Willie Revillame, wala nang magagawa sa mga tinutulungan na, nagiging suwail pa!

BILANG KOMEDYANTE na sinuwerte ang career, si Willie Revillame talaga ay nagbabalik ngayon ng kanyang pagtulong sa mga kasamahan sa showbiz na alam niyang kailangan din niyang tulungan. Kahit maraming kakontra sa showbiz ang host ng Wowowillie ng TV5, hindi na lang niya pinapansin. Pero kahit kinukuwestiyon ang madalas niyang pagtulong, bukal na talaga iyon sa kanyang loob, dahil alam niya sa kanyang sarili at ipinagpapasalamat niya sa Diyos, na dumating ang magandang kapalaran sa kanya.

May angas lang ang hitsura at istilo ng pagdadala ng personalidad ni Willie. pero ‘yung sobrang kababaan ng kanyang pagkatao ay nakatago sa kanyang puso at isipan, na isang mahabang panahon ng kanyang buhay ay lagi siyang nangangailangan ng tulong. Sina Sharon Cuneta at ang yumaong Comedy King na si Mang Dolphy ang ilan sa mga ipinagmamalaki ni Willie na mga kasamahan sa showbiz na hindi nagkait sa kanya ng pagdamay nu’ng siya ay dapang-dapa sa buhay.

Kaya nga kapag mayroon siyang tinutulungan katulad ni Ethel Booba na kanyang pinaniniwa-laan ang talento ay napapailing na lang siya, dahil wala na siyang magagawa kung nagiging suwail sa kanya ang mga gusto niyang kupkupin ng pagdamay. Napapagod kasi si Willie sa matagalang pagbabad niya bilang host sa programa niya, kaya kailangan niya ang mga bumoboka ‘tulad ni Ethel at ng iba pa. Pero kung si Willie ‘yung hindi na iginagalang ng kanyang tinutulungan, ang katuwiran ni Revillame ay napakarami pa niyang dapat na bigyan ng pagkakataon at tulu-ngan na nasa loob lang ng industriyang ito na katulad niya noon ay umaasam din ng tulungan ng iba.

 

TAMA NAMAN si Daniel Padilla sa kanyang pagtatanggol tungkol sa kanilang angkan, lalo na sa kanyang uncle na si Robin Padilla. Sa totoo lang naman kasi, magmula nang maging Muslim si Binoe at nagkahiwalay sila ng kanyang wife na si Liezel Sicangco ay malaki na talaga ang ipinagbago ng action superstar, dahil nawala na talaga ang kanyang playboy image. Naging malaking dahilan din, na nagdalaga na ang kanilang mga anak at binatilyo na ‘yung lalaki nilang anak. Ngayon naman, kasal na si Robin sa selosang si Mariel Rodriguez.

Tama naman kasi talaga si Mommy Eva Cariño Padilla, na ipinagdasal niya na dumating ang panahon, na mahinto na rin ang mga balita tungkol sa pagiging babaero ng kanyang mga anak. Nakikita rin naman kasi nina Robin at ng iba pa niyang kapatid, na sobrang naaapektuhan ang kanilang ina sa mga hindi kagandahang balita tungkol sa kanilang mga pambababae, kaya nagkaroon na rin sila ng magandang direksiyon ng buhay tungkol sa pakikipagrelasyon.

Pero ang hindi maitatanggi ni Daniel, kapag lahi talaga ng Padilla ay malambing at mapagmahal. Sa grand presscon ng pelikulang Must Be… Love ng Star Cinema, hindi yata aware ang bagets na actor, na nakalilimot siyang maging sweet at pahaplus-haplos sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo, na hindi naman kumokontra sa kalambingan ni Daniel. At napagmasdan namin iyon ng mga kasamahan sa panulat na sina Joe Cezar, Ador Saluta at Jimi Escala na mga katabi namin sa upuan. Kaya ha-lata talaga na may mutual understanding na ang magkapareha.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

15 thoughts on “Willie Revillame, wala nang magagawa sa mga tinutulungan na, nagiging suwail pa!

  1. I wonder gaano kaya kakapal na andaru and isinkasak sa kepyas na baklitang toh?bongga to max ang papuri nya sa trying hard na pina
    panginoon nya?

  2. tama na yan bakit pinagiinitan ninyo yong reporter eh gusto rin kumita yong tao. ang hindi lang tama na ginawa ni willie ay nag on air siya. dapat doon na lang sa dressing room nagsigawan. willie is willie love him or hate him. hindi rin naman tama yong sinigawan ni ethel si willie and confronted him tungkol sa nanalo at sumbatan tungkol sa comparison kay anne curtis, eh kasayahan lang naman yon, parte ng pagpapasay sa mga tao. . ngayon nakabalik na si ate gay, kasi si ate gay class siya. kahit na bakla yon may common sense naman. mas class pa nga siya kay si vice ganda. back to willie, sana ay maalis na rin ang pagiinit ng ulo niya, like i said love him or hate him bahala na kayo. i watch the show kasi masaya , at saka isipin na rin ninyo na kahit ganoon si willie nakakatulong sa mga mahihirap. WILLIE MAGBAGO KA NAMAN FOR THE SAKE OF ENTERTAINMENT,

  3. SA BAKALNG “WRITER” MAHKANO BAYAD SA WALANG KA KWENTA KWENTA MONG WRITE UP???? TARANTADO KA LAHAT NG MGA PINAGSASABI MO TUNGKOL KE WILLIE EH GINAWA NG ABS CBN SA KANYA YUN GAGO!!!! ANUNG SINUKLI NG HAMBOG NA MANYAKIS NA YAN???? TARANTADO KAYO!!! MGA ANIMAL TULAD NI LUCY PERA-MEAN AT WILLIE MGA MANGGAMIT PARA MAGKA KWARTA!!!! AT PWEDE BA GINAGAMIT LANG NAMAN NI SATANAS WILLIEBOG YANS HSOW NA PARA KUMITA NG MAS MALAKI!!!! GANID YANG MANYAKIS NA YAN NAKAKARMA NA KAYA WALANG KWENTA YUNG SHOW NYA AT 1 DIGIT LANG SA RATING DAHIL SA KAWALANGYAAN NYA!!!! TARANTADO KANG WRITER KA BAYARAN ULOL KA!!!! LAHAT NG MGA PINAGSASABI KE EHTEL EH TULAD NG WALANG UTANG NA LOOB MAS LALO SYA MAS INANGAT AT PINULOT LANG SYA SA BASURAHAN NG ABS CBN KAYA WALA SYANG KARAPATAN MANUMBAT!!!! NAPAKA WALANG HIYA NYO NI WILLIE!!! KAKAPAL NG APOG NYO!!!! PASALAMAT SYA SA ABS CBN KUNDI BAKA BASURERO PA RIN YANG WILLIE NA YAN ULOL!

  4. Binayaran ka. Klarong-klaro! Only somebody as stupid as you will believe that Willie is HUMBLE. Hambog kamo ang sabihin mo. Eh ano kung madami na syang natulungan, kailangan ba I broadcast? TRUE charity is keeping it to yourself. Besides Willie doesn’t have the right to play God just because they owe him. Hay naku! Antayin nyo nga ang karma lalo ka na writer ka.

  5. isa to sa mga bataan ni cristy fermin mga lagi naka tambay sa show ni willie nag hahantay maambunan ng datung

  6. bayad talaga yan para mapabango yung mabantot na willie na makapal ang mukha tulad rin kay LUcyfermin mga bayaran mukhang pera kasi mga demonyo na ito eh..pag makita ko picture ni willie parang ang sarap tadyak tadyakan demonyo na ito

  7. No.matter how u look at it it’s paid.natapalan ang integridad ng writer..suddenly d writer is.blinded by the  wicked deed of.willie bec of money.

  8. Magkano kaya binayad ni Willie sa writer na ito? Siguro malaki kaya ganun nalang ang pagpuri nya… Halatang halata!

    • Obvious paid write-up. Proves that money can’t buy class or decency. Ang baba ng tingin ni willie sa mga kasama niya sa trabaho, lahat parang palamunin, dapat bang ipahayag sa buong pilipinas na dapat magtanaw sina ethel ng utang na loob sa kanya? Kung totoo man ang intention nyang tulungan sila, he doesn’t have to say it in national tv. Kahit anong gawin mo people see you right from the inside, you’re an ass willie.

      • Hindi nga sya marunong tumanaw ng utang na loob sa ABS na syang nagpasikat sa kanya. Alam ba nya pinagsasabi nya?!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.