Willie Revillame, nasulot na ang ex ni P-Noy

BILIB DIN NAMAN kami sa convincing powers ni Willie Revillame.
Imagine, napapayag na niyang mag-showbiz si Shalani Soledad, ang ex-girlfriend ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ipakikilala na today si Shalani bilang isa sa female co-hosts ni Willie para sa kanyang game show na Willing Willie. Si Shalani ang tinutukoy na kilalang personalidad na naugnay sa pulitiko na makakasama ni Willie sa kanyang programa
sa TV5.

Ngayong tuluyan nang pumasok si Shalani sa mundo ng showbiz, asahang magiging kontrobersiyal siya lalo pa’t ang dami pang katanungan ang hindi niya nasasagot tulad ng kung bakit sila naghiwalay ni P-Noy at kung totoong naghiwalay na nga sila. Until now kasi, wala pang explanation si Shalani at maging si P-Noy sa tsikang split na sila.
MUKHANG HINDI NGA naging maganda ang paghihiwalay nina KC Concepcion at ang dati nitong manager na si Shirley Kuan.

May kumakalat kasing tsika na verbally-abused daw itong si KC. There were instances daw na sinisigawan ni SK si KC. Bilang manager ay palaging si SK daw ang nasusunod sa mga negotiations at kapag may mga demands sa kontrata ay palagi raw sinasabi ni SK na iyon ang kagustuhan ni KC.

Isa pang issue na kumakalat ay nag-e-agent daw itong si SK sa isang showbiz couple para sa commercials.

Ang nakakaloka para sa amin ay ang tsismis na bago raw lumabas ang mga negang tsika tungkol sa mega daughter ay may kausap si SK na ilang showbiz writers.

Totoo nga kaya ang mga tsikang ito, ha, SK? Pakisagot nga!

Sa kanyang official statement ay sinabi ni SK na naging maayos naman ang naging transition para maging ganap nang Star Magic talent si KC.
SINAGOT NI JOVIT Baldivino ang tsikang madalas siyang uminom ng alak.
“Nasa kanila na po ‘yon. Ako naman po, matagal na naman po ‘yon. Nakaraan na naman po ‘yon. Ang masasabi ko lang harapin na lang po natin ‘yung hinaharap ngayon. ‘Wag na po nating ibalik ‘yung nakaraan kasi hindi na po maibabalik
‘yon,” esplika ni Jovit sa presscon ng kanyang November 13 concert na “Faithfully” sa Aliw Theater.

“Kasi naman po dati, uminom naman po ako noong twelve years old. Ngayon po talaga matagal na pong hindi na ako umiinom,” dagdag na paliwanag ng singer na nagsabing hindi naman naapektuhan ang kanyang boses.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMichelle, nag-bell?!
Next articleMaja Salvador, dyowa ng tomboy na direktor?!

No posts to display