Parazzi Chikka: Willie Revillame, sinalubong ng mga fans

Bulto-bultong fans ang sumalubong kay Willie Revillame, nang magpabalik s’ya nitong Lunes, September 21, 2009 sa Wowowee. Kahapon, inanunsiyo n’yang hindi s’ya tatakbo sa darating na eleksiyon at hindi rin daw n’ya opisyal na sinusuportahan sa presidentiable race si Manny Villar. Kung mag-aanunsiyo raw s’ya ng pagtakbo sa eleksiyon, eh may tamang venue raw para rito. Ipinangako pa nga ni Papi na kung makatutungtong man s’ya sa public office, eh, hindi raw s’ya magnanakaw, kundi magbibigay pa. Sabi nga, meron pa namang ibang paraan para makapagsilbi sa bayan, hindi lang puro sa takbo-takbo na ‘yan. Well, sa sobrang yaman ba naman ni Willie, eh, parang magiging buwaya na s’ya kung pati tayong mga dukha, eh, nakakawan n’ya huh! Kaloka!

By Faith Salazar, Photos by Allan Sancon

loading...

3 thoughts on “Parazzi Chikka: Willie Revillame, sinalubong ng mga fans

  1. paliwanag mo namn yung mga issue ni villar sa c5 yun maibidensya, pagangkin ng lupa sabi ng dati nya lawyer may lumabas b yun mayari ng lupa na inagawan ibidensya n naman, tapos ngayon sa stock exchage ginoyo mga ofw sya lng kumita hehehe mahirap daw pero may lupa malaki sa tondo binenta, kapatid sa private hospital naconfine namatay sa funeraria paz binurol hehehehe tapos pagpipilitan siraan si noynoy na ang ibidensya peke na galing sa kampo nila……….. engot lang maniniwla kay villar

  2. Mabuti naman at nagsalita si Willie patungkol sa pagkakagalit nang staff nang Wowowee. Ang balita, si Mariel, mahilig sigaw sigawan ang production staff nuong wala si Willie. Feeling boss siguro. Naunsyami ang pangarap na maging main host nang bumalik si Willie, pero maraming practice sa paninigaw sa mga tauhan nang Wowowee. Hindi pa na pro promote, feeling star na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.