Willie Revillame, type bang interbyuhin ni Joey de Leon?!

HAY NAKU! SUPER tulog pa rin ako dito sa Hong Kong. Ngayong araw na ang balik namin diyan at miss na miss ko na mga dogs ko.

Naaliw naman ako rito pagdating ko ng Hong Kong. Siyempre ang daming mga kababayan natin dito at updated naman sila sa mga nangyayari sa atin. Kaloka! May mga ilang bumabati pa sa akin ng Happy Birthday, dahil napanood daw nila sa Startalk nu’ng nag-birthday ako last week at ang iba nabasa naman nila sa diyaryo.

At least nakapagbakasyon ng ilang araw, at back to reality naman pagbalik namin diyan.

May nakatakda palang show rito si Dingdong Dantes sa susunod na buwan pagkatapos ng series of shows nila sa Amerika at Canada. Hindi ko lang alam kung ka-join si Marian Rivera.

May mga ilang OFWs dito na tuwang-tuwa rin nang lumabas dito sa Pinoy Parazzi ang kuha kina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Du’n lang daw nila nalaman na sila na palang dalawa.

Mukha namang seryoso na ang dalawa dahil nu’ng huling guesting ni Dennis sa Startalk, ayaw na niyang pag-usapan ang ibang girls. Okay lang kung si Jennylyn dahil mukhang seryoso na yata si Dennis kay Jennylyn. At ganu’n din naman ang huli kaya ayaw na nilang pag-usapan ang mga ex-dyowa nila dahil matagal na raw tapos ‘yun.

Ang isa pang ikinaloka ko, hanggang dito sa Hong Kong, tinatawagan ako para mainterbyu interbyuhin tungkol kay Willie Revillame.

Hindi ko na nga alam kung ano na ang latest diyan, pagkatapos ako ang tinatanong tungkol kay Willie?

Ano naman ang kinalaman ko kay Willie? Hindi naman ako manager niya. Nahaharbatan ko lang siya minsan, ‘no!

Wala akong ideya kung ano na ang status niya sa ABS-CBN. Pero ewan ko kung babalik pa si Willie sa Wowowee lalo na ngayong nagri-rate naman ito magmula nang pumalit si Robin Padilla.

Kung ano man ang desisyon ng ABS-CBN kay Willie, balak nitong kontrobersiyal na TV host na magpa-interview sa Startalk at gusto niya si Joey de Leon ang mag-interview sa kanya.

Ewan ko lang kung matutuloy iyan at kung ano ang feeling ni Joey diyan. Abangan n’yo na lang siguro!

MALAPIT NANG MAGSIMULA itong bagong drama na pang-GMA Telebabad na Langit sa Piling Mo, kaya may mga naglalabasan nang intriga tungkol sa pag-walk-out ni Mark Herras.

Wala ako sa presscon nito kagabi at ewan ko kung sinagot ni Mark iyan.

Napag-usapan na rin namin iyan sa production staff ng Langit… at naayos naman ito kay Mark. Kaya sana huwag na itong lumaki dahil ganu’n talaga kapag medyo pressured na sa pagsisimula ng bagong drama series na ito.

Ang isa pang punung-puno rin ng intriga sa mga cast ng Langit sa Piling Mo ay si JC Tiuseco na hindi pa rin sinasagot ang tungkol sa kanila ni Maxene Magalona.

Hindi na rin magsasalita si Maxene tungkol dito, at ganu’n na rin si JC. Pero alam ko kung ano ang totoo rito. Pero siyempre ayoko na lang ikuwento dahil marami pang mai-involve. Tapusin na lang siguro iyan, dahil matagal na silang nakapag-move on.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKonting Pasilip ng Juicy!
Next articleHappy Birthday, Jaycee Parker!

No posts to display