they are humble and they just do their job and you can tell that they really just want to have fun in their show, pero tingnan mo si Willie, he is very uptight sa kanyang show, even a small mistake from his staff, he blew up his temper and even scolded his staff in front of live tv, tama ba iyon? narinig na nyo ba sa Eat Bulaga na nambastos ang mga hosts sa kanilang staff? If ever siguro na nagkamali ang staff nila, they just tease the staff in a funny way, hindi kagaya ni Willie na he insults them. Kaya Kudos to Lara Quigaman for one of the girls who stood up for herself and hindi nagpadala sa mga flirting ni Willie, kaya nga na fire si Lara sa Wowowee kasi nagdala ng boyfriend sa trip ng wowowee even when the boyfriend hindi nakasagabal sa trabaho ni lara, because willie got mad na hindi siya pinansin ni Lara and it was an insult to willie. Kaya congratulations Lara, good job well done.

    • Are you sure of that??? well I don’t think so…lots of OFW whether they are in america or middle east hates willie so are you blind??? well better still wake up!

  14. sana global na rin ang TV5, I watch it more than GMA via on line.. I am looking forward to watching Willie’s new show!!

  15. OFcourse MANNY PANGILINAN is so much willing to bail him (Willie) out with the half a billion pesos charges. In less than a year, mababawi naman nya yon. Si Willie Revillame yan, kahit papano may following na rin sya, at ang dami rin people abroad who support him.

    Yun nga lang, walang TFC ang TV5.

  16. Kahit anong gawin ng both sides sa kaso nila basta bumalik lang si willie masaya na kami. we really miss him. sana matuloy na ang project niya kahit saang tv station okay lang.

  17. Tanong mo ogie sino may kasalanan bakit hindi matapos tapos movie ni aga at regine??

    YUN DIRECTOR — SI JOYCE BERNAL — kasi laging lasing. hahahahahaha.

      • Wag na tayong magsayang ng oras panoorin ang isang taong walang respeto, mayabang at walang utang na loob. Nagiging totoo lang daw sya kaya ganon sya magsalita. I think iba ang pagiging totoo sa pagiging bastos at barumbado. Wag ka na magpaawa epek na kesyo nagkasakit ka na nung nasa Wowowee ka pa. Enjoy na enjoy ka nga at nakinabang ka din naman dati sa kakatanggap ng mga shirts at chocolates na bigay sayo ng mga taong “nagpakahirap” magtrabaho abroad. Bakit kaya ang channel 5, mahilig mamulot ng mga itinapon na ng ibang estasyon like Cristy “manlalait” Fermin. D naman kawalan ng 2 na nawala siya and eto nanaman nandto nanaman ang isa pang “garbage”. Haaaay! gud luck nalang sa estasyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.