Willie Revillame, wala nang kinatatakutan?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! SA natanggap kong e-mail galing sa Viva Entertainment, security concerns ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang concert nina Imelda Papin at Melissa Manchester na gaganapin sana ngayong December 19 sa PICC.

Nag-alangan daw si Melissa at ang grupo nito sa pagpunta sa Pilipinas dahil sa nangyaring masaker sa Maguindanao. Nalulungkot man kapawa sina Imelda at Melissa sa biglaang pagbabago ng mga pangyayari, umaasa pa rin daw si Melissa at ang grupo nito na makapag-perform sa bansa in the near future. ‘Yun na!

MARAMI ANG MGA hokus-pokus na naglalabasan ngayon tungkol sa inasal ng noontime TV host na si Willie Revillame noong nakaraang araw sa kanyang programang Wowowee, na hindi nga ikinatuwa ng ilan nating kababayan.

Ayon naman sa naglabasang ispekulasyon ng iba, hindi na raw talaga tulad ng dati ang isang Willie Revillame. Matigas na raw talaga ang ulo nito na animo’y walang kinatatakutan.

Kagaya na lamang nu’ng nakaraang araw na ipinakita niya sa lahat kung sino siya. Nakahanda umano siyang umalis sa kanyang programa. Ang tanong naman ng karamihan, may tatanggap naman kayang iba sa kanya kung sakaling umalis nga siya, ha?

Ayon naman sa natanggap kong chikka galing sa aking parazzi girl, sinabi umano ni Willie na sa programa niyang Wowowee, wala raw dapat ipagbawal sa kanya. Kung ano ang gusto niya ay siyang masusunod. Eh, may nabanggit daw itong mga pulitiko sa kanyang programa at tinawagan daw ito ng isang executive ng Dos at pinagsabihan. Kaya ganu’n na lang daw kung umasta ang lolo n’yo, huh!

Naku, ha?! Kahit saan may bawal. Dito nga sa Pinoy Parazzi bawal nga ang politics, ano pa kaya sa telebisyon? Ha-ha-ha! Kalerke, huh!

Hindi ko man napanood ang inasal niya nu’ng nakaraang araw, pero base sa mga e-mail na natanggap ko, at ‘yung iba’y itinawag sa akin, hindi raw talaga nila nagustuhan ang inasal ng TV host. Halatang kinukuha niya ang simpatiya ng publiko, huh! Naku, ha?! ‘Yun na!
SANIB-PUWERSA NGA RAW sina Jinkee Pacquiao, Gina Alajar, Rufa Mae Quinto at ilang mga movie press laban sa tinaguriang Pambansang K na si Krista Ranillo, huh! Kalerke, huh!

Umalma na nga ang ilang movie press na pinaglalaruan lamang sila ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria. Pinapaikot nga nito ang mga kasamahan ko sa hanapbuhay para hindi makakuha ng kahit ilang ulat sa alaga nito. Dahil nalaman ng ilan na gimik lamang ito para mapag-usapan ang pelikula nilang Wapakman, huh!

Muntik na ngang maghiwalay ang mag-asawang Jinkee at Manny dahil sa isyung pinagpipiyestahan ng lahat, huh! At lalong pumutok ang balita nang mailagay ng beteranang actress/director na si Gina ang ugat umano ng paghihiwalay nila ng asawa niya.

Ganu’n din si Rufa Mae, na na-involve na rin sa isyu, at humabol pang si Bianca King, kung saan ang kahidwaan naman nito ay ang kapatid ni Mat Ranillo III na siyang naglabas ng mga gamit ni Bianca sa dressing room nila ni Krista.

Panay tanggi naman ang hitad na si Krista tungkol sa isyu na hindi niya alam na inilabas pala ng Tita Suzette niya ang mga gamit ni Bianca, huh!

Kahit ang manager nilang si Arnold Vegafria ay ayaw rin magbigay ng pahayag sa isyu ng alaga niya. Naku, ha?! Napaka-nega ng alaga mo, Arnold, pati ikaw na rin. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

2 thoughts on “Willie Revillame, wala nang kinatatakutan?! – Tita Swarding

  1. ano ba naman yan swarding, full of bitterness ang mga isyu mo parati, kawawa ka naman, move on bakulaw, inaagnas na ang mukha mo, and don’t wori ang tagal ka nang hinihintay ng tatay mong si SATAN bwahahaha, buhay ka pa inuuod na ang kaluluwa mo, parehas lang kayo ni alfot lorenzo, PWE

Leave a Reply

Your email address will not be published.