Willie Revillame, suportado ng advertisers – Cristy Fermin

TAMA ANG BULONG ng aming impormante nu’ng nakaraang linggo pa na sa pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee pagkatapos mamahinga nang mahigit na isang buwan ay pupunuin ng iba’t ibang grupo ng mga Ati-Atihan ang palibot ng gusali kung saan nandu’n ang studio ng noontime show.

Mahigpit ang imbitasyon ni Willie na sana’y masaksihan namin nang live ang kanyang pagbabalik, pero mas ginusto naming tumutok sa bahay na lang, dahil sa isang libo’t isang dahilan.

Parang fiesta ang pagbubukas ng kuwadro, nagsasayawan ang sangkatutak na dancers, pistang-pista rin ang tanawin sa pag-indak at pag-ikot-ikot ng mga miyembro ng Ati-Atihan.

Pero nang iluwa ng entablado ang bida ng programa ay biglang naging emosyonal ang manonood. Habang tinutugtog ang mabagal na bersiyon ng himno ng Wowowee sa komposisyon ni Lito Camo ay sinikap na ikutin ni Willie ang buong studio.

Kitang-kita ang kasabikan sa kanya ng ating mga kababayan, mahihigpit na yakap ang sumalubong sa kanya, kasabay ang paghalik at pagbubunyi ng studio audience sa kanyang pagbabalik.

Sa ayaw at sa gusto ng mga kababayan nating mas ikaliligaya ang hindi pagtungtong uli ni Willie sa entablado ng Wowowee ay wala na silang magagawa, mas nakaaangat ang bilang ng mga may gustong bumalik na sa programa si Willie, “you cannot argue with success” na lang ang tanging paliwanag na makatatapat nu’n.

Maipapasok din ang argumento ng mayorya at minorya sa kaso ni Willie, kahit saang labanan naman ay talo talaga ng mas nakararami ang kakaunti lang, kaagapay ni Willie ang mga advertisers at ang mismong network kaya hanggang sa pag-iling na lang ang magagawa ng mga taong umaayaw sa kanya.

Sa punto ng mga advertisers, ang paniwala nila ay si Willie ang pinakaepektibong tagapag-endorso ng kanilang mga produkto, at sa panig naman ng network ay isang gansa na nangingitlog ng ginto sa ngayon si Willie kaya kahit merong mga umaayaw ay mas nangingibabaw ang importansiya ng negosyo para sa istasyon.

SUPORTADO SI WILLIE kahit ng mga advertisers nu’ng Lunes nang tanghali. Nandu’n ang mag-inang Dra. Vicki Belo at Cristalle na sa pagbagsak at pagbangon ay totoo namang nandiyan lang sa tabi ng aktor-TV host at hindi nagbabago ang timpla ng pagmamahal at tiwala sa kanya.

Nandu’n din si Mr. Ben Chan na sa itinayong mga billboards para kay Willie ay nakaaaliw ang nakalagay, “Wil be back. You can’t put a good cologne down,” si Willie ang Wil at ang cologne namang tinutukoy ay ang kanilang produkto na araw-araw na ipinamimigay ni Willie sa Wowowee.

Ang mga pula at puting t-shirts naman na suot ng studio audience ay ipinagawa ni Enrico Roque, ang batambatang negosyanteng may bodega ng pagsuporta kay Willie, pero kailanman ay hindi mo makikita sa studio dahil tahimik lang ito sa kanyang pagsuporta.

Sa kanyang pahayag sa kalagitnaan ng programa ay markado para sa amin ang kanyang pasasalamat sa direktor ng kanyang programa, “Mr. M, Direk Johnny Manahan, ikaw lang ang nag-iisang nagtanggol sa akin, hindi ko ‘yun malilimutan, Direk. Maraming-maraming salamat.”

Nu’ng kinakalampag kasi ng mga negatibong pagpuna si Willie ay si Direk Johnny Manahan lang ang nanindigan na hindi kasalanan ni Willie ang naganap nu’ng inililipat ang bangkay ni dating Pangulong Cory Aquino, ang mali ay ang nagpasok ng video sa Wowowee, ang katwiran ng direktor ay walang magaganap na ganu’n kung walang isiningit na video.

Natural, sa isang mundong umuurong ang dila at nababahag ang buntot ng lahat ay lulutang at mangingibabaw ang isang sisigaw na may paninindigan, ‘yun si Direk Johnny Manahan para kay Willie Revillame.

Ibang-iba talaga ang Wowowee kapag si Willie ang tumutimon sa programa. Magagaling ang kanyang mga co-hosts, lalo na si Pokwang na ginagawa ang lahat-lahat para huwag maging malayo ang pagkukumpara sa programa kapag nandu’n o wala si Willie, kaya kung anu-anong kagamitan ang sinusunong tuwing sumasalang ito.

“Nandito na uli ako, magsasama-sama na tayo hanggang sa kamatayan!” pahayag ni Willie na sinundan ng sigawan at palakpakan ng studio audience.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

21 thoughts on “Willie Revillame, suportado ng advertisers – Cristy Fermin

  1. Cristy sayang ang mga panahon na ginugol mo sa pagiging showbiz reporter, bata pa ako napapanood na kita sa See True ni Inday na nakatirintas pa ang buhok mo, at sa pagdaan ng panahon, sa tagal mo ang nagmarka sa iyo ay ang mga kaso mong kinasangkutan, ang mga matalas mong banat sa mga artistang ayaw mo at ngayon naman ang pagtatangol mo kahit alam mo na kabastusan ang antas at paraan ng pagpapatawa ng idol mo…sayang nanay ka pa naman sa iyong mga anak…nawala na ang konsepto ng tamang asal para sa iyo…HANGANG NGAYON WISH KO LANG NA SANAY MAGING GUEST KA NI WILLIE AT PALUNDAG LUNDAGIN PARA KATULAD NG IBANG STUDIO GUEST AY MABOSOHAN…MAGAWA MO PA KAYANG NGUMITI…IKAW BA AY NAGBABASA NG MGA KOMENTO O PAGKASULAT MO PIKIT DI MO NA INAALAM ANG PULSO NG MGA TAO…MGA MAPAGLINLANG…IMARKA MO AT PANIGURADO DARATING NA NAMAN ANG ARAW NA HIHINGI NA NAMAN NG SORRY ANG IDOL MO DAHIL SA KABULASTUGAN…MAGHINTAY KAYO SA KARMA SABAY NA DADAPO SA INYO YAN…

  2. sa pagbabalik ni willie, sinimulan ko na ring wag manood ng wowowee. pagkatapos ng teleserye, off na TFC ko. di ko masikmura na ang taong ito na sobra ang garapal ay nakukuha pang lumabas sa tv. wala lang sa kanya. go on willie and i will go on my life.

  3. KAHIT ANONG GAWIN NYO MAS NAKARARAMI PA RIN KAMING SUMUSUPORTA KAY WILLIE.

    PURO KAYO DAOT! YAN BA ANG PAGIGING KRISTYANO NYO? MAHIYA NGA KAYO? KUNG NAWALAN MAN KAYO NG GANA NA MANOOD NG SHOW, TANG-INA, KELANGAN PA BANG PAULIT-ULIT NA SABIHIN? CARE NAMAN NAMIN KUNG PUTANG-INANG NAWALA NA GANA NIYO SA SHOW, KUNG MAKAREACT KAYO PARANG WALANG KATAPUSAN, NA PARANG ANG LINIS LINIS NG BUDHI NIYO, KUNG TALAGANG WALA KAYONG PAKIALAM KAY WILLIE AT GUSTO NIYONG MAWALA ANG VIEWERSHIP NG SHOW WAG KAYO MANOOD, WAG KAYO MAGING EPAL SA KUNG BAKIT TUMAAS NG GANUN ANG RATINGS NG WOWOWEE, ANG SAKET NOH? PUTANG-INA, PAGANAHIN BA ANG CRAB MENTALITY DITO? KUNG WALANG PAKIALAM SI WILLIE MERON KAYONG SASABIHING HINDI MAGANDA, KUNG MAGMAMALASAKIT SIYA MERON NA NAMANG HINDI MAGANDANG MASABI, KUNG ANG MGA PUTANG-INANG IMPORTANTENG TAO SA MGA BUHAY NIYO KAYA ANG GANYANIN? TINGNAN KO LANG KUNG ANO MAGIGING REAKSYON NIYO, O DI NAMAN KAYA EH KAYO MISMO ANG NASA GANYANG SITWASYON, TINGNAN NIYO BABALIK DIN SA INYO ANG LAHAT NG MGA PINAGSASABI NYO KAY WILLIE, SA ISANG PUNTO NG BUHAY NIYO O NG MGA ANAK NIYO O NG MGA TAONG MALALAPIT SA BUHAY NYO MANGYAYARI ANG MGA PINAGDAANAN NI WILLIE, TANG-INA, HAHALAKHAK AKO NG BONGGANG-BONGGA!!!!!!!!!

    PWE!

  4. ewan siguro kahit na anong ganda ng sulat para ke willie, nawalan na talaga ako ng gana sa kanya… i did not watch his pag babalik!

    sa balitang tatakbo siya? ang yabang niya! may pa-suspense epek pa siya. nag papatunay na hindi pa rin talaga nawawala ang yabang!

    funny, i was laughing sa SNN noong monday, indirectly, na correct siya ni kris aquino. ilan nga naman ba ang mga senators? akala ni willie 12 lang lol. bopol talaga!
    ‘yan ang iboto ninyo! hindi raw mag nanakaw at mamimigay pa! sus! ano? ‘yung wowowee jacket? na balita ko super mahal ibenta sa studio?

    cristy, turuan mo muna, sayang ang ibinabayad sa ‘yo.

    follow up du’n sa pagtakbo niya, hindi nga naman siya mag nanakaw, siya ang magiging tiga tago ng pera ni villar at ni noli. doon na nga lang naman siya sa kaban ni villar and noli kukupit!

  5. between EB and Wowopwe, mas entertaining ang wowopwe.

    except s Pinoy Henyo, d rest wlang kwenta ang mga segment/games. Wl ring kwenta ang mga host ng EB.

    paging malou, the show need reshuffle.

    • pero dmo maiaalis na mas mganda ang eb compare s
      wowowee na 2mutulong nga sa kapwa kailngan munang
      ipangalandakan na pogi c willie at kailngang bulatlatin
      ang mga buhay2 ng contestant….
      at least sa eb na cnsabi mong boring
      daming natu2lungan…hindi kailngang purihin ang mga host
      kailngang paghirpan mo ang perang papremyo nila…like ung pinkamadaling contest nila na wer u can win 10thou.
      hndi bsta ibinibigay ang pera dpat paghirapan….

      dey will build a skul also paunti-unti sa mga lugar na kailngan ng skul at may mga pinag-aaral clang mga bata
      ngawa nba ng
      mas entertaining mong wowowee ang mga yan?
      just asking????

  6. wow lola cristy ang galing mo talaga mag kwento walang kakupas kupas! bawat write-up ba kay wiilie worth P1M agad ang kapalit? pambayad sa mga kaso mo na natalo? wahahaha!

  7. KITA NINYO NA SI KRIS AQUINO BALEWALA SA DOS KASI SI PAPI ANG SUPPLIER NG CHICKS NG MGA AMO NG DOS.
    TAPOS SI PAPI RIN ANG NAGPAPASAOK NG BILYONG BILYONG PISO SA KABAN NG ABS CBN.KAYA SI PAPI ANG TUNAY NA TAGAPAGLIGTAS NG ABS CBN. DI NILA NAKUHA SI MANI PAKYAW KAYA ANG PAMBATO ILA SI PAPI, TATKBO PANG BISE PRESIDENTE.
    MABUHAY KA PAPI SANAY ABUTING KA NG ISANDAAN AT SIYAMNAPUNG TAON NA PANAY RAYUMA AT NA IIHI AT NATATAE NA SA KAMA AALAGAAN KA NAMAN NI CRESTE FERMEN .

  8. Oh di ba’ talagang todo bigay ng t shirt sa mga kabig ni willie, halatang halata na namigay talaga at nagpapunta ng hooray boys/girls para hini naman lantang gulay si willie. Pinamigay pa ang pera ng ABS, sign of corrupting the poor para nga naman magsibalik sila, anyway hindi naman pera ni willie ang pinamimigay. At halatang si cristy peramin lang ang nagsusulat dahil napapalstikan talaga sa ignoramus na si willie. Ano tatakbo si willie, eh halata naman sa itsura ni willie na prublemado ang itsura nya, gagamitin pa niya ang wowowee para daw ibalita kung tatakbo sya. Hindi raw siya magnanakaw kung in case tatakbo sya, DIYOSME, KAPAGKA MAY MAGBIBIGAY SA KANYA SA SHOW NYA EH NAGKAKANDARAPA PA SYA SA PAGKUHA EH DI LALUNA KUNG PERA YAN NG TAONG BAYAN.
    HUWAG KANG MAGMALINIS.

  9. Nandito na uli ako, magsasama-sama na tayo hanggang sa kamatayan!

    tama cisty sumama ka na kay willie mamatay na kayo!! kung tatakbo sya sa 2010, wish ko lang kunin na sya ni lord..
    ang plastik nia super!!!!!!!

    • wag kang ganyan masama manalangin ng kamatayan ng ibang tao, mostly bumabalik sa taong humihiling…matakot ka sa karma..kapg nmatay c willy dhil pinag-pray mo magiging masaya ka kaya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.