Willie Revillame, naka-private plane sa US – Cristy Fermin

NAKAHARAP KAMI SA telebisyon, nakikita namin ang mga nagaganap sa Tayong Dalawa, pero hindi naman namin nananamnam ang mga eksena.

Ang dahilan, kausap namin sa telepono si Willie Revillame mula sa Seattle, Washington, ibinalita sa amin ng aktor-TV host na naging matagumpay ang show nila sa Tacoma Dome pero hindi pa siya makauwi agad.

Mula sa Seattle ay lilipad muna sila ni Tita Millie (Garfinkel, misis ng Immigration lawyer na si Attorney Michael) sa Los Angeles para sa kanyang interview sa sikat na manager-promoter-musikerong si David Foster.

Gaganapin ang kanyang panayam sa Kodak Center, nagkausap na sila ni David sa telepono at sinabi sa kanya nito na masayang-masaya ang sikat na manager-musikero sa nalalapit nilang interbyuhan, sa isang hotel lang sa LA sila pansamantalang titira kasama ang sikat na Italian tenor na si Andre Bocelli.

Nalaman din namin na puro private jet ang sinakyan ni Willie mula sa San Francisco papuntang Lake Tahoe, mula sa Lake Tahoe ay bumalik muna uli siya sa SanFo at lumipad uli papuntang Seattle, Washington na sakay ng private jet, ‘yun din ang sasakyan nila ng kanyang mga kaibigan papuntang Los Angeles para sa kanilang paghaharap ni David Foster.

Pinaghahandaan na ni Willie Revillame ang kanyang pagbabalik sa Wowowee sa Lunes, September 21, pagkatapos niyang mamahinga nang mahigit na isang buwan.

Sa show nila sa Tacoma Dome ay dumayo ang mga kababayan nating may edad na, naka-wheelchair ang mga ito kasama ang kanilang mga anak at apo, nagdatingan din du’n para manood ang mga special children na naging dahilan kung bakit napaluha ang aktor-TV host habang kinakanta niya ang “Unang Pasko.”

“’Yung mga bata na palagi siyang pinanonood sa TFC, talagang nagyayakapan sa kanya, ‘yung mga kababayan nating matatanda na, mahal na mahal nila si kuya.

“Sa ganu’n siya nagiging emotional, hindi niya na naman napigilan ang mapaiyak,” kuwento naman sa amin ng AP ng Wowowee na si Rackie Sevilla.

More showbiz news today by Cristy Fermin: Coco Martin, sobrang galing

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

25 thoughts on “Willie Revillame, naka-private plane sa US – Cristy Fermin

  1. Oy crist, mukhang matabang ang pagkakasabi mo ng tagumpay ng concert ni willie sa Tacoma, bakit kulang ba yung pumasok na libre/hakot fans ng wowowillie. TFC subscriber remember this show is not TFC concert but private producer na kumukuha kay willie, kaso nadadala sila kay willie dahil lugi sila sa mga concert ni willie dahil si willie lang ang kumikita at ang producer ay umuuwi ng luhaan, even may ADS sila talo pa rin sa sales ng ticket. Sigurado maraming hakot si willie sa ist day nya ulit sa WOWOWEE at ipamimigay ang pera ng ABS para magsigawan ang mga tao na kailangan ang bawat abot nya. At kung hindi nya susuhulan ang ang eto, e di walang manonood sa kanya. Kailangan talagang ibribe ang mga eto. Napanood daw ni willie na maganda ang show ng wowowee, so alam nya na miski wala siya mas maganda pa ang wowowee. WILIIE HINDI KA TALAGA KAILANGAN SA WOWOWEE, ALIS DYAN.

  2. Tingnan nyo picture ni puppy, suot na t shirt. Kahit ba naman sa ibang bansa pinopromote pa rin niya banyagang produkto? Please…maging TUNAY naman siyang pro masang Pinoy. Si Cristy Fermin may monthly allowance kay puppy, no wonder, kaya kahit PALPAK at kabastosan mga ginagawa alaga niya puro pro pa rin sinsulat nya. Babalik yan sa kanya. Makakarma ba. (in fact naKarma na nga dahil sinipa siya sa ABS CBN..)

    • ang kitid ng utak mo lahat ng tao kung kayang bilhin ano man produkto ng ibang bansa hindi ibig sabihin non pinopromote na niya ang banyagang produkto.. hindi lang si willie ang may meron signature product lahat ng artista sa ating mga signature product ang gamit nila kahit mayayaman o middle class meron din clang signature product basta ba kaya ng bulsa nila …. gets mo

  3. What did we expect, Magkababuyan…, este magkababayan sila sa Nueve Ejia. Kahit ano… basta may Pera, okey lang. VERY OBVIOUS naman na kahit HINDI totoo inerereport nya. Matalino na ang masa ngayon, hindi na katulad ng dati. See Petition on line kay puppie at utube ni Even Demata..

  4. Cristy, diba tinitira mo si Willie before.
    Iba na talaga ang nagagawa nang datung and padulas

    ..
    What do you expect from someone as tactless as
    Cristy, who would even stoop as low as idamay ang anak ni Nadia, sa kanilang hidwaan

  5. MULA SEP 21, WAG NA TAYONG MANOOD NG WOWOWEE.
    PABAGSAKIN ANG SHOW NG MAYABANG NA WILLING YAN. SOBRANG MAG EMOTE PLASTIC.

  6. INA KA TALAGA CRISTY KA SUKLAM SUKLAM ANG PAGSISIPSIP MO KAY WILLIE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!MAKITA LANG KITA MAGUGULAT KA NA LANG

  7. BABALIK NA SI PARENG WIL KUNO NEXT WEEK,MAG UUMPISA NA NAMAN ANG MGA PANGLALAIT NI WILLIE SA STAFF NYA IN FRONT OF THE CAMERA WHICH HE KNOWS NAPAPANOOD SA BUONG MUNDO!!!THE KING OF NONSENSE IS BACK!!!

  8. DAVID FOSTER?yan lang ang kaya ng budget nila and David is not that even popular now!!!Do not tell me guys kakanta sya ng IKAW NA NGA song ni Willie,have pity on him!

  9. if Willie can afford to pay a private plane/jet ride why not? it’s his money and not mine hehehe who cares! I’m more interested to know kung bakit sila magkikita ni David Foster para sa interview o may gagawing album?

  10. aba e gago ga pala cristy, chartered jet yan bakit kaya na ng amo mong bumili ng jet dito sa tate? at para ano ang interview kay david foster? para gawing artist si willie devillame? hindi ganon kababa at kabobo si david foster para gawing international artist yong amo mong di marunong kumanta. magkano na naman naibayad sa yo ni devillame?

    • bobo ka rin ano hindi private jet ang kay John Travolta kundi airplane na boeing 747 dahil pilot si John Travolta kaya meron siyang sariling airplane …

  11. Hahhah hah hah hah hah hah hah. Kalokah tita Cristy, babalik na si Willie sa september 21, sasaya na naman ang tanghalian ng mga pilipino sa buong mundo.

  12. I saw Willie’s interview by Gel Santos in Balitang America, he’s rude & disgusting! He sounds as if he owns ABS-CBN/ TFC, he acts as if PEOPLE IN THE WHOLE WORLD knows his BIG time problems, while in fact he was in that show to promote whatever show he’s in. Grow up, you little socialite! And Ms. Cristy, do you even know what in the world you are talking about? Private Jet? You really deserve all the “gifts” from Willie, you know just how to give him a lift.
    Pathetic beezz..

  13. Maari ring private jet, pero kangino? ito na ba ang nabili nila nang tatlo niyang partners? Si Charice, nang kasa kasama si David Foster, naka private jet sila. Siguro kay David Foster ito.

  14. DI PRIVATE JET ANG TAWAG DUN KUNDI CHARTERED JET MEANING NIRENTAHAN LANG PARA SIGURO MAKAIWAS SA LONG LINE NG DOMESTIC FLIGHT! IS THIS A BIG ISSUE KUNG NAKA JET SI WILLIE?NON SENSE!TRASH ISSUE!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.