Willie Revillame, pinaaasa lang ang mahihirap na kababayan?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… Now na!!! Mapapa-no ka kaya, o mapapa-yes sa mga chikka to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly at pinagkakatiwaalan pa rin ng madlang pipol?! Hahaha! Anyway, simulan na natin ang chikka, kaya don’t make your Monday a blue Monday.

Maloloka ka talaga sa Earth, dahil ‘di ko alam kung maawa ako o maiinis sa mga kababayan natin, lalung-lalo na ‘yung mga naghihirap na umaasa na lang sa mga pa-premyo at palaring suwertehin.

True to life story naman talaga ito, dahil after nilang pumunta sa TV5 para pumila sa show ni Willie Revillame, pumunta sila sa akin dahil alam nilang malapit lang ang bahay ko at marami talaga ang nagrereklamo na hindi naman daw pala totoo ang mga ipinapangako niya sa TV, na ang mga  taga-malayo   ang  priority nila.

At hindi rin daw totoo na ang mas uunahin nilang manood ng show nila ay ‘yung mga magdamag na pumipila para sa kanila. Kawawa naman ang ibang galing pa sa malayong lugar at ubusin ang oras sa wala.

Pero anyway, medyo mali rin naman ang mga kababayan natin at pinagsabihan ko rin silang huwag silang umasa sa mga ganyang estado sa buhay, dahil puwede naman silang magsikap para kumita ng pera. Kesa uubusin mo ‘yung buong araw mo sa pagpila at ‘di ka naman papalarin.

Kaya pinagtatawanan na lang tayo ng mga nasa ibang bansa, dahil ang mga Pilipino ay umaasa na lang sa mga ganyan, hindi magsumikap. At lalo na ‘yung naging pila ngayon, parang pinalalabas talaga nila na mahirap ang mga Pilipino. Grabe naman!

At sasagutin ko lang ang sinulat ni LucyFermin na kung sino ang sumisira kay Willie, manahimik na lang daw. Eh, siya ang unang sumisira kay Willie… naku, ha!!!

 

AT HETO NAMAN ang chikka to the maximum authority of chikka. Kumustahin naman natin itong si Sharon Cuneta, gumawa na ng reaction sa hiwalayan nila KC Concepcion at Papa Piolo Pascual. Naku, sino ba naman ang may kasalanan sa kanilang dalawa, ‘di ba?

At hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-tapus-tapos ang isyu na ‘yan. At hanggang ngayon, hindi pa rin daw ako naniniwala sa kanilang dalawa, dahil hindi ko pa rin maramdaman ang spark! Kaloka!

Anyway, pagtuunan na lang natin ng pansin ito dahil sinundan na ni Sharon si KC sa Europe, at mukhang sinuportahan niya ang anak niya… pakikinggan kaya siya ni KC?

At least nagpaka-ina siya dahil wala naman ibang tutulong sa anak niya kung hindi siya rin. Bonggacious! ‘Yun lang ang mase-sey ko!!! Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

27 thoughts on “Willie Revillame, pinaaasa lang ang mahihirap na kababayan?!

  1. Yoong Price is Right ni Bob Parker noong araw (i do not know kung meron pang show) sa States, dinudumog ng mga tao yaan sa america. Kasi ang prizes are cars, money etc. Mas malaki pa ang prizes ng kay Willie. Marami ang nagbago ang buhay sa mga nanalo ng million, house and lot sa Wiltime Bigtime. Karamihan ng mga staffs niya sa Wowowee ay sumunod sa kanya at dinagdagan pa niya ng sweldo. I admire Willie for having a good heart, the more people put him down the more he succeeds. Pinoys have this crab mentality ( not everyone). !!!! sana alisin na natin ang inggit!!!!. Leave Willie alone kung ayaw ninyo siya.
    I notice mas maraming inggit mas lalong gumaganda ang kabuhayan ni Willie, jet plane, 2 yatchs, mansions Wil Tower. God Bless Willie for sharing what you have.

  2. AKO NANINIWALA SA IMPYERNO.LAHAT NG GINAWA MO SA LUPA AY PANANAGUTAN MO SA KABILANG BUHAY.MASYADONG BINUBUSABOS NG TV 5 ANG MGA DUKHA NATING KABABAYAN.KASALANAN IYAN MANNY P.

  3. isa pa itong si ebon, walang alam na ibangga sa mga shows kundi ang EB eh alam naman ng lahat na institution na yun, haler! Mag-isip ka naman ng iba..

  4. Pati ang mga nagpunta sa Amoranto Sports complex wala raw pamasahe pabalik, at of course hindi kasalanan ni Willie, pati ang napabalitang mayroong stampede at 17 taken to hospital and 1 is in critical condition, they were all wrong, nothing happened at all !!!!!!!!

  5. @bangis, kamag-anak ka cguro ni willie kaya ganyan na lang ang pagtatanggol mo sa kanya. cguro laman ka ng tv5 araw2…lol! Kaya walang asenso ang pinas eh, dahil sa mga parasites na tulad nyo tapos ang sinisisi nyo ay gobyerno pag naghihirap kayo. Masarap tumulong sa mga nangangailangan na alam ko na pilit na nagsusumikap pero kinakapos pa rin kesa dun sa mga naghihintay na lang ng grasya.

  6. hahahaahaha nakakatuwa talaga ang mga pinoy magaling sa mga paninira lalo na si swarding na bading o baka naman ppuro kamag-anak ni swarding ang mga nagkokomento?o kaya taga dos na solid hahahahaha

  7. tama si dyn alisin na ninyo ang mga inggit nakakamatay iyan at lalo kayong nagkakasala kapag tumutulong pala ang tao masama na dapat pala wag ng tumulong hahahahahaha…taga dos cguro kyo

  8. mga walang utang na loob yang fermin at revillame na yan sa 2 san ba sila nakilala bago lumipat dyan sa 5 kung siraan nila ang 2 ganun na lang.hoy akala nyo lahat ng tao maloloko nyo mga walang utang na loob.

  9. Dapat c Willie at Christ Fermin ang magkatuluyan sa DAMBANA bagay cla. Ano kaya ang magiging itsura ng magiging anak nila

  10. Suggestion lang kuya Willie R…bakit kaya hindi alisin ang mga prizes sa program ni Willie, para malaman natin kung may pupunta pa sa studio para manood?! Tingin ko kasi yun iba tao pupunta sa show nya para sa pera at hindi para mkita sya or mag enjoy! Tingnan mo ang Eat Bulaga, pinupuntahan ng tao kahit walang big prizes…just because they want to be happy! sana ganyan din sa program ni Willie!

  11. I’m not a fan of Willie R. not a hater either. Palagi kong nababasa na maraming gustong magpunta sa show nya para makabahagi sa premyong pinamimigay. Kung ganon ang show ang pinupuntahan ng mga tao at hindi sya. May kasabihan. don’t give a person fish, teach him how to fish, kuha mo? Tama ang sabi ni kontingdelicadezalang.

  12. I am 101% HATER ni WILLIE REVILLAME , LUCY FERMINTA & MO KULANGOT! 200% LOVE and SUPPORTER of Eat Bulaga specialy BOSING VIC “TSUP TSUP” :)

  13. Willie Revillame SUckS……………………………..mahirap din naman sya dati ha! pero dahil magaling syang mang uto(yan talaga talent nyan) at manggamit ng tao (Manny Villar) kaya yumaman….. CRISTY FERMINTA aka LUCY FERMIN—–best friends 4ever…till the blood flows in willie revillame vain….she will continue sip it! both of them SUCKS! iwwwwwwwwwwwww

  14. O nasaan na si Bangis na super fan ni Willie, iniintay ko ang comment mo Bangis. Calling for Bangis, where are you???? Hahahahahaha. !!!!!!!!! Oh my gosh!!!!

  15. What happened to the 17 people na pumila at naospital. How about the senior citizen na critical daw ? Hope they are all OK.

  16. ikaw suarding kantotin mo yung pwet mo…bakit ba kayo na iingit kay wellie hayaan mo na cya..dahil tayong lahat ay mawawala rin sa mundong ito,kahit gaano ka pa ka yaman mawala din yan lahat hiram lang ang buhay natin sadyos….ilagay mo yan sa utak mong mong bobo suarding

  17. SOLD OUT nga eh, NO Sits Available!!! Pinaasa pinasa na sinasabi nyo, Ilang tao ba kaya ng SMART ARANETA, wala pa yatang 20k. Nag sorry na nga yung tao eh. God Knows……

  18. Dyan magaling si willie, ang magturo ng katamaran sa ating mga kababayan kaya naman okay lang sa kanila na tumunganga ng maghapon at magdamag kahit bagyuhin at arawin, makapasok lang sila sa show ni willie. The nerve of Cristy Fermin to say such thing as “tumahimik na lang ang mga naninira kay willie” when in fact, she and Mo are the most BALIMBING among the talk show hosts of juicy and/or paparazzi. You do not talk about other people’s lives then tell them to shut up when they react. Whereas, you do not live in sins for a long time then claim you’re a christian.

  19. Hindi kasalanan yaan ni Willie, hindi nya akalain na saksakan ng dami ang dumating at dinumog ang Amoranto sports complex. Gusto lang magpasaya at ipagdiwang ang 1st anniversary ng Wiltime Bigtime/Willing Willie, masama bang magbigay ng million o pesos, cars, house and lot? puro kayo inggit sa isang tao na mahilig mag share ng blessings maski di siya politico. o, swarding, ano ang masamang ginawa saiyo ni Willie at ano ba ang nagawa mong pagtulong sa kapwa?

  20. iyan kasi ang hirap sa ating mga pilipino eh umaasa sa swerte… ang swerte po ay 1 porsyento lang at 99% ang pinagpapatuluan ng pawis.then isisisi sa gobyerno ang hirap nila sa buhay hindi magsikap kung paano magkakaroon at wag kung kangikangino umasa

  21. if Willie R. really loves to help our unfortunate kababayan’s/He has to stop this.hindi sya nakakatulong instead lalo lang nyang binabaon ang mga taong yan sa kahirapan.

  22. Pinapaasa niya ang mga mahihirap para pag maraming pila dadami ang viewers. at pag dumami ang viewers dadami ang SPONSOR kasi ang bayad ng mga sponsor diretso sa bulsa ni Willie, dahil ang nakukuha lang ng tv5 ay ang bayad sa mga lightning ilaw at kunting kagamitan lang sa studio dahil si Willie ang producer ng show niya. Sino ngayon ang MANLULUKO SA NALULUKO. ang talunan dyan ang mga mahihirap na pinapaasa niya. Tapos pagka nag ka stampede magtatago na naman yan saka magpapakita sa lamay tsk..tsk..

  23. Sana tigilan na ni Willie Revillame ito. “Tinatakaw” lang niya ang mga kababayan natin na naghihirap. He tries to hit on their “soft spot”. Mga kababayan na naghihirap, kumakapit sa patalim. Mas lalung nagmumukhang kaawa awa. If Willie really wants to help the poor, gumawa siya ng foundation, whether medical, jobs or educational benefits for the indigent. This way, matutulungan niya sila. Mga kababayan natin na pumila para sa ticket, parang mga hayop na nagaagawan sa nakasabit na kapirasong karne na hawak ni Willie. Mahiya sana siya. Si Manny Villar, dapat rin na huwag ng makisali sa kawalanghiyaang ito na ginagawa sa mga mahihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published.