Willie Revillame, susugurin ng mga preso

BLIND ITEM: PARA siya mismo ang makapagpatunay na “arrive” na nga ang sanrekwang bagets na pinangahasang iprodyus ng pelikula, sinubukang panoorin ito ng isang lady producer sa isang mall theatre. Bilang negosyante nga naman, nais pulsuhan ng produ kung may hatak ang mga bagets sa takilya, as this might push her to cast the teen group in her next project.

Kaso, nang tanungin daw ng mga reporter kung kumusta ang pelikula, ito ang sagot ng lady producer. “Nakatulog nga ako, eh. Hindi nap, ha? As in nakatulog talaga ako! Wala kasi akong nariri-nig na tilian ng mga fans, walang katau-tao sa loob ng sinehan!”

Puwedeng nagpapatawa lang ang karakter naman talagang produ, baka naman exag na lang ang kuwento ng kanyang pagkahimbing oblivious of the screaming audience who were teens themselves.

Slightly unconvinced by the producer’s story, naghanap ang mga reporter kung kanino puwedeng mai-validate ang feedback na flopchina ang naturang teen movie. One reporter stumbled upon a popular TV host and a fellow celebrity. Tanong ng reporter sa TV host: “Kumusta po ang opening day ng movie?” Pero sa halip na siya ang sumagot, ipinaubaya niya ‘yon sa kanyang kasama, “Alanganin kasi, eh, hindi pa suweldo.”

But the same reporter’s quest for truth, ‘ika nga, did not end there. Nagkataong nakasalubong naman daw niya sa daan ang driver ng TV host na nauna niyang napagtanungan. He posed the same question about the movie’s opening day. Sagot daw nito, “Alanganin kasi, eh, hindi pa suweldo.”

Same question, same answer from both respondents gayong hindi naman sila parang mga Top 5 finalists sa isang international beauty pageant who are inside an isolation booth during the final interview portion!

So, ano kaya ang ibig sabihin sa pareho nilang sagot na ‘yon… so the lady producer was right all along?

 

ISA SA MGA gabing ito ay bubulaga na lang ang animo’y jailbreak ng mga presong naglipana patungo sa studio ng Wil Time Big Time. Pero hindi “pagpuga” ang masasaksihang ‘yon, kundi “pagpugay” sa isang sektor ng ating lipunan na maaaring inunahan natin ng pang-huhusga.

Even PAO Chief Persida Rueda-Acosta will agree that not all who are languishing behind bars are guilty of the felonies charged against them. Nakalulungkot mang aminin, but the bottomline is still law of economics. Sa kawalan ng financial resources to engage the services of legal experts kung kaya’t karamihan sa kanila end up in jail.

Finally, sa binabalangkas nang episode ng programa ni Willie Revillame ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga “impit na tinig ng mga nakapiit” upang mailahad naman nila ang kanilang mga natatanging kuwento. Kakaibang panoorin ito without having to bleed one’s tearducts dry.

Abangan ang nalalapit na pagtitipun-tipon ni Willie ng mga ex-convict whose lives can be as touching as ours, if not far more.

 

MAKISAYA’T MAKIKANTA SA episode ngayong Lunes ng Face To Face na pinamagatang Matandang Pabling, Maraming Gurang Na Nahuhumaling! Kuwento ito ni Renato na tatlo ang nabighani: isang dating tomboy at kasera, isang barbecue vendor at isang misis na may dyowang OFW.

Abangan naman bukas, Martes, ang kuwentong Bunganga Ni Anak Daig Pa Ang Imburnal… Lihim Ni Nanay Ayaw Ibulgar! Nakatagpo si Jenalyn ng kakampi sa kinakasamang si Jojo out of her rebellion against her mother Crispina na naglihim na siya’y anak pala nito sa pagkadalaga. Sa episode ding iyon ipinagdiwang ang kaarawan ni Dr. Camille Garcia, isa sa Trio Tagapayo.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Willie Revillame, susugurin ng mga preso

Leave a Reply

Your email address will not be published.