Willie Revillame, paasa sa mga Japayuki?!

OLA CHIKKA!! TULAD nga ng sabi ko ay don’t make your Monday a manic Monday, kaya ano man ang sabihing paninira sa akin ay deadma na lang, ‘di ba?

Bhuket? Kasi kung inyong natatandaan, aking mga kaparazzi, noong nakarang linggo ay laman ng blind item ko itong si Kim Chiu tungkol sa pagpaparetoke niya ng boobs. Matagal nang isyu ito ngunit hindi lamang siya umaamin at kitang-kita naman, ‘di ba? Ano naman ang ikinagagalit ng mga fans niya sa sinabi ko, eh mas pangit naman kung sasabihin kong lumaki ang kanyang boobs hindi dahil sa retoke kundi dahil sa… Ha-ha! Oh, ‘di ba mas pangit naman kung ganu’n?

Ipinaaalala ko lang na hindi ako nagsusulat para manira ng mga iniidolo n’yong artista. Kung tutuusin, dapat matuwa pa nga kayo dahil ginagawa ko ito para punahin ang hindi magagandang bagay sa kanila upang maitama nila.

Samantalang marami sa mga fans, hindi lamang kay Kim kundi sa lahat ng artista, na kung magsalita sila ay masyado nang personal. Para sa kaalaman n’yong lahat, kuntento na ako kung anong meron ako. Kabayotic beauty man, at least natural at mahal ko ang sarili ko.

Kaya sa mga Kim Chiu fanatics, pakisabi na lamang sa inyong idolo na huwag na huwag na niyang ipabago ang kanyang mukha hangga’t maaari, dahil hindi na niya kailangan. Natural nang maganda ang kanyang mukha, at kapag nangyari iyon, ay tuluyan na siyang mapapasama sa ‘retokada queens’ ko. Ha-ha! Peace!

AT ANO NAMAN itong balitang naririnig ko na mula pa sa bakod ng ABS-CBN na wala talagang isang salita itong si Willie Revillame dahil sa pagbabalewala raw nito umano sa mga japayuking napangakuan niya noong nasa Japan siya.

Ang chikka kasi, noong kasagsagan pa ng kampanya ni Sen. Manny Villar, pumunta sila sa Japan upang mangampanya sa mga Pinoy at doon nga niya binitawan daw umano na lahat ng TNT doon ay umuwi na at tutulungan niya ito pagdating dito sa

‘Pinas at bibigyan ng mga trabaho. Ngunit ng umuwi na rito ang mga TNT ng Japan ay parang wala lang naman daw kay Willie at hindi talaga tinulungan. Ano ‘yun pasikat lang?!

Marahil nakaapekto ang pagkawala niya ngayon sa Wowowee kaya hindi niya matulungan ang mga ito. Ngunit sa kabila ng paghihintay at pag-asang meron makukuha ang mga napangakuan niyang naghihintay sa kanya, nagpapakasaya lamang siya.

Ayon sa aking parazzi girl, itong si Willie raw ay laging namamasyal sakay ng kanyang yate kasama ang maraming chikas at gabi-gabi pa raw nagpapakain sa mansion niya sa Tagaytay.

At ito pa… bumili pa raw siya umano ng P20-M worth na Lamborghini. Kunsabagay, ano namang care natin sa pera niya, ‘di ba? Ngunit paano na ang mga taong pinaasa niya. Kawawa naman… Totoo ba ito Mr. Wowowee?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong dating sexy actress na kung saan-saang bar na lamang nakikita at kung sinu-sino pang lalaki ang nakakasama?

Dahil ba nawala na ang kanyang career ay ayan na lamang ang kanyang pinagkakaabalahan. Kunsabagay, sa laki na niyang ‘yan at nawala ang kanyang sizzling hot body, wala na talagang maakit sa kanya. Tsk, tsk, tsk!

Nahulaan n’yo na ba? Kung hindi pa ay alalahanin n’yo ang nakaaway ko noon dahil ako ang unang nagsiwalat na isa siyang dalagang ina! Ha-ha! ‘Yun na!

AT NAIS KO kayong anyayahan na maki-chikka sa amin online. Hanapin lamang ang PINOY PARAZZI LIVE sa http://www.flippish.com.

At huwag n’yo pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleGretchen Barretto, ayaw pag-usapan ang tungkol kay Claudine?!
Next articleMadaling-araw na, nasa kalye pa: Angel Locsin, nag-taxi pauwi!?

No posts to display