Willie Revillame, nakaiskor sa Dos

SIPAT: WALANG NAGAWA ang KAPAMILYA, UMERE sa KAPATID ang NEW SHOW ni WILLIE REVILLAME.
EKLAT: 1-0!

SIPAT: Pinagpo-POST naman ng P426-M BOND ng KORTE si PAPI bago mag-October 27!
EKLAT: Awww… ang SAKIT sa BULSA!

SIPAT: NAPANOOD n’yo ‘yung PAHAYAG ni Ma’am CHARO SANTOS-CONCIO sa TV PATROL?
EKLAT: MMK: The TV PATROL EDITION!

SIPAT: IBINUKING ni VICKI BELO na NAGKAKAUSAP pa sina JOHN LLOYD CRUZ at RUFFA GUTIERREZ.
EKLAT: HINDI lang PAMPAGANDA, pang-JUICY! pa si DOKTORA!

SIPAT: ITINANGGI ni MARK HERRAS na KASOSYO siya sa isang RESTO-BAR na HINAHABOL NGAYON ng BIR.
EKLAT: DENAY lang nang DENAY, hijo!

SIPAT: NAMATAY na AGAD ‘yung WEBCAM SCANDAL ni MARK, ‘no?
EKLAT: NAPATUNAYAN naman kasi… na IDEDENAY ‘yun ni Mark!

SIPAT: IKAKASAL na ang DALAWANG BEBOT na sina SELINA SEVILLA at LALEN CALAYAN.
EKLAT: O, ‘yung mga MAGDYOWANG KELOT naman d’yan, LABAS na KAYO…!

SIPAT: MASYADONG sino-SHOWBIZ nitong DALAWA ang PYOM… este, KASALAN nila.
EKLAT: Hmm… SIKAT ba sila?

SIPAT: WISH ni CLAUDINE BARRETTO na MATAPOS na ang ‘MARTIN CASTRO ISSUE’ sa BUHAY niya.
EKLAT: MAGBATI muna kayo ni ANGELICA PANGANIBAN…

SIPAT: May PERFUME BUSINESS na si HAYDEN KHO!
EKLAT: MAAAKIT ang mga taga-SHOWBIZ at BRAZILIAN MODELS pag-SPRAY mo!

SIPAT: ‘BUTI naman NAKAALPAS na si HAYDEN sa MADILIM niyang NAKARAAN.
EKLAT: …at MADILIM na KUHA ng kanyang SEX VIDEOS!

SIPAT: Direk WENN DERAMAS to JOBERT SUCALDITO: ‘WALANG PINAGKAIBA sa HOLLOW BLOCKS na BINABASAG ko ang MUKHA niya!’
EKLAT: HINDI lang PAMPELIKULA, pang-ULTIMATE FIGHTING CHALLENGE pa si Direk!

SIPAT: Just a thought: Define ‘KAPAYAPAAN’.
EKLAT: It’s that TIME when KAPAMILYA, KAPATID, and KAPUSO become ONE.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

13 thoughts on “Willie Revillame, nakaiskor sa Dos

  1. hindi pa tapos ang laban between ABS and willy. si willy na ginagamit ang taong mahihirap at ang matatanda para makuha ang simpatiya ng public at dapat malaman ni willy na ang panggagamit ng kapwa sa personal na motibo ay hindi naaayon sa kagustuhan ng DIYOS. ang lahat ay may KABAYARAN at ‘yan ay darating sa kanya in due time!

    si ruffa na walang career. si ruffa na instead na iwasan or tumahimik tungkol sa mga tawag ni JL ay nagte-take advantage para pag-usapan para magkaroon ng endorsement kasi walang ibang issue sa kanya kundi tungkol sa LALAKI. walang teleserye, walang movie maliban sa talk show na walang decency. wala rin siyang ipinagka-iba kay VB!

    wish ni claudine tumahimik na ang issue. sino ba ang nag-start? kung ano ang super talak niya sa umpisa ngayon siya ang nagwi-wish na matahimik na? bakit nabahag ang buntot niya? bakit hindi niya patulan ang demandang inuumang sa kanya ng STAR MAGIC? dahil walang katotohanan ang maruruming bintang niya kay Angelica? nasaan ang tapang niya ngayon? tapos ipapasa niya sa asawa niyang sunud-sunuran ang pagsagot sa issue! ‘yan ang premyo sa pang-aapak niya sa kapwa. so pathetic! sayang ang paghanga ko sa kanya noon! hindi dapat pinanonood ang teleserye or pelikula niyan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.