Willie Revillame, pinahahaba ang pisi para sa game show

Willie-RevillameEXCITED NA ngayon si Willie Revillame sa bagong timeslot ng Wowowin niya. Kasi ginawang back to back sila ng bagong programang Sunday Pinasaya na ipinalit sa Sunday All Stars.

Sabi ni Willie, parang extension daw ng Eat Bulaga ang Sunday Pinasaya dahil may Jose and Wally, dagdagan pa nina Marian Rivera, Ai-Ai delas Alas, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, at si Alden Richards na hit na hit ngayon dahil sa ALDub tandem nila sa Eat Bulaga.

Sabi naman nina Jose and Wally, ibang-iba sila sa Eat Bulaga dahil hindi nila puwedeng gawin sa Sunday Pinasaya ang ginagawa nila sa Eat Bulaga. Pero bongga sila! Kaya magandang pre-programming sila ng Wowowin.

Kung alas-dose ng tanghali ang Sunday Pinasaya, pagpasok ng alas-dos ng hapon, ang Wowowin na ginawa nang isang oras at 15 minutes.

Pero umaasa pa rin si Willie sa gusto niyang daily, at pinag-uusapan na raw ito ngayon.

Kaya sana maganda ang feedback at ratings ng Wowowin kasama na rin ang Pinasaya, para gagawin nang daily ang Wowowin.

In fairness naman, maganda ang pinu-propose ni Willie na timeslot kung daily ito.

Bago raw mag-24 Oras, para kung Eat BUlaga sa noontime prime, pagpasok naman sa primetime ng gabi ay may Wowowin muna. Sana nga matuloy na ito, ‘no! Para makabawi naman si Willie.

Sabi naman niya, maka-break even lang daw siya, masayang-masaya na siya. Pero sa ngayon ay palugi na muna siya at talagang pinahahaba raw niya ang pisi niya.

 

MAY ISA pa pala kayong aabangan sa pilot episode ng Sunday Pinasaya.

Alam ko, dumating na ngayong araw galing Amerika si Jessica Sanchez at una siyang lalabas sa Sunday Pinasaya. ‘Yun ang unang pasabog ng bagong musical-comedy show na ito.

Abangan na lang natin kung ano ang gagawin ni Jessica, dahil ibang-iba raw ang mapanonood sa kanya rito.

Abangan natin ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.