Willie Revillame, nag-propose na kay Shalani Soledad?

OLA CHIKKA! MATAPOS ang hindi magagandang balita noong nakaraang linggo, umpisahan natin ang ating lunes sa isang nakakatuwang chikka! Ayon sa aking parazzzi girl na anak-anakan kong nagtatrabaho mismo sa bakod ng Willing Willie, ichinika sa akin ang eksena nila sa Boracay.

Kilala naman natin ang host nitong Willing Willie na si Willie Revillame sa pagiging mapagbigay. Lahat ng staff niya ay naambunan ng biyaya, hindi ba? Kaya naman galak na galak ang ating parazzi girl nang magbigay ng singsing itong si Willie sa mga dancer ng nasabing show. Siyempre hindi naman na ako nagulat dahil kung tutuusin ay wala lang sa host ang mga singsing na iyon. Ngunit alam n’yo ba kung ano’ng ikinawindang ko?! Ito ay nang malaman ko kung ano ang ibinigay ni Willie sa kanyang co-host na si Shalani Soledad.

Siyempre bilang co-host, malamang ay mas lamang siya sa mga dancer, kaya naman asahan na nating mas bongga ang regalong natanggap ni Shalani. Dagdag pa ng ating parazzi girl, maganda ang singsing na kanilang natanggap, may bato pa raw, ngunit maliit lang hindi tulad ng kay Shalani na pagkalaki-laki raw at mas ikinagulat ko pa nang sabihing may naka-engraved pa raw na “I LOVE YOU”.

Ang taray! Pag-ibig na nga ba ito?! Mas binigyang pang kulay ang chikkang pagkakamabutihan ng dalawang host dahil sa sobrang sweetness na ipinakikita nila sa mga tao na halos wala man lang silang pakialam?

Hmmm… gimik lamang ba ito ni Willie upang asarin ang kabilang kampo o sadyang tinamaan na naman siya ng pana nitong si Kupido at sa muling pagkakataon ay umiibig na siya?! Teka! Para saan naman ang bonggang-bonggang singsing na iyon? Baka sa susunod na mga linggo lamang ay kasalan na ang mababalitaan natin, ha?! Engagement ring?! Taray!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong sikat na sikat na batang aktres na kamakailan lamang ay puro negative issues na ang naglalabasan tungkol sa kanya?!

Talaga nga bang may attitude problem ang young actress na ito kaya’t ang malalapit sa kanya ay iniiwan siya sa ere?! As in sa ere! O talagang may mga naninira lamang sa kanya?

Ang chikka kasi, insekyora raw itong si young actress sa isa pang bagong bagets na actress lalo na at nasa iisang bakod lamang sila ng kilalang istasyon. Mukhang nasasapawan na itong si young actress nitong baguhan kaya naman may drama effect pa si young actress na kapag hindi raw tinanggal ang baguhang aktres ay siya mismo ang aalis sa istasyon at lilipat sa Singko.

Naku, ha?! Masama ‘yan, young actress! ‘Wag mong hinahamon ang management hindi ka pa ba natuto sa pinagdadaanan ng mga artistang humahamon sa management? Sila, kaya pa nila, ngunit ikaw kahit sikat ka at marami kang fans na handang makipagpatayan para sa iyo, hindi pa rin sapat iyan dahil hanggang ngayon ay wala ka pang napapatunayan, hindi ba?

Tsaka imposible naman yata iyang dine-demand mo, dahil kapag ipinatanggal mo itong si baguhang bagets, eh ‘di nawala na agad ang pinagbibidahan niyang teleserye? Tsk, tsk, tsk! Ikaw talaga! Ha-ha-ha!

Sa dami ba naman ng clue na naibigay ko, imposibleng hindi n’yo pa rin gets, ha?! Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

17 thoughts on “Willie Revillame, nag-propose na kay Shalani Soledad?

  1. ang kapal mo naman jun mas chipipay si Wille kung papatulan nya ang bruhang mukhang pera cnu ba sya para maging sila ni Shalani ang kapal naman nya…
    Ano ba sya kung hindi nga lang sya naghost sa wtbt hindi sya sisikat yan kac ang tawag sa mga taong mukhang pera like shalani right ang bait kaya ni willie 

  2. ang kapal mo naman jun mas chipipay si Wille kung papatulan nya ang bruhang mukhang pera cnu ba sya para maging sila ni Shalani ang kapal naman nya…
    Ano ba sya kung hindi nga lang sya naghost sa wtbt hindi sya sisikat yan kac ang tawag sa mga taong mukhang pera like shalani right ang bait kaya ni willie 
    idol ko ata sya……….

  3. SOBRANG CHIPIPAY NI SHALANI SOLEDAD KUNG PAPATULAN NYA C WILLIE REVILLAME NA PANGET, MAYABANG, WALANG MODO AT WALANG PINAG-ARALAN. MUKHANG PERA CYA KUNG GANUN! BWAHAHAHAHAHAHA

  4. SHAWILLIE foever……………
    sana nga cla nah…for ever at sana d nya saktan c ate sha………………tlagang magagalet ako sa kanya …cauze ayokng nasasaktan ang #1 idol ko……….
    ♥gud luck we ♥ u…………

  5. bagay naman cla at kung 22o man yon masaya ako para sa kanila malay naten c ate shalani na ang makakapagpa bago kay wille………
    ………and ate sha is dalagang pilipina swerte nlang ni willie kse napaka ganda ni ate sha……….swerte dn c ate sha kse napa ka baet ni willie d naman nten maka ila yon,,,,,,,,,,,,bzta gud luck ,nlang kna ate shalani at kua will………………………..
    ♥ u ate sha and kua will……….

  6. we go where our happiness is.if kuya will proposed to shalani then its good.i will be the one and my family to be happy cos they deserve it.shalani will be a good wife to him.and willie for his age 50years im sure he will be a good n responsible husband to her.as im concern im happy for them and wish them the best.love u will n shalani.

  7. dapat tlga c shalani at c will ang magka2luyan bagay na bagay cla maski sa hitsura kumpara sa iba na dating ex at tsaka mukhang nakatapat c wil na igagalang niya c shalani good para kay willy sana cla ang magpakasal sa 2011 ndi na cla bata na makikinig sa mga sumasawsaw kya sayaw na kyo ng tsutsurutsurut tantaran tsutsusrutsurut hahahaha putuikan na!!!!!

  8. …sa tingin ko lumalabo na ang paningin ni Shalani,,,parang gusto ko ng paniwalaan yung `like mother , like daugther`…ummm…di nga ba ,Mr.A.A

  9. wala nman masama kong magkatuluyan cina willie at shalani, divorce nman c willie s asawa c shalani dalaga kaya walang prblema don, ceguro nman c willie ang hanap ny yong babaeng makakasama n ny habang buhay bka k shalani ny nakita ang hinahanap nya s babae, c shalani nman tipo tlaga ny yong pambahay hindi tulad ng iba jan, kaya kong cila man ang magkatuluyan pabayaan n natin clang lumigaya. nasa kanila yon kong pagdating ng ilang taon maghiwalay cl matured n mag isip ng mag yan kaya alam n ang tama o mali. good luck s inyong dalawa willie at shalani.

  10. pera-pera lang naman yan eh! sa hirap ng buhay sa pinas ay bihirang babae ang hindi papatol kay willie. Ano ba naman yung magpakasal sila at magkaanak at pag sila’y naghiwalay, maghahabol ang babae sa mga ari-arian ni willie. Pero pwede yan maiwasan kung gagamitin ni willie ang kanyang utak, ang papirmahin niya sa pre-nup agreement ang kanyang mapapangasawa.

      • maaga pa na mag-propose c Kuya Will kay Shalani…u never know baka c Shalani na ang mag-ba2go kay Kuya Will…everybody deserve to be happy n 2nd/3rd/4th chance, diba :) Cguro dapat maging masaya nalang tau para sa kanila instead na hinuhusgahan cla na nag-ga2mitan…sabi nga sa kasabihan Don’t judge d book by its cover :)

      • Sana nga leil na matotoo ang sinabi mong sana si Shalani na ang magbabago kay Willie para masabihan ni Shilani si Willie na bawasan ang pagkamainitin ng ulo.

  11. Kung totoo man na sila na ni Willie at Shalani, sana hindi lang gagawin ni Willie si Shalani na pangparaus ng kaligayahan at anakan lang at tapos iwanan ang kahantungan kagaya sa lahat na nangyayari sa mga babaeng naugnay kay Willie.

Leave a Reply

Your email address will not be published.