Willie Revillame wants cars given to expelled dancers back?!

NABABAHALA NGAYON ANG mga natsuging dancers ng Wil Time, Big Time ni Willie Revillame. Tinanggal ang mga ito sa kawalan ng disiplina sa trabaho.

Ayon sa balita, binabawi na raw ng TV host ang mga sasakyan. Binigay ba ito sa kanila o pinahiram lang? Sa dinami-dami ng mga dancers, siyam na lang ang natira sa show. Pa-saway, feeling sikat naman kasi ang karamihan sa mga dancers ni Willie. Nag-desisyon tuloy ang TV host-producer na bigyang-aral ang mga ito dahil sa kawalan ng respeto sa trabaho.

Sagana naman sa pangaral ni Willie ang kanyang mga dancers, pero parang umabuso yata dahil sa sobrang kabaitan ng controversial TV host. Kahit araw-araw silang pinangangaralan, parang wala lang sa mga ito. Hindi siniseryoso o ipinapasok sa utak nila ang sinasabi ni Willie. Palaging late kung dumating sa rehearsals, pati sa closing ng show, nawawala ang mga dancers. May kanya-kanya silang anik-anik na pinagkakaabalahan. Wala bang focus sa trabaho, makapag-show lang at gawin ang ipinagagawa sa kanila.

Tuloy, nagdesisyon si Willie na tanggalin ang mga pasaway na dancers para maging leksiyon ito sa kanila. Wala na silang show so, dapat lamang isoli na nila ang kotse na kaya ibinigay sa kanila para hindi sila ma-late sa trabaho. Hanggang ngayon deadma lang ang mga natsuging dancers, kahit isa sa kanila wala pa ring nagsosoli ng kotse. Umaasa pa rin siguro sila na magbago ang isip ni Willie at pabalikin uli sila sa show.

 

NAKALULUNGKOT, HINDI NAGING successful ang concert ni Pops Fernandez entitled “Pops in Fashion” sa Resorts World Casino, Newport City last Wednesday. Maraming bakanteng upuan, hindi napuno ng fashion icon ang theater venue kung saan siya nag-show, ayon sa aming source na nag-watch ng concert. Nawala na yata ang kinang sa mga fans ng tinaguriang Concert Queen.

Tatlong batikang fashion designers ang gumawa ng outfit ni Pops sa nasabing big event na sina Maxi Cinco, Francis Libiran at Cary Santiago (3 collections per designer). Maganda raw ang opening number ni Pops, medley songs, “All That Jazz” with the Hotlegs as her back-up dancers. Alluring ang dance costume ng singer-actress by Maxi Cinco with matching hat, fishnet na ala-Cynthia Sol while performing on stage. Nagmumura ang giant pictures (5 close-up photos) ni Pops sa LED video wall na naka-emote on stage.

Pinaka-bonggacious raw ang collection ni Cary na suot ni Pops sa last part of the show. See-true na parang aninag ang sexy figure ng singer. Marami ang nakapansin na parang wala raw suot na panty ang ex-wife ni Martin Nievera. Nasabi tuloy ni Pops, “Nasa-shock nga ang Mommy ko sa mga outfit na isinusuot ko. Hahaha!

After the sing and dance number ni Pops, ipapakilala niya ang kanyang special guest performer na si Erik Santos. Imbes na si Erik ang banggitin niyang performer, si Eric Quizon ang nasabi niya. Wala yata sa sarili ang singer-actress nang gabing ‘yun. Hindi kaya apektado si Pops dahil hindi naging blockbuster ang kanyang concert tulad ng mga past shows niya sa Araneta Coliseum? Sa sobrang hiya sa binata, niyakap niya ito at pinabalik ang singer sa backstage, nag-take 2 uli for the intro ang Concert Queen.

Kumanta si Erik ng “Sway” ni Michael Buble, “The Way You Look Tonight” at duet medley nila ni Pops na “Habang May Buhay”. After that number, nag-medley songs na ito ng mga sikat na awitin nina Gloria Estefan, Lady Gaga at Madonna.

Ang nakapagtataka  pa raw, walang celebrity friends ni Pops ang nanood ng show. Pati nga raw ang mga anak nila ni Martin Nievera ay wala rin du’n. Bakit nga kaya?

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

29 thoughts on “Willie Revillame wants cars given to expelled dancers back?!

  1. Maski ano ang sabihin ng mga crab mentality people, kay Willie pa rin ako. Sino sa atin ang tulong ng tulong na hindi politician. Araw araw bigay na ng bigay na personal na pera niya.yoong games galing sa commercial.
    Eh si Manny Pacquiao kaya nagbibigay ng pera sa crowd ngayon eh tatakbong Presidente ng Pilipinas,

  2. lawakan niyo ang isip nyo pagbigay di binabawi.pagbinawi ibig sabihin they are free to use car habang nasa show cla pagwala na di  ibalik mo.wala nmng pinagkaiba yan sa campany car .ang kaso ang taong laging mali ang nakikita kahit anong paliwanag at gawing mabuti mali pa rin para sa kanya.

  3. ang puro pag hitik sa bunga ang daming  bumabato .kung ako sa inyo gumawa na rin kau ng tulong o mabuti sa kapwa niyo kaysa kung anu-ano pa ang sinasabi nyo,nagkakasala pa kau.d ako tagahanga ni willie pero habang nanonood ako ng show nya nakikita ko ang kabutihan ng loob nya. wag na tayong CRAB MENTALITY. alisin na nating ang pagiging mainggitin sa kapwa.buti nga siya may nagagawa e kau? puro pintas ? sino ang mas pagpapalain sa inyo si Willie o Kayo ?

  4.  tama lang ang ginawa ni willie keep it up! kc ang pilipino abusado.ung mga nanghuhuga kay willie un ang mga taong ganun din ang gawain  pareho ng balahibo ika nga.wala na kaung ginawang tama puro mali ang nakikita nyo.nawa’y wag dumating ang araw na bumalik sa inyo ang ginagawa mo sa kapwa.

  5. as 4 me, i admire willie revillame as a tv host, and a singer. i really enjoyed watching his tv program, i dont care with the negative points blown to him. since he has a good hearth that is why he is more blessed financially by our God,,,,,

  6. Hahaha! nkakatawa talaga c revillame. magbibigay tapos babawiin…….Yan ang cnasabi ko n kaplastikan ng taong yan. PLASTIKMAN!!!!!!!!!

  7. ay binabawi! parang bata, di ba’t pag sinabing bigay, eh bigay na….walang bawian? hmp! we all don’t know what’s behind it. don’t be afraid girls to give your side, besides. always there’s to sides of story….ewan ko ba ang daming uto-uto sa mga sinasabi ni willing hambog!!!!!!

  8. marami talagang magkokomento ng nega,pero karapatan ni wil iyon dahil siya ang boss kung matigas ang ulo ndi sumusunod sa mga patakaran talagang dapat bawiin gaya ng laging late laging tumatawag dahil may sakit dapat lang maski naman sino ganon ang gagawin mga echoserang palaka gus2 lang ninyong may masabing masama para mainis kay wil iyong ibang tao pero marunong ang mga tao kung ano ang tama or mali dapat mahalin ang work mahirap humanap ng ibang trabaho

  9. Dpat LNG na bawiin Nya dhil mlinaw nman na phiram LNG ni willie sa knla para d cla malate sa work nla at mrami png nanga2ilangan db?..at dpat LNG din na tanglingalin na cla dhil my mga sungay na cla kala nla Kung cnung skat na….at mmlki na ang ulo dmi pa nmang mhhusay at mggaling pa jn mg pa audition sya ulit…yn ha sa mga mttira png dancer jn wg Msyadong mlki ang ulo pg buti in nio ang wrk nio mhrap ang buhay ngayon.

  10. punyetang willie. bastos kah! ang galing mo sa pagpapaikot ang pang panloloko mo sa mga audiences mo. bigyan mo lang kasi ng pera. ok na sila. ulol!

  11. Pag ibinigay mna,dapat walang halong kundisyones yun. ngayon nyo isipin bakit di sumama sa kanya sila randy at john,masyado kasi bossy at mayabang yang si willie boy mababaon lang sa utang na loob sila randy. bakit ang eat bulaga di nagkakaproblema ng ganyan? iba sila bossing eh,minamahal ng staff,hindi minumura ng talikuran…

  12. baliw talaga yan si willie walang kuwenta baliw!!!!maniac!!sara mo na ang show mo kasi wala na yan patutunguhan!!!sinusunog ka na sa impyerno!!

  13. AYAN! MGA PASAWAY TALAGA YANG MGA DANCERS NA YAN EH! HINDI PINAHALAGAHAN ANG BIYAYANG NATATANGGAP NILA! TAMA LANG NA BIGYAN SILA NG LEKSIYON!

  14. si Kuya Wil mabait na tao pero marami na-iinggit kaya ingatz lang…di ko kilala si Wil para husgahan ko…Kuya Wil wag mo nang bawiin parang tulong mo na din sa mga dancers..suggestion lang bilang isang fans. :)

  15. sa mga dancers na pasaway daw – kita nyo, pa star kasi kayo. kay willie boy tama yan bawiin, pero sana sinabi mo pahiram lang yan kung di kayo maayos – bawian tayo. sa mga mga nag comment na una – magagagaling kayo, magagaling pa kayo sa dancer at kay willie, nyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

  16. Sagana sa pangaral ni Willie?
    eh paano sya susundin ng mga dancers nya kung sya mismo walang tino? exercise what you preached kasi.

  17. Nakalungkot naman ang nangyari, minsan lang dumating ang opportunity sa tao napabayaan pa. Hirap ng buhay tapos masyadong nagpabaya sa trabaho. May ilan ding masyadong madumi ang mga isip at mapaghusga para baga silang Diyos na alam ang nasa puso at isip ng tao. Hay! nakakaloka naman may mga isip palaka ang ilan. Parang pinapakain nila si willie kung husgahan nila. Tradition na yata ng mga Pilipino ang makialam sa buhay ng may buhay. Sana makita din nila ang sarili nila kung sila’y perfect at matalino sa kabutihan at di sa kasamaan. Why just mind your own business kaya di umuunlad ang Pinas, Sorry I’m just annoyed by bad comments to willie. Remember no one not even one is prefect. K!

  18. hahaahha hanggang ngayon puro nega ang sinasabi ninyo kay wil ano ba iyan,bakit naman gagawin ni wil iyon iyong pangit na mahirap nakakakuha ng maganda si wil pa kyo ano ba iyan ecep ecep naman kyo maninira lang kyo ndi pa kapanipaniwla ndi naman ako solid kay wil pero iyon ang katotohanan,mura na ang babae ngayon alam ninyo iyan mga gunggong!!!magtrabaho na lang kyo ndi iyong lagi kyong naninira..

  19. baka ayaw ng mga dancer kung ano ipinagawa kay willie……alam naman natin kapag d ka pumayag tanggal sa trabaho…..ngayun gumawa naman ng storya para pag usapan ang show ni willieboy panis nayan pakulo mo willieboy laos kana…kuha mo

  20. kaya walang nagtatagal na dancers sa show ni willie dahil minamanyak niya, naka pending pa yung kaso niya sa dating nauna niyang mga dancers na hinihipuan niya sa dressing room at kino-corner niya saka nya pinipilit na halikan kaya yan nakasuhan ng sexual harassment. pag hindi pumapayag yung dancer na pahalik tinatanggal niya sa show niya, mayabang yan eh kasi kaya niyang magpaalis ng sino man na magpapa init ng ulo niya. yung mga dancer niya ngayon sigurado na hinihipuan ni willie.

  21. hahahaha bibabawi. BAWI KING! kasi ayaw makipag sex sa kanya. may mga delikadesa kasi sila mga girls. ayaw sa matandang malebug! ahahahahahaha!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.