Willie Revillame, wala nang babalikan: Wowowee, sisibakin na?

OLA CHIKKA! NGAYON nga ay nangangapa na ang mga staff ng noontime show na Wowowee dahil pa rin sa pagkawala ng main host nitong si Willie Revillame. Natapos na ang isyu sa pagitan ng ABS-CBN management at kay Willie at ngayon ay naka-indefinite leave nga siya kaya nga nagkaroon na ng iba’t ibang special host itong Wowowee.

Una nga ay si Binoe, at matapos ang 2 weeks niyang pagsalo sa show, kung sinu-sino nang mga artista ang napabalitang papalit na host. Kabilang dito si Aga Mulach na tinanggihan ang offer sa dahilang may respeto raw siya sa kaibigang si Willie at nakikisimpatya sa pinagdaraanan niya at isa pa niyang dahilan ay busy raw siya sa kanyang comedy show na ipalalabas sa June.

Sumunod dito si Manny Pacquiao, ngunit hindi rin tinanggap ang offer dahil nakapirma siya ng kontrata sa Siete at matalik daw niyang kaibigan si Willie at malaki rin ang kanyang utang na loob dahil kahit singkong duling ay hindi
tumanggap si Willie para ikampanya lang siya. Baka kung si Willie pa raw ang mag-alok sa kanya ay magawan pa niya ng paraan.

Ilan din sa napasama ang pangalan sa pagpapalit ng host ay itong si Edu Manzano at Piolo Pascual ngunit hanggang ngayon ay wala pang balita mula sa kanila. At ito ngang pinaka-latest na nag-confirm ay si Cesar Montano, na inasahan ng lahat na susunod kay Binoe. Ngunit ikinagulat ng lahat nang itong mga Kanto Boys na sila John Lloyd Cruz, Luis Manzano at Billy Crawford ang nakita noong nakaraang Sabado.

Oo nga’t nakatutuwa sila, nakaaaliw at nakapagpapasaya ng mga manonood, ngunit hindi tulad ng pagho-host nila Willie at Binoe na mararamdaman mo ang puso, ‘yung tipong pakikisimpatya. Kitang-kita sa kanila ang pagkabata, ‘yung paglalaro lamang sa show. Kaya sa ayaw o sa gusto ng Wowowee staff ay naiiba ang format ng kanilang show. Hindi na ito ‘yung tulad ng dati na makikita mong kahit papa’no na ang intensiyon nila ay tumulong. Hindi ngayon na puro pagpapatawa lamang at pag-entertain ang nakikita.

Hindi kaya isa na ito sa mga taktika ng ABS-CBN upang sibakin ang noontime show at tuluyan nang mawalan ng babalikan itong si Willie? Hmmm…

NALOKA NAMAN AKO nang magpunta ako rito sa isang victory party ng kaibigan ko at nakita ang dating sikat na sikat na artista, ngunit ngayon ay matagal ng hindi lumalabas sa telebisyon. Si Jessica Pica ay umarangkada noong dekada ‘70 kasabayan ni Hilda Coronel na talagang napakahusay at nakagawa ng napakaraming pelikula, ngunit nang magarahe, as in maanakan nitong dating mayor ng Pasay na si Pablo Cuneta, wala rin naman siyang napala. Nagkaroon siya ng dalawang anak sa magkaibang ama, at isa rito ay nag-aartista din noong bata pa at umarte bilang anak ni Fernando Poe, Jr. sa Roman Rapido noong 1983.

Maraming nakapansin sa paglaki nitong bata na habang tumatagal ay nagiging kamukha na ni FPJ. Iba’t ibang haka-haka ang lumabas na maaaring anak nga ito ni FPJ dahil sa hindi mapaglayo nilang hitsura at isyung namagitan kay Jessica at FPJ. Hmmm… ang tagal na ng isyung ito, ngayon lang na-chikka?!

Kunsabagay, wala namang masama kung babalikan natin ang nakaraan, ‘di ba Lovi Poe?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Isa itong beteranong director at award-winning actor na hanggang ngayon ay makisig pa rin ang dating at mapagkakamalan pa ring isa sa mga hunk actor, na ang bagong kinalolokohan ay isang very controversial producer at nahalal na bagong mayor sa isang bayan sa north.

Ang nakakaloka rito, kamamatay lang ng asawa ng mayor at bigla na lang bumulaga sa aking paningin ang dalawa na napaka-sweet at nagsasama na sa iisang bubong.

Pero teka… ‘di ba may pananagutan na ang director-actor na ito?! Gusto n’yo ng clue?! Oh, sige nag-direct na siya sa iilang pelikulang ginanapan ko. Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

19 thoughts on “Willie Revillame, wala nang babalikan: Wowowee, sisibakin na?

  1. Heto talaga si Willie ay sinungaling. Sabi mag-re-resign kapag di napatalsik si Jobert yun pala indefinite leave lang. Takot mag-resign kasi magmumulta siya sa ABS-CBN. Halatang hindi alam ang kontrata niya kaya dak-dak lang nang dak-dak. Tahimik ang hambog dahil talunan na ang manok niya at siya mismo talunan din. He,he,he. Magpalaki ka na lang ng itlog mo, Willie.

  2. Mga kanguso lang yang mga inggitero kaya sabing wag pabalikin hahha

    kawawang mga kanguso, hindi nyo ba malampasan ang wowowee kaya naninira nalang? haha

    kanguso nga naman

  3. dapat kay willie pabalikin s wowowee mula umpisa hanggang huli, llatiguhin ng wlng humpay – live on natl tv!

    • Ha ha ha. GUSTO KO IYAN. Tiyak patok sa audience iyan. kahit ang mga hindi nanonood….mag absent sa work para lang mapanood ang PAGLATIGO ng walang humpay ke Willie Revillame. To DEATH dapat HUH!!!

      Breaking ALL RECORDS tiyak iyan sa RATINGS!!!

  4. we love you Willlie sana bumalik ka na!!!! miss ka na namin!!

    on behalf of everyone on pinoyparazzi!!! WE LOVE YOU!!

    • wawa ka naman, siguro kundi ka bulag eh siguro… pipi or bingi ka. idilat mo nga mata mo ‘teng at ng magising ka sa katotohanang si willie eh bastos at hambog period!!! and correction please…on behalf of everyone on pinoyparazzi…PLEASE HUWAG KA NG BUMALIK SA WOWOWEE!!! WE HATE YOU!!!

  5. wag na pabalikin yan hambog na willie na yan..magsama sila ni cristy fermin….itong si cristy fermin laging tira ng tira ke kris aquino pasalamat sya di sya pinapatulan ni kris kasi di sila magka level ….Cristy magkano ba binabayad sayo ni willie para maging tagapagtanggol nya

    • bakit di nila subukin si jobert maghost……harharhar para lalo uminit ulo ni willie at makita sana namin na magwala sa set!…..suggestion lang sibakin na lang ang karnabal na show na yan..puro pandaraya at kamatayn lang hatid nyan…tinuturuan pang maging tamad mga pinoy na tangahanga nyang show na yan

    • handsome…nagmukha lang syang tao nun kinuha sya ng ABS CBN…guwapo nga eh napakabastos naman nya

      • he is really handsome…i dont know why….. hot parin kahit going 50 years old na..

    • Ano ?

      BULAG???????
      o TALAGA LANG, WALANG delikadesa sa itsura ng tao?
      Kung guapo si Willie…anong tawag mo na s aitsura nina Richard Gomez, aga Mulach at iba pa?

      Baligtad siguro ang meaning ng guapo at pangit dito!!

    • SA REGAL SHOCKER KITA KO NA SYA YUNG LUMULUTANG SA IBABAW NG YERO . KAYA BOY MAGHANDA KA NG BUNTOT PAGE BAKA MINAMANMANAN KA NA NG TIKBALANG NA YAN ???

Leave a Reply

Your email address will not be published.