Willie Revillame, patalikod na binira ng radio DJ – Cristy Fermin

SA MGA KONTRATANG binabalangkas ng ABS-CBN na pinapipirmahan sa kanilang mga talents ay merong nakapaloob na bawal birahin ng isang Kapamilya ang kanyang kapwa Kapamilya.

Kapag ginawa mo ‘yun, lalo na kung manunulat ka o announcer, siguradong makakatanggap ka ng memo kundi man ipatatawag ka ng mga ehekutibo para paalalahanan-kastiguhin.

Inaabangan ng marami ngayon kung anong aksiyon ang gagawin ng tagapamuno ng FM station ng ABS-CBN sa isa nilang deejay na patagilid na umupak kay Willie Revillame sa himpapawid?

Patagilid, dahil hindi direktang pinangalanan ni Martin D si Willie sa kanyang litanya, pero para naman siyang pako na nakatago nga ang katawan pero nakalitaw naman ang kanyang ulo.

Sinabi ni Martin D sa kanyang programa sa DWRR na matagal na raw silang iniimbitahan para maglaro sa Wowowee, pero hindi sila pumapayag, dahil nabastos na sila sa noontime show.

Pero dahil nabasa raw niya sa mga pahayagan nu’ng Sabado nang umaga na hindi pa pala babalik si Willie sa programa ay pumayag sila, nu’ng nakaraang Sabado ay naglaro nga ang mga FM deejays sa Wowowee.

Nagtaka ang isang staff ng Wowowee sa kaplastikan ni Martin D, dahil nu’ng huli pala silang maglaro sa programa ay dumaan pa sila ni China Heart (isa ring deejay ng station) sa dressing room ni Willie, nagpasalamat daw ang dalawa sa TV host.

Kapamilya si Willie, Kapamilya rin si Martin D, isang istasyon lang ang kanilang pinaglilingkuran. Napakahalay nga namang mapakinggan na mismong Kapamilya pa ang umuupak sa kanyang kapwa Kapamilya rin.

Hindi magiging mapakla sa panlasa ‘yun kung mula sa ibang istasyon ang maglilitanya, pero galing mismo sa isang kasamahan pa naman sa network, mali ang venue.

Mula mismo sa isang taga-DWRR, “Talaga namang maangas ‘yang si Martin D, porke datihan na siya sa station, maliit ang tingin niya sa mga baguhang kasamahan niya.

“Ginagamit niya talaga ang mga programa niya sa personal niyang interest, kapag ayaw niya sa singer, nagko-comment siya, dati na niyang ugali ‘yan!” sabi ng source mula mismo sa FM station ng Dos.

Hindi kasi kami nakikinig sa DWRR, ang tinututukan namin ay Energy FM (Huwag mong sabihing radyo, sabihin mo, energy! E-N-E-R-G-Y!), type na type namin ang atake ng kanilang deejays lalo na si Mr. Fu.

Kaso ni Katrina Halili, binasura

HINDI na namin kailangan pang makausap nang personal si Katrina Halili para lang maramdaman namin ang kanyang depresyon sa pagkakabasura ng piskalya sa kasong libelong ihinain niya laban sa ina ni Dr. Hayden Kho.

Kung matatandaan, nu’ng kasagsagan ng isyu tungkol sa mga naglabasang sex videos ng doktor kung saan isa siya sa mga babaeng napanood ay sinabi ng ina ni Dr. Hayden Kho na siya ang nagturo-naglulong sa doktor sa paggamit ng droga.

Nagpa-drug test si Katrina, negatibo ang resulta, pero paulit-ulit pa ring sinabi ni Mrs. Irene Kho na siya ang dahilan kung bakit nalulong sa ipinagbabawal na gamot ang anak nito.

Pero ayon sa piskalya ay walang masama sa sinabi ng ina ni Dr. Hayden, pagdedepensa lang daw ‘yun ng ina sa kanyang anak na winawasak noon ng masasakit na salita, wala raw sinabi ang ina ni Dr. Hayden na kalibe-libelo.

Tuloy, hindi natin masisisi ang kampo ni Katrina Halili kung isipin man nila na sa mundong ito ay mahirap talagang maging mahirap.

Ang inaabangan ngayon ng marami ay ang kasong isinampa rin ng sexy star laban kay Dr. Hayden sa Department of Justice. Ano raw naman kaya ang magiging tsansa niya du’n?

Tulad kaya ng kasong isinampa niya sa Quezon City ay mabasura rin ‘yung sa DOJ?

Parang nakikinita na namin ang palihim na pagngiti ngayon ng kontrobersiyal na doktor.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

40 thoughts on “Willie Revillame, patalikod na binira ng radio DJ – Cristy Fermin

  1. Kung mayroong isang writer na marami ding naiinis at kung dadaanin sa botohan…tiyak panalo itong si Cristie Fermin…kahit showbiz o non showbiz ang boboto patok sa number 1 si Cristie.
    Una iba palang klase itong si Cristie, kahit mali sa kanya basta kapamilya nya TAMA PA RIN SA KANYA…Iba ang turo ng magulang namin kapag ikaw ay nagkamali kailangan hindi pagtakpan kundi ituwid at pangaralan…Kami noong bata pa at pag napapaaway pag nalaman ng nanay ko na kami ang may kasalanan hindi kami kinukunsinti ng magulang namin…kung kinakailangang paluin o kaya ay pangaralan ginagawa. MAGULANG KA DIN DIBA AT KAIBIGAN…ang tunay na kaibigan sinasabi ang mali hindi pinagtatakpan. SANA LANG NAGBABASA KA RIN NG KOMENTO DITO AT HINDI LANG YONG PINAPUBLISH MONG ARTICLE ANG TINITINGNAN MO…SA PUNTONG ITO MAKIKITA MO AT MASASALAMIN ANG KATOTOHANAN. Sabagay tingnan mo ang picture mo at ni Willie…sa Psychology may interpretation yan…MAYABANG…MATAAS ANG TINGIN SA SARILI…TAMA MALI?

  2. SUGGESTION LANG PO: Why not replace Willie with Vhong Navarro Mariel with Lara RR with Iya Villana Valerie will stay just avoid shouting so much then instead of Pokwang as mainstay let Chocolate be the one do the comic portion. You can still bring back Roxanne if they like. And one more thing change the name of the show maintain the format but please rename the show. I’m an avid fan of Eat Bulaga and I know we should also have alternatives right? So pls if you like the idea help this suggestion reach ABS management by way of confirming. Thanks.

  3. SUS, di ka na kinilab utan sa mga sinasabi mo…. Ilan na bang kasamahan mo jan sa ABS ang sinira mo??? Kababayan pa naman kita…. ikinakahiya ka namin cristy ‘shrek” fermin pweeeeeeeeeeeeeee…

  4. stop stop that rude comments against cristy………… hindi na kau naawa sa tao nagungutang na lang ang tao para may pampaayos ng tatoo ng kilay nya… cristy next time yung tatoo sa kilay dapat medyo mababa ng kaunti hahahahahahahaha

  5. Ms. Cristy i challenge you if you can name at least 10 or even 5 nalang na news or movie writers na up to now who is still in all praises to attitude of Mr. Revillame. Bec. nowadays i haven’t read from a respective writer comments the way you defend him. I hope it won’t be some writers under the payroll of Mr. Revillame. And if you can include where can i read the article it would be more credible. Thank you.

  6. Sige nga Náy Cristy! Pangaralan mo ang mga yán! Ańsasama ng ugali! Punò ng kanegahan ang mga puso! :cry: :cry: :cry:

    • hi jobert..u know what i like you ur super frank.kung ano ang nasa loob mo sinasabi mo.. may tanong po ako sa inyo baka kasi masago nyo..bakit hindi kasama sina judy ann at ryan sa star magic ball?hindi ba sila invited?

  7. showbiz is showbusiness! nasa inyo na kung maniniwala kayo sa mga cnusulat ko. bakit nga ba kayo apektado? kamag-anak nyo ba cla. huwag nyo kasing basahin ang mga cnusulat ko para di kayo maapektuhan. hindi kayo kawalan. i’m sure mas marami pa rin ang nag-eenjoy sa mga cnusulat ko.

    • hi cristy…pwede po ba mapaabot tong message ko sa taga ABS…kasi bakit mga taga Star magic lang ang may Ball? eh diba dapat lahat ng talent nang Abs ang dapat mag enjoy or mag reunion? kasi lahat naman sila nasa bakuran nang abs eh..dapat lahat nang talent na ng abs para mas masaya…thnks

    • Ms. Cristy i challenge you if you can name at least 10 or even 5 nalang na news or movie writers na up to now who is still in all praises to attitude of Mr. Revillame. Bec. nowadays i haven’t read from a respective writer comments the way you defend him. I hope it won’t be some writers under the payroll of Mr. Revillame. And if you can include where can i read the article it would be more credible. Thank you.

  8. Pansin ko lang. Wala yatang kakampi si Cristy dito ah kung hindi si Cristy Peramin pa rin..he he he..buti nga

  9. hoy cristeta! magtayo nga kayo ni willie ng sariling publication puro ka willie willie!

    bakit ka pa ba nagsusulat wala ka namang kredibilidad!

    bayaran ka lang! ang dami mong artistang sinisiraan sa Bling items mo dahil lang hindi ka inaabutan ng datung!

  10. i remembered when i was still in high school. ive watched you on channel 7 w/ nap g.,showbiz magazine b un…
    npk promising mo dti at my paninindign,,honest at fair k s lhat ng bagay….pero ngaun wl n lhat ..even credibility wl n aq mkita sa u..cristy before its too late…BRING BACK THE GOOD DAYS…. UNG MY PRINSIPYO …..WAG SANTUHIN ANG PERA AT WG BALUKTUTIN ANG TUWID.

  11. lumang tugtugin na yan. basta ako malinis konsensya ko. kayo malinis ba? puro kayo ngawngaw di nyo naman alam ang puno’t dulo.

  12. UMIRAL NA NAMAN ANG PAGIGING PLASTIKADA MO CRISTY FERMIN.

    PALIBHASA, PERA NI WILLIE REVILLAME ANG BUMUBUHAY SA YO NGAYON, IPAGTATANGGOL MO ANG KABASTUSAN NUNG HINAYUPAK NA YON HANGGANG SA KAHULI-HULIHANG PATAK NG PERA SA ATM.

    ‘WAG KANG MAGMALINIS DAHIL NUNG NASA DOS KA PA, SINIRAAN MO RIN SI KRIS AQUINO NA MAITUTURING NA SIYANG REYNA NG ABS-CBN.

    MABUTI PA WAG KA NANG MAGSULAT NANG MABAWASAN NAMAN ANG IPOKRITO, BAYARAN, AT HIGIT SA LAHAT, WALANG DELICADEZANG PAYOLA-DRIVEN REPORTERS SA SHOWBIZ!

    KUNG MASAMA ANG UGALI NI MARTIN D… TRIPLE KUNDI MAN QUINTIPLE NUN ANG KASAMAAN NG UGALI MO!

    SHUT UP!

  13. hindi ako mukhang pera. lalong hindi ako swelduhan ni willie. nangungutang lang ako kay willie pag nagigipit ako.
    MARUNONG PA KAYO SA AKIN…..
    BAKIT CNO BA KAYO? HAWAK NYO BA ANG BUHAY KO? KUNG AYAW NYO SA AKIN E DI WAG NYONG BASAHIN O PAKINGGAN ANG MGA TSISMIS KO.

    • Hohummmm, BAGO?…kakaawa ,pumatol sa manga poster…hehehe.Birds of the same feathers ,flock together kayo ni Devillame.Parehong BASTOS AT HAMBOG…pweeeeeet….hohoho.

    • Wet a minute….hehehe, “NANGUNGUTANG LANG AKO KAY WILLIE PAG NAGIGIPIT AKO” …come to think of it, Articles pala ang PAMBAYAD MO SA UTANG MO ANO? SUMAGOT KA….hahaha.Day ganon din yun. Kapallit ng inutang mo ang maging PRALALA ni DEVILLAME mo…bwahahahha..

    • Ano yun? UTANG NA WALANG BAYARAN? Naku…baka mademanda ka na naman ng estafa!!!

      Baka naman articles pabor ke Willie ang bayad mo sa utang mo. Kaya halos wala ka ng tulog kakaisip kung ano pang aleluya ang isusulat mo para sa kakambal mo sa kasinungalingan at kayabangan na si Willie.

      Ganyan ka naman, kung sino at saan ka makakahagip ng pangkain mo , yun ang mga mabubuting tao sa iyo. Like Jude Estrada..laki din ng pakinabang mo sa kanya huh. Ngayon, si Willie Revillame naman ang pinupunasan mo ng sapatos bago pumasok sa loob ng bahay niya.

      Bakit nga ba wala ka sa ABS CBN Magic Ball? Di ka na invited?

  14. hay naku cristy … sarili mo ba ang tinutukoy mo sa article na ito? kaya pala hindi balance ang news ng statyon mo kasi may kontrata pala na pag kapamilya ang nasa headline ay kailangang protektahan? naku naku naku….. hindi pwede yan sa news and public affairs ha….. well anyways from the start naman talaga ay walang credibilidad ang dos sa mga balita nila….

  15. Makakarma ka rin, minsan ka ng nakarma di ka pa nadala.May painting ka pa ba binenta mo na ata lahat pati kaluluwa mo binenta mo na kay Puppy.Bow,wow,wow.

  16. Magsalamin ka muna Fermin ginagamit mo sa personal na interest mo ang pagsusulat . Ang magnanakaw ayaw sa kapwa magnanakaw ganyan ka Fermin.

  17. bakit ba puro si Willie na lang lahat ng nasa column mo?..For only one obvious reason?..money,,money, money?..right??mukha ka talagang pera..

  18. Hudas talaga itong Cristy Fermin na ito…Blow job mo na lang si Devillame mo dahil wala ka nmang kredibildad,. parehas kayo ng amo mo na devil..pangit ka!!

  19. mga dude,pagbigyan na natin si mareng cristy.dahil mahal ang binabayad dyan ni bastos na willie…kaya nga panay todo sa pagdedepensa yan si cristy…kita mo pareho sila ng ugali di ba???

  20. hala! panay ang bira ninyo kay cristy, cge kayo baka alisin na rin niya ang privilege natin na makapag-post dito, lol!

  21. Ate Cristy sana naman ay dumistansiya ka na sa Willie na yan para naman bumango pa rin ang pangalan mo sa nakakarami. Honestly, we are very tired of hearing Willie news lalo na dito sa column mo. Like what I said from my previous post….pagbigyan mo naman ang iba….magbalita ka naman ng naiiba….Alam kong marami kang idea sa kung sino ang dapat na bigyan mo pa ng publicity……..Stay away from nega ………..

  22. The funny thing is,Cristy do the same thing with Nadia Asistio! You used your radio program to attack people!Same feathers flocks together!

  23. hoy cristy, di ka ba nakokonsyensya na ung pinapakain mo sa pamilya mo eh galing sa pag tatanggol mo sa isang tulad ni willie na bastos, mayabang at manyakis. baka makarma ka na naman sa ginagawa mo.

  24. kahiya ka kristy, ung pinapakain mo sa pamilya mo galing sa pag tatangol sa mga katulad ni willie na bastos, mayabang at manyakis.

  25. kadiri at nakakasuka ang pagmumukha mo cristy peramin,maganda pa tignan kung larawan na lang ng pusa ilagay dyan cute pa,sa lahat ng sinulat mo na article d2 ni isa wala pang tumama,ur nothing but a garbage like ur idol idiot n bastos W.R.loserrrrrrrrrr.

Leave a Reply

Your email address will not be published.