Willie Revillame, walang bagong ipinakita sa limang oras na show

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka ng inyong Tita Swarding.

Ipagpatawad po n’yo ako sa mga tagatangkilik ng show ni Willie Revillame. Kasi naloka ako, nag-trending talaga sa FB ko ang mga negative feedback. Kasi sobra raw ang kayabangan na maraming pagbabago. Tama, marami nga, dumami ang dancers na walang kakuwenta-kuwenta ang kanilang opening number na umabot nang more than 20 minutes at may pasara-sara pa sila ng ilaw.

Sabi nga nila, sana hindi na nagbukas ulit ang ilaw, kasi nasa ibang channel na sila nanonood. Lalo na’t pagbukas daw ay parang unanong Elvis Presley na sunog ang nakita na napaligiran ng da who. Si trying hard Ethel Booba raw ang nakita nila.

Para sa kaalaman n’yo, ‘eto ang mga nilalaman ng comments nila. Please wala akong kinalaman dito ha!

According to Ely de Castro, “Opening pa lang ng bagong time slot at format ‘KUNO’ ng show ni Willie Revillame, hindi na ako nasiyahan. What for kung made-daily pa siya? Kung sa bagay, kahit nu’ng nasa Dos pa siya at nalipat sa TV 5, never akong nanonood ng show niya, cheap kasi. Halos gabi-gabi kinakanta niya ang ‘ewan’ niyang album. Kaya wish ko lang na maganda kung abutin ito ng 5 years para at least, hindi naman kahiya-hiya sa isang institution na kanyang binangga, ang Eat Bulaga na kahit sa Showtime ay napakalayong ihambing.

“Kaya lang pinagtitiyagaan ang show niya, dahil nagmumudmud siya ng pera sa mga taong nagbabaka-sakali at lalo silang nagiging tamad, walang ginawa kung hindi pumila sa show niya. Isa pa, medyo bawasan ang dance number kasi nagmumukhang dance show na sila, at kailangan bang puro babae ang co-host niya na feeling ko, kulang pa para makiliti nila ang masa sa presence ni chaka Ethel Booba. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi magtatagal ang show.”

At ayon naman sa isang kasamahan ko rito sa Pinoy Parazzi na ayaw magpabanggit ng name niya, “Wowowillie sa noontime, almost 30 minutes delayed ang premiere telecast ng Wowowillie on TV5. For the past 20 minutes, ang haba ng opening ng production number na halos starlets ang bumandera (da who), ang baklang Ate Gay lang na impersonator ni Nora Aunor na kamukha ni Vic Sotto ang medyo kilala. Is this the show na sabi ni Willie yabang na super na pinaghandaan? The opening dance ay napaka-ordinary, boaring, nothing spectacular, change channel na lang ako at hindi na ako bumalik baka ma-stress pa ako. Naging para kasing show ng mga baguhan. Nawalan na ng oras sa mga dating co-host na akala ko may surprise number din sila.”

Anyway, ‘yan lang ang mga ilang negative feedback ng show ni Willie. Kung ako ang inyong tatanungin, sorry po, hindi ko napanood kasi kailan man, hindi ko pinag-aksayahan ang show na ito. Kasi para sa akin, tinuturuan nilang maging tamad ang mga tao na nagbabaka-sakali na magkapera at pumila araw-araw sa studio, at marami namang nagpapauto. ‘Yun lang.

Isang Romy Reyes naman ang nag-pm sa akin. Sabi niya, “Napanood ko ang opening ng Wowowillie, hindi siya gano’n ka-impressive, walang dramatic entrance na inaasahan ko. Ang pangit ng batuhan ng joke nina Ethel Booba at Willie, hindi nakakatawa silang dalawa… magastos lang siguro kasi ang daming mga dancer na paraang dance showdown. Masamang senyales yata ang pagkawala ng ilaw, parang bituin na wala nang kinang, at nag-akmang showlitics na ang show, kasi may mga pulitikong kumakandidato ngayong 2013. Ang tanong, ano ang ginagawa nila sa show ni Willie? Suporta saan? O baka sila ang nagpapasuporta kay Willie? Hindi pa nagtanda na lahat ng sinuportahan ni Willie lost in emotion, as in talo. ‘Eto pa ang nakakaloka, p’wede nang ilagay sa Guiness Book, 11:30am to 4:30pm, kabaliwan na ‘yan! Wala namang kakuwenta-kuwenta ang show, puro ewan. Pati ba naman ang pagtatambol ng anak niya, pinangalandakan na halos kumain ng 15 minutes. Ano ba ‘yan? Akala ko ba, pinaghandaan, pinag-isipan. Saan?

‘Yan po ang iba’t ibang reaction sa show na Wowowillie sa kanyang premiere sa TV5 sa noontime. Kayo ang maghusga, tatagal ba ito?

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

18 thoughts on “Willie Revillame, walang bagong ipinakita sa limang oras na show

  1. alam nyu po pinaghihirapan din nila ung show at ginagastosan,sa palagay ko maswerte yung mga tao manonood kc marami silang mapagpipilian at mapapanood.kaya bigyan din natin ng halaga ung ginagawa nila,siguro sa kagustuhan talaga na mapaganda at magustuhan ng manonood ehh lalo lang siguro hindi pumasa sa panlasa ng iba,,,kaya hindi din natin sila masisisi,ang mahalaga alam natin ung gusto ng bawat isa at dapat un pahalagahan,,,,basta ako sa eatbulaga ko nakita ung tunay na show magtatagal,at hindi puro show lang…..un lang po

  2. hindi ko napanood yung show ni willie though naririnig ko na malaki daw ang pagbabago, mas feel ko ang showtime masaya kasi. No need to bash other show just watch want makes you happy.

  3. NAKOH. TIGILAN NA ANG PAGBA BASH KAY WILLIE. KAHIT ANONG GAWIN NYO, MARAMI TLG ANG FOLLOWERS NG SHOW NYA. DI NYO BA NABASA ANG MGA ARTICLES TUNGKOL DOON SA SOBRANG GRABE NG TRAFFIC JAN SA MAY DELTA DAHIL SA INITIAL TELECAST NG SHOW NYA? 

    WELL, PARA RIN YANG MGA PINOY NA PANAY ANG OKRAY KAY VICE KABAYOTIC GANDA PERO HUWAG KA, SILA RIN NAMAN ANG PUMIPILA SA MGA PELIKULA NYA. SO TIGILAN NA ANG KATANGAHAN NG MGA PINOY

  4. Nabasa ko dun the nag comment sa pep.ph na parang unggoy daw tingnan yong anak ni Willie.  Totoo ba?  Hindi ko nakita pero sana hindi maging katulad ni Willie pag lumaki na hambog at bastos.  Yung iban naman nagsabi na cute daw at english speaking daw hehehehehe……..

    • Uy hindi nmn mukhang unggoy yung bata, sobra nmn. Im not a fan of Willie, as a matter of fact, ayaw ko sa mayabang na yan. But i saw that portion wherein his son gave his part as a gift for his dad.  I should say cutie nmn yung boy, inglisero and looks smart although mahiyain dahil siguro nsa tv cya and being watch sa tv. The father and son looks good on tv. But sad to say, its still EB prevailed in the rating game. 

  5. hayaan niyo na si tatang willie, hindi naman para sa inyo yung show kundi doon sa mga napamu-mudmuran niya lang ng datung..reklamo pa kayo eh eat bulaga naman talaga  ang mga pinapanood niyo

  6. WAWAWILLIE is a T-R-A-S-H!  Kaya ok lang kay Joey D itapat sa eat bulaga, alam nya kasi nganga parin si willie. :-))

  7. wala nman problma kong walang bago o pangit ang palabas ngayon n willie, ano b pinoproblma ng baklang writer n ito o don s ibang nagcomment, KONG PANGIT SHOW N WILLIE MADALI LANG SOLUSTION NYAN WAG KAYONG MANOOD TAPOS ANG PRBLMA NYO, kong ok cnyo ang showtime di don kayo manood wala nman pumipilit cnyo. halatang may show kayong kinakampihan lalo n itong c kabayan bakla nakakatakot ang pagmumukha.

    • ulol angel 29 kung sayo man lang hindi ko pagpapalit ang mukha ni tita swarding kahit kay willie yabang, sino ka para husgahan mo siya mas pangit ka gaga.

  8. KAHIT NA QUEBER AKO JAN KAY WILLIE, ANO NAMAN ANG PINAGSISINTIR NITONG BAKLANG SWARDING? PALIBHASA, PALAGI KANG WALA SA BUDGET NI WILLIE. DI BA CRISTY F?

Leave a Reply

Your email address will not be published.