Willie Revillame, nagpapaalam na sa kanyang audience?!

KELAN LANG ay parang nagpapaalam na sa audience ng Wil Time Bigtime si Willie Revillame. Meron daw siyang ia-announce sa Jan. 5, 2013. O baka ito na raw ang kanyang hu-ling araw sa nasabing game show.

Ano ba? Napapagod na ba si Willie na bigyan ng kasiyahan ang mga audience at tuparin ang pangarap ng ilan? O tuluyan na siyang magpapahinga dahil alam naman ng lahat ‘yung kundisyon niya sa puso at ‘yung madalas niyang pamamalat?

O, merong ibang offer siyang tinanggap mula sa ibang istasyon?

But according to our very reliable source who is close to Willie, hindi totoong magpapaalam na si Willie, dahil meron pa itong another year sa kontratang pinirmahan sa TV5, kaya imposibleng tatapusin na ang show.

“Basta ‘yung pagsasara, malabo ‘yon. ‘Yung announcement sa January 5, meron talaga. ‘Yung announcement ang abangan ninyo. Ayokong pangunahan, dahil baka magbago pa, mapa-pahiya lang tayo,” assurance pa ng aming kausap.

 

LAGI KAMING tinatamaan sa Pinoy Master Chef. Lagi na lang kaming pinaluluha ng bawat episode nila everyday. ‘Yun bang kahit hindi naman kami marunong magluto, eh du’n naman kami sa pangarap ng bawat contestant naka-tuon.

Sobrang mula lang sa pagluluto ang umpisa ng kanilang pa-ngarap. Ang pagluluto ang gagawin ni-lang stepping stone tungo sa gusto ni-lang tahaking tagumpay.

Tapos, ang maganda pa nito, after Pinoy Master Chef, ang feel-good nang Be Careful With My Heart na walang masyadong tensiyon, kaya good vibes lang sa morning ang mapapanood n’yo.

Sorry, ha? Maganda rin daw ang Kris TV, pero pasensya na, ha? Kasi, borlog pa (tulog pa) ang lola n’yo ng 8am. Talagang very 9am na ang gising ko, eh.

Kaya obviously, pati U-magang Kay Ganda, hindi na namin napapanood. Alam na.

 

DITO TALAGA sa Pilipinas, kung hindi mo tutulungan ang gob-yerno para mapabilis ang ibang proyekto, kung hindi babagal, madededma.

Natuwa kami nu’ng nanonood ng Ako Ang Simula, dahil me ilang good samaritan na nagtayo ng http://www.tenmoves.org/ para makalikom ng sampung piso para makapagpatayo ng 10,000 classroom nationwide.

Imbes na budget ng DepEd ang nagagamit dito ay ang pagiging isang mabuting mamamayan ang kinikilala rito para maisakatuparan ang target na bilang ng silid-aralan.

Kaya kung type n’yong mag-donate, pakibisita lang po ang link na ibinigay namin at baka puwede na rin kayong mang-hingi ng lata para lalagyan ng inyong sobra-sobrang 10 pesos.

Hindi naman po natutulog ang Diyos. Bahala na po Siyang gumanti sa kabutihan ng inyong kalooban.

 

AND SPEAKING of links, meron din po kaming fanpage, paki-like na lang po ang The Ogie Diaz at ang Vibes Tayo. Meron din po ka-

ming podcast na maaari n’yo kaming mapanood nang live na live, just log on to www.ustream.tv/channel/vibes-tayo.  Thanks so much po!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Willie Revillame, nagpapaalam na sa kanyang audience?!

  1. WELL.WELL.WELL. HINDI TATAPATAN NI WILLIE ANG EAT BULAGA DAHIL ALAM NIYANG TALO SIYA DUN AT BATI NA SILA NI JOEY. I GUESS IT’S EITHER SA UMAGA BEFORE NOONTIME OR SA HAPON NA IPAPALABAS ANG BAGONG SHOW NI WILLIE. INFAIRNESS MGA PEEPS MARAMI SIYA FOLLOWER NA MATATANDA. KUHANG KUHA NIYA ANG MASA.

  2. bakit kaya may mga taong,tumutulong na masama ka pa,kung ako naman si willy aayaw na tlaga ako total ugaling masama ang m,gha pinoy pero talagang gus2 niyang tumulong sana ganon din iyong mga gaya ng iba dyan puro dada wla namang nagagawa dapat amuyin ninyo na lang ang utot niyyo hahahah

  3. papansin lng to kasi makulimlim ang reception ng show nya, parang sharon lng, un namang pumupunta sa show nya sa studio eh nanghihingi lng naman ng pera un talaga,tapos d na gaano advertisers nya kaya nganga na lng

  4. may affected talagang yagit oh hahahahahaha! kasalan ko ba kung mas magaling ako sayo sa pagcocomment ha tanga? hahahahaha tahol ka na naman teh, baklitang yagit na toh, porke mas magaling ako sayo eh hahahaha DALI MAGREACT KA NA NAMANG inggeterang baklita! hahahahaha! masyado kang affected baklush, dito lang ata ang buhay mong baklitang yagit, explore teh baka magkasense pa buhay mong inutil ka hahahaha! TAHOL TAHOL ateng! LOSER

  5. hay naku po wellieng HAMBOG mamahinga kana ng tuloyan..ayan bumalik na sayo mga pinaggagawa mo..kahit marami kang pera mauubos din yan sa pagpapagamot mo..mayabang ka kasi litche ka

  6. diba nga ang tsismis, ililipat sa pangtanghaling slot ang will time big time katapat ang eat bulaga at it’s showtime pero mariin daw tinutulan ni willie, bakit nga ba?
    is it…

    .

    A. kung dati number 1 sya sa primetime slot baka mag number 2 na lang ang show nya o makipag agawan sila ng it’s showtime sa number 2 at 3 slot sa rating?

    .

    B. baka walang pumunta sa pangtanghaling show ni willie dahil yung iba sa eat bulaga pupunta at yung iba sa it’s showtime, paano na sya? wala nang live audience?

    . and last but not the least..

    .

    C. na-trauma na sa afternoon slot dahil sa wowowee

    .

    hahahaha anyway, keber na kay willie, andaming kaartehan.

    • In fairness sa It’s Showtime, eksaherada ang commercial load niya at deretso sa kaban ng Dos. Di kagaya ng Eat Bulaga, blocktimer at nagbabayad ng airtime sa Syete. Nakatanghod lang ang Syete sa kadatungan na iaabot ni Mr. Tony Tuviera.

      Sorry kay pareng Wils, di na ganun kadami ang advertisers niya sa WTBT tulad nuon sa Wowowee at di pa napapanuod internationally. Mag-retire ka na lang Willie and enjoy your billions tutal may health issued ka naman. Health is wealth din ika nga.

      • sa akin naman, lilipat lang ng oras ang show ni willie, from night primetime to noontime..mas mabuti na yon para maraming mapagpilian na game shows during lunch time.at marami ring mga shows na mapapanuod sa Kapatid channel 5 sa gabi na di ka aantukin sa kahihintay..good move TV5! kahit pa sya mag extend ng oras sa hapon OK lang, e kung sa gabi sino pa ba ang manunuod kung pagod ka na nga sa trabaho, maghihintay ka pa ng 9:30 pm para sa mga shows teleserye nila etc..

Leave a Reply

Your email address will not be published.