Willie Revillame, tuloy na ang bagong noontime show sa TV5!

KUMPIRMADONG BY SEPTEMBER na ang airing ng bagong programa ni Willie Revillame sa Channel 5. According to our source ang titulo umano ng show ni Willie ay “Wiling Willie Kami” na itatapat sa timeslot na iniwanan ng Wowowee.

Kapag tinatanong si Willie tungkol sa bago niyang programa, hindi ito nagbibigay-kumento. Sa halip, sinasabing wala pa siyang napipilitng TV network. Pero ang totoo, plantsado na ang magiging show nito na ang huling balitang nakarating sa amin, makakasama niya rito si Valerie Concepcion.

Dahil sa bagong programa ni Willie sa Kapatid Station ay muling nabawasan ng mga naiwang staff ng Wowowee sa Dos.

“Dati, ten lang ang umalis sa Dos nang mawala si Willie, ngayon more or less ay fifteen na silang lahat na makakasama ni Willie sa bago nitong programa,” pahayag iyon ng aming show na nagsabi pa ring lahat daw ng mga kahilingan ni Willie sa magiging programa nito ay ibinigay na lahat ng Channel 5.

Kaya abangan na lang natin kung ano ang mangyayari sa bagong programa ni Willie sa Channel 5.

UNTI-UNTING NAPAPANSIN NG mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez ang kakaibang ikinikilos ng kanilang anak na si Aneeza, kung saan ay lumalaki itong parang lalaki.

“Safe tayo riyan sabi ni Ton sa akin,” tumatawang sabi Glydel nang makausap namin sa taping ng Momay kamakailan sa Pasig, na nagsabi pang nahihilig daw ngayon sa mga laruang panlalaki si Aneeza.

“Kunsabagay, noong bata din naman ako, mahilig ako sa mga laruang panlalaki. Kaya feeling ko, mana lang siya sa akin. Pero tingnan naman ninyo, babaeng-babae ako,” pahayag pa ni Glydel.

Samantala, sinabi pa rin ni Glydel na magkalaban ang show nila ni Tonton, kaya pagdating sa bahay ay kanya-kanya sila nang kuwentuhan. “Nasa Siyete siya at ako naman ay nasa Dos. Dati, siya ang nasa Dos at ako ang nasa Siyete.”

Wala na raw mahihiling pa si Glydel kay Tonton, dahil almost perfect husband ito at napakabait na ama ng kanilang anak.

NAKAKARAMDAM KAMI NG pagkaawa kay James Yap. Hindi namin kaibigan ang taong ito, minsan lang namin siyang nainterbyu at hindi pa siya nakipag-usap nang maayos. Pero sa totoo lang, naaawa kami sa kanya, dahil feeling namin ay may nagmamaniobra para sunud-sunod ang gawing bira sa kanya ng mga kasamahan namin sa hanapbuhay.

Hindi sa kinakampihan namin si James. Pero sa totoo lang, bilang ama ay dapat nating igalang ang kanyang karapatan kay Baby James. Kahit sabihin pang galit sa kanya si Kris, still may karapatan siya sa kanyang anak.

Sa totoo lang, hindi kami naniniwala na hinahabol ni James ang mga kayamanan ni Kris noong sila ay nagsasama pa. Dahil feeling namin, hindi naman mukhang pera ang binata. Kita naman sa kanyang pagkatao na simple lang naman ang kanyang pananaw sa buhay.

Malaki ang paniniwla namin na kaya kung anu-anong pangit na balita ang naglalabasan laban kay James ay may isang taong galit dito bukod pa kay Kris Aquino.

Sa totoo lang!

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleMaria Venus Raj, binigyang-karangalan ang ‘Pinas!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #155: August 25-26, 2010

No posts to display