Willie Revillame, nagamit sina Pokwang at Mariel Rodriguez?!

AKALA NAMIN TALAGA, si Rico J. Puno ‘yung kumakanta with John Estrada and Randy Santiago ng “I-Swing Mo” sa unang tingin sa Happy, Yipee, Yehey! Pero parang lumiit yata. Kaya nu’ng ipinokus ng kamera, natawa kaming bigla, dahil kamukha nga ni Rico Puno si Bentong! Hahahaha!

Hindi namin ito kinaya. Pati pagngiwi-ngiwi ng mukha ni Rico, ginaya rin ni Bentong. I’m sure, ang next question is: Nainsulto ba si Rico J? I don’t think so. Joker din ‘yon, eh. ‘Pag joker ka, dapat, hindi ka rin pikon.

Hahaha! Bentong really made my day.

 

IPINAKITA RAW PALA sa Will Time Big Time ‘yung kinunang video thru celfone ng pagbati nina Mariel Rodriguez at Pokwang kay Willie Revillame.

Ayon sa aming source, pang-personal na bati lang daw ‘yon ng dalawa kay Willie. Hindi naman akalain ng dalawa na ilalabas pala at magiging isyu.

Sabi ng aming kausap, “Nakakatakot tuloy mag-message kay Willie, dahil kahit siguro text message o tweet na pabor sa kanya, baka ilabas din kahit pangpersonal lang naman ‘yon.”

‘Yun na.

 

HANGGANG BUKAS NA lang ang SNN, dahil sa darating na Lunes, si Kuya Boy Abunda ay magiging bahagi na ng Bandila.  Ang naturang newscast nina Julius Babao, Ces Drilon at Karen Davila ay tatagal na ng 45 minutes, dahil sa pagkakasali ni Kuya Boy.

Sa rason kumbakit tinanggal o nag-end na ang SNN, ‘yan ay amin pa lamang tutuklasin. Pero we’re very excited for Kuya Boy, dahil ibang-iba na ang kanyang level.

Si Bianca Gonzales naman ay babalik na uli ng E-Live at ang alam namin, si K Brosas ay magko-concentrate muna sa kanyang Maria La Del Barrio.

 

AND SPEAKING OF Maria La Del Barrio, grabe rin ‘yung ibang fans ni Erich Gonzales sa Twitter. Talagang kung laitin kami, pagsalitain kami ay parang sila ang nag-iri sa amin, hindi ang nanay namin.

Pero lagi naming isinasaksak sa utak namin na normal na sa isang avid fan ‘yung sobrang ipagpapatayan nila ang kani-lang idol kahit kanino.

Aba’y nai-tweet lang namin ‘yung nabalitaan namin sa set ng naturang serye na itong si Erich ay diumano, sinapian ng masamang espiritu o namatanda. ‘Yun ang balita, sabi namin. Pero sana, hindi totoo. Na rito rin naman sa Pinoy Parazzi, dahil ni-research din namin, bumaba lang ang blood sugar dahilan para magka-seizure si Erich.

Aba, ang ilang fans talaga, ginyera kami sa Twitter. Eh, kesa buweltahan din namin sila, ang ginawa namin, block na lang kami nang block.

Katuwiran namin, ayokong tuluyan kayong ma-highblood sa akin, kaya tapusin na natin ang pagiging follower n’yo. Ganu’n lang ‘yon.

Salamat naman du’n sa ibang followers na maayos at punum-puno ng magandang asal ang mga tweets at opinyon nila.  Talagang pinairal nila ang kanilang pinag-aralan.

Ke Erich? No, hindi kami galit. Ang wish pa nga namin ay sana, makapagpahinga siya nang bongga, dahil overworked din ang batang ‘yan, sa totoo lang.

Sa mga na-block namin sa Twitter, pasensiya na kayo. Lumampas kayo sa guhit, marapat lang na i-block.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

21 thoughts on “Willie Revillame, nagamit sina Pokwang at Mariel Rodriguez?!

  1. BAkit ba masyado kayong concerned sa mga artista na nago-over- d- bakod? Hayaan na lang nyo sila dahil kahit ako o kayo eh sigurado akong ganun din ang gagawin nyo kung kayo ang nasa sitwasyon nila. Pera-pera lang yan at wag nang magpaka-plastik. Ano ba sa tingin nyo bakit maraming nakabuntot palagi kay Pacquiao at kay Willie? Bopol na lang ang di makakaintindi niyan.

  2. mukhang naiilusyon ka na naman Mr. Ogie. iyong write-up mo meron sagot sa pep.ph regarding Marielle interest na lumipat sa Kapatid network…. kaya ang sinabi mo ay di totoo dahil mismong kay Marielle nanggaling na meron OFFER THE KAPATID NETWORK SA KANYA at ALAM NIYA ITO….

  3. mga writers ba ang nagcocomment dito..bakit may bayaran sa mga comment?? sa akin lang walang masama sa pagkatao ni willie… kahit mayaman siya at mayabang dahil totoo siyang tao kaysa nmn yong tahimik na wala nmn siyng ginagawa.. At bakit kayo galit kay willie ano ba ang kasalanan nya sa inyo mga haters of willy..Lord doent like those words it is very bad words means that you are so bad!!!!

  4. Lumabas ang pagka balimbing ni Mariel at Pokwang. Parehong mayabang noong panahon ng Wowowee. Minsan, Ipinangangalandakan nila ang designer bags na bigay ni Willie habang ang ibang kapwa hosts nila ay tulala lang at nakikinig. Pareho silang mayabang noon pero ng magka problema si Willie, nagiba ang ihip ng hangin. Inilaglag nila si Willie para hindi madamay sa problema.

  5. SWARDINAS sa UN mo palang alam na kung ano lagi mo kinakain..wasg puro sardinas ha.kumain ka ng gulay at ng magkalaman yang utak mo at makapag isip ka ng matino! TANGA!

  6. Ok lang na gamitin sila ni Willie. Nagpagamit naman si Mariel at Pokwang sa Wowowee dahil akala nila sila ang mga princessa ng variety show ni Willie, maski na marami silang inapakan at sinaktan. Karma. . .

  7. hay nako, itong mga kapusucks na puro sardinas at noodles ang laman ng tiyan at mga katadyang na walang inaabangan kundi ang pagbubukas ng gate ng tv5, mas bitter pa sa apdo. masyado kayong threatened sa Dos porke at sikat…bwahaha!

  8. @Swardinas Di ba ikaw yung alter ego ni cristi vermin? ganyang-ganyan ang alter ego mo, naggagawa ng istorya at mga BI kesehodang makasira ng iba maski hindi totoo.

  9. marami talagang nabubulagan kay willie revillame!tsk tsk. wake up people! personal nga ung message pero bat kelangan ibroadcast diba? parang ung paghumiliate nia lang kay John Estrada sa national tv. Puro xa yabang.

  10. korek kayo dyan mga kapatid at kapuso mayayabang ang mga kapamilya akala mo wla na silang kalaosan baka pagdating ng panahon sa gma at sa kapatid sila tumakbo plastik..

  11. Si Willie Revillame ay mapagmahal sa mga mahirap.. Mahal siya ng mga staffs niya, minsan lang medyo stress siya dahil gusto ni WR husay ang show niya. Komedyante kasi kaya napagkakamalang mayabang, pero maski mayabang siya, mayroon namang ipagyayabang bilyonario si WR.
    Ano? ginamit niya si Mariel and Pokwang??? you’re kidding Ogie. Maski saan mong oras ilagay ang show ni Willie, taas ng rating niya, Remember? Wowowee lang ang nakatalo sa Eat Bulaga. Dahil kay WR, yoong dalawa nakilala ng mga tao.

  12. korek ka dyan bangis! e si mariel ang naka pa vocal sa pagsasabing hindi na sya masaya sa abs kaya nga text sya ng text para kunin na sya sa wiltime bigtime! di ba sinabi pa ni mariel na sunugin na ang abs? naturingan pa namang happy yipee pero di naman sya happy dun! ha ha ha! hello, at bakit gagamitin ni willie sila, e di hamak namang mas sikat si willie sa kanila!!!  inggit na inggit kasi yang si ogie kasi nung nagpadala sya ng filler sa TV5 e di naman sya kunuha kaya ganyan yan ka bitter sa tv5! i used to like you pero nung inaway mo si cristy fermin, yun na, dun na nag umpisa ang galit ko sayo kasi WALA KANG UTANG NA LOOB! malapit ng lumubog ang abs! kaya gogogo TV5 and GMA!!! kayong dalawa nagtutulungan, nagpapahiraman ng artists e ang abs, takot na ma pirate ang mga stars, stars nga ba??? yun na!

  13. hoi bunso bakit hanggang ngayon galit na galit ka wil? kung makapagsalita halata kang naninira lang pero waley ka kasi hanggang ngayon andyan pa rin si wil inggit na inggit ka pa rin kasi taga kabilang stasyon ka hayan tapos na ang sinasampa ninyong kaso kasi ndi 22o kaya lalo kang nagagalit itulog mo na lang iyan baka yumaman ka rin wag lang sa masama..o magsama na lang kyo ni oggie baka kamukha mo pa siya eh!!..go go go go kapatid at kapuso….

  14. Tama lang ang ginawa mo Ogie, dahil kung sa akin man gawin yun ay hindi lang block ang gagawin ko. Mumurahin ko muna sila saka ko iba-block…bwahaha, joke! Tanong ko lang ogie, bakit ba ang mga lalaking artista eh nilalagyan ng eye shadow, nagmumuka tuloy silang bakla. Sorry, i don’t mean to offend you, tanong lang po.

  15. Ano pa ba ang bago kay WILLIE ,  WALANG MODO , WALANG PINAG ARALAN …   so wala na kayong hanapin pa !!  HINDI NA YAN MAG BABAGO BALUTAN MO MAN NG MILLIONS YAAN MASAMA PARIN ANG UGALI  ….  SABI NGA MONEY CAN NOT  BUY CLASS !!!  Ok kana sana Willie kung may CLASS ka eh,  kaya dapat mag paka CLASS ka pero hindi naman bagay sa iyo ha ha ha ha a…..  ALAM MO DAPAT KA PARTNER MO SI ANABEL RAMA BAGAY NA BAGAY KAYO   ;)  …

Leave a Reply

Your email address will not be published.