Willie Revillame, may bago nang noontime show sa TV5!

NATATANDAAN N’YO BA si Carmen Ronda? Ito ‘yung aktres na sumikat noong 80’s na naging misis ng action star na si Rene Imperial. Naikuwento namin sa inyo si Carmen dahil minsan ay dinalaw namin ito sa kanilang tahanan sa Mandaluyong, kung saan ay dinatnan namin itong may karamdaman. Stage 3 na ang sakit niya sa matris na dalawang taon na niya ngayong dinadala.

Itinanggi ni Carmen ang balita noon na lumabas na diumano ay nakatira na lang siya sa ilalim ng tulay. Hindi rin inamin ng aktres na nagmistula siyang pulubi at lahat ng mga kaibigan ay kanya nang nautangan.

“Hindi totoong sobra-sobrang hirap ang naranasan ko. Oo, naghihirap ako ngayon pero hindi naman ‘yung parang mas mahirap pa ako sa daga. Paanong mangyayari iyon eh may mga anak naman akong tumutulong sa akin?”

Aminado si Carmen na hindi sapat ang “tulong” na ibinibigay ng kanyang mga anak. “Nangangailangan siyempre ako ng tulong dahil masyadong mahal ang gamot na ginagamit ko sa aking sakit, pero nakakahiya naman yatang parang namamalimos ako. Pero kung meron mang tao na gustong tumulong sa akin, tatanggapin ko. Kasi alam kong kailangan ko iyon para gumaling ako sa aking sakit,” pagwawakas ni Carmen sa Pinoy Parazzi.

MATAPOS MA-CARNAP AT mabawi ang sasakyan, hindi na raw ginamit ng mga magulang ni Derek Ramsay ang sasakyang nabawi kay Ivan Padilla. “Bumili ng bago ang parents ko kasi parang na-trauma na sila. Kasi nu’ng ibalik sa amin ‘yung car, may lamang drugs at mga baril,” sabi ni Derek.

Isa pa rin sa napag-usapan namin ni Derek ay ang tungkol sa diumano’y may anak siya sa Bulacan. “I admit na siguro may kasalanan din ako kung bakit hindi mamamatay-matay ang balitang iyon dahil mahilig ako sa bata at kapag nakikita ko ang mga pamangkin ko, personal ko talaga iyong inaalagaan. Siguro iyon ang dahilan kung bakit may lumalabas na balita.”

Tungkol naman sa nangyaring pagbabati nina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, sinabi ng aktor na hindi naman daw niya pinilit si Angelica na makipagbati. “Ang nangyari kasi, sinabi ko kay Angel na mabait si Gretchen… ‘yun lang at parang na-realize niyang tama ang sinabi ko.”

Aminado si Derek na palaban si Angelica. “Alam n’yo namang very strong din ang personality ni Gretchen at ganu’n din si Angelica, kaya magsasabong talaga sila. Pero ang alam ko, kapag nagkalapit ang dalawang iyon, tiyak na magkakasundo sila dahil pareho silang strong personality.

KUMPIRMADONG SA CHANNEL 5 na mapapanood ang muling pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon. Ayon sa isang insider na ating nakausap, block timer daw ang bagong programa ni Willie sa Kapatid station.

WILING WILLIE KAMI ang titulo ng bagong programa raw ni Willie sa channel 5, kung saan ay hindi pa kumpirmado kung sinu-sino ang kanyang magiging co-host. Pero tulad ng sa gustong mangyari ng host, solo niya ang nasabing programa, kung saan ay siya na rin ang bahala sa mga papasok na ads.

Samantala, kahit bayaran pala ni Willie ang kontrata niya sa channel 2, imposibleng pumayag ang nasabing TV network, dahil naninindigan ang Dos na hindi nila pakakawalan ang host habang hindi nito tinatapos ang pinirmahang kontrata.

Sa kabilang banda, handa naman daw si Willie sa kung anong demanda ang ihahain sa kanya ng Dos at kung sakaling matalo siya sa kaso, willing daw siyang tapusin na lang ang kanyang kontrata na magtatagal pa hanggang September 2011.

More Luck
by Morly Alinio

Previous articleSarah Geronimo, umiiwas sa tao?
Next articleNagkakagulo na at gustong sumama kay Willie Revillame: staff ng Pilipinas Win na Win, naglalayasan na!

No posts to display