Willie Revillame, pinanindigang tama siya by Tita Swarding

OLACHIKKA! KAHIT SAAN ka magbasa ay halos makikita mo ang mukha ng TV host na si Willie Revillame. Inulan ng maraming batikos ang host. Hindi lang kung anong komento ang mga sinusulat kundi kulang na lang ay itaboy at kaladkarin ang TV host. Kalerke, ha! Iyung iba ay baboy na kung tawagin si Willie,walang respeto. Naku, ha! Kahit ano’ng gawin mo sa baboy ay baboy pa rin. Ganu’n ang paningin ng ilan sa TV host na si willie. Sa ipinakita ni Willie,hindi lang baboy ang tingin ko sa kanya kundi “napakademonyo” niya. Noong hindi pa ganu’n kayaman si Willie ay napaka-humble nito. Akala mo ay aso na kumekembot ang buntot. Ngayon, tila nagbago na ang ihip ng hangin. Ipinakita na niya kung sino siya, kung ano siya. Hindi porke’t  mayaman na siya ay ganu’n na lang siya kamakapangyarihan. Tama ang sinabi ng chairman ng MTRCB na si Consoliza Laguardia, dapat siya ang tanggalin at hindi ang insert coverage ng dating pangulo.

Ang nakakaloka ay pinapanindigan pa ng kuning-kuning na TV host na tama siya. Magtigil ka, Willie! Kahit saang sulok ka magtanong, mali ang sasabihin sa ‘yo! Kung noon ay wala akong galit sa ‘yo, ngayon ay hindi lang galit ang nararamdaman ko kundi nandidiri ako sa ‘yo dahil hindi lang kababuyan ang ginagawa mo. Niyuyurakan mo ang imahe ng dating pangulo at para kang sino kung magdikta. Hindi lang dapat suspension ang ihatol sayo kundi dapat tanggalin ka na diyan sa programang ‘yan.Pinagmumukha mo lang kawawa ang sambayanang Pilipino at ipinapakita mo sa buong mundo na mukhang pera ang mga Pilipino. ‘Yun na!

Read Tita Swarding’s Blind Item: Sexy starlet, nakipaghalikan sa hindi kakilala!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

15 thoughts on “Willie Revillame, pinanindigang tama siya by Tita Swarding

  1. wow! kalerke si tita swarding.. i salute tita swarding for this issue..

    korek ang sabi nya bout willie, hindi alam ng sambayanang pilipino kung ano ang pinagbago ni willie..

    hay, dont wori.. wla na masyadong nanood ng wowowee…
    kasi nakakasawa na..

  2. no matter how much you hate a person, you should not resort to name-calling! grabe naman sabihin na baboy siya or demonyo siya, parang ang linis linis nating lahat. kung may mali si willie r, which i believe is his temper problem, dapat maging mahinahon pa rin tayo at marespeto. people really overreacted.

    sa totoo lang may point si willie. ang masagwa talaga ay ang pagsabayin ang wowowee at ang tita cory updates. yan ang tunay na hindi pinag-isipan. if you really wanted to respect the wake, then dapat yun lang ang ipinakita. tsk tsk.

    • kawawa naman yung baboy na dating biik lang, ganyan talaga pag ginawang dyos dyosan ang pera lahat isang pitik lang lahat mawawala, hindi lang naman ang pera dito sa earth, gets mo willi PERAVILLAME

  3. intindihin na lang si willie. ganyan talaga yan. hindi naging willie yan gung hindi ganyan. may puntos naman sya. kung gusto ng abs i-cover ang libing ni tita cory, e dapat ni-preempt na nila ang wowowee. gusto lang kumita ng abs kaya tinuloy pa rin nila ang show.

    pwede ba yung may kasayahan, tapos may patay na dumadaan? dyows ko po! ang dapat ginawa ng direktor, nag-updates lang twing gaps. tama pa rin si willie.

    • Tama na hindi dapat pinag sabay yung pag papakita sa wake ni Pres. Cory dun sa wowowee habang nag kakasayan sila dun!! ang POINT ng mga tao kung bakit sila nagagalit is bakit niya kailangan sabihin yun ON-AIR!!! at KUNG PAANO NYA SABIHIN!! hindi man lang ba siya maka hintay na mag commercial!! Kung talagang gusto niya or nag volunteer siya na huwag muna ipalabas ang wowowee bakit hindi niya ipinilit yun sa abs malakas naman si willie dun di ba.. kung makaasta nga siya parang isa na siya sa may ari ng abs eh..

    • MATAGAL NANG ININTIDI SI BABOY KAYA LANG LAHAT MAY HANGGANAN. MASAMANG EHEMPLO SA KABATAAN, KAYA LANG PINAGBIBIGYAN YAN NG DOS DAHIL SYA ANG NAKAPAGTAOB SA TVJ PERO DI MARUNONG LUMINGON SA PINANGGALINGAN

  4. HE NEEDS TO LEARN HOW BE HUMBLE. I DON’T BLAME JOEY DE LEON FOR TAKING JABS AT HIM BECAUSE HE SO RUDE. I THINK THE FOOTAGE OF CORY AQUINO IS MORE IMPORTANT THAT HIS STUPID SHOW. HE HAS A BIG EGO… HE NEEDS TO TREAT HIS STAFF BETTER INSTEAD OF GETTING MAD AT THEM ON AIR.

  5. LOL! Jebs kurak! Willie wants the attention of the public instead of showing some respect with the late Pres. Cory!The new name for his show: “WAWA NA WILLIE”

    • WALANG PROBLEMA DYAN SA TAO NA YAN ANG PAGLUHA EEMOTE LANG YANG AT SASARIWAIN BAT SYA INIIWAN NG MGA BABAE TAPOS LULUHA NA YAN NA PARANG KAWAWA

Leave a Reply

Your email address will not be published.