Willie Revillame, pahinga muna ang show na Wowowin

Wowowin Facebook Post

Wowowin Facebook Post

Lumabas sa official Facebook page ng “Wowowin” ngayong araw, April 30, ang official statement ng GMA Network kaugnay ng short break ng nasabing game show ngayong Mayo.

Sabi sa pahayag: “GMA Network’s well-loved daily game show Wowowin with host Willie Revillame will take a short break this May.
″Willie welcomes the brief vacation and is excited and busy preparing for the program’s first anniversary celebration upon its return. Coinciding with Wowowin‘s break, the studio facilities will be temporarily utilized for election coverage.
“Fans and supporters can look forward to bigger prizes, more fun games and excitement from Wowowin.’

Nakatakdang i-celebrate ng nasabing show ang unang anibersayo nito sa darating na Mayo 10, pero mukhang mangyayari ang selebrasyon sa inaasahang pagbabalik nito sa Mayo 16.

Sa report sa “24-Oras”, sinabi ng host na si Willie Revillame na humingi siya ng dalawang linggong bakasyon sa network para makapagpahinga. Kailangan din naman umano niyang pagtuuan ang kanyang kalusugan.

Pero sinabi rin ni Willie na hindi rin siya lubusang makapagpapahinga, dahil gagamitin din umno niya ang nasabing bakasyon sa pag-iisip ng mga bagong games, bagong papremyo, at bagong set na mas pinalaki kaysa sa kasalukuyan nilang ginagamit na studio.

By Parazzi Boy

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.