Willie Revillame, ni-reject ni Isabel Oli!

HINDI NATULOY ANG paglipat ni Isabel Oli sa TV5. Maugong ang balitang lilipat na ang aktres sa Singko. Katunayan, isa siya sa binigyan ng offer ni Willie Revillame para maging co-host niya sa kanyang primetime game show na Willing Willie.

“May offer lang talaga pero hindi kami nag-yes,” sambit ni Isabel sa presscon ng Rosario noong Lunes.

Pumirma ng three-year contract si Isabel sa GMA-7 kaya mananatili siyang Kapuso.

“Ngayon, siyempre, dito ako nagsimula sa Siyete, happy naman ako sa Siyete so nag-sign up ako,” say ng dalaga.

Sinagot rin ni Isabel ang tsismis sa kanila ni James Yap. Napabalitang nililigawan siya ng ex-husband ni Kris Aquino pero ayon sa aktres ay wala naman itong katotohanan.

“Wala ‘yon. Malabo ‘yon. Oo, were friends. Hindi talaga siya nanligaw. Kung nanligaw siya, dapat dati-dati pa, ‘di ba? Wala, wala. Matagal na kaming magkaibigan,” esplika ni Isabel.

Hiningan din siya ng reaction sa sinabi ni Kris na maganda siya nang magkita sila sa isang okasyon.
“Siyempre flattered ako, Kris Aquino ‘yung nagsabi. She’s pretty rin naman talaga.”
Sa ngayon ay wala pang boyfriend si Isabel.

“I’m dating. He’s working in a company, Unilever. He’s younger than me,” tsika ng hitad.

HINDI NAPILIT SI Ai-Ai delas Alas na sabihin kung sino ang ka-date niyang foreigner nang maispatan sila sa Eastwood kamakailan. Kahit na anong pilit ng press na dumalo sa kanyang pa-Christmas party para sa mga manunulat, todo siya sa katatanggi.

“Balato n’yo na sa akin ‘yon. Pa-Christmas n’yo na lang sa akin,” pakiusap ng komedyante.

Basta ang tanging hiling ni Ai-Ai ay ang kumita ang last installment niya ng Tanging Ina series niya, Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival.

MAY PAGKAISNABERO PALA itong si Coco Martin. Pinagkaguluhan kasi si Coco sa Walk of Fame ceremony kamakailan sa Eastwood. Ang daming fans ang pumalibot sa kanya para makamayan siya at magpa-autograph.

May mga humiling siyempre na magpa-picture na kasama siya.
Ang kaso, sumenyas ang actor na sandali lang kasi tatawagin na raw siya. Siyempre umasa ang mga tagahanga ng aktor na babalik siya.

Napanis na sa kahihintay ang fans ni Coco pero hindi sila binalikan ng aktor.

Imbiyerna tuloy ang mga ito. Hindi nila akalain na hindi sila pagbibigyan sa munti nilang kahilingan.

Ang alam namin ay mahiyain si Coco. Hindi kaya nahihiya lang siya noong mga oras na iyon?


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.