Willie Revillame, maraming galit sa panghihiya kina Ethel Booba at Ate Gay!

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!

Talagang palpak na naman ang pinaggagawang kabaliwan ni Willie Revillame nu’ng nakaraang linggo. Hindi ko kasi napanood, nakita ko na lang sa FB ang video na pinag-piyestahan na naman ng mga talagang naasar na rito kay Willie sa sobrang kayabangan.

Ito ang mga reaksyon ng mga nakapanood nu’ng pinagtatalakan niya sina Ethel Booba at Ate Gay.

According kay Ogie Diaz, kasamahan kong kolumnista dito sa Pinoy Parazzi: Kaloka ‘to! Sana offcam at hindi on national TV. Nainsulto kasi si Willie, kaya ang bawi niya, intindihin siya on the air talaga! Ang audience naman nagpapalakpakan pa! Kaya feeling tuloy ni Willie, tama lang ang talak na ginawa niya kina Ethel Booba at Ate Gay. Saka please, tama na ang panunumbat on air. Masakit sa tenga. Kahit ang mga co-host mo, matatakot na sa ‘yo, Willie Boy. Kung inaakala nilang tama ‘yung ginagawa nila, mali pala sa ‘yo, kaya may talak sila on the air. Saka totohanin mo sana ‘yung sinasabi mo na publiko ang pinapasaya mo. Lumalabas, ikaw dapat ang pini-please ng tao. Hindi mabibili ng yaman ang pag-uugali ng isang tao. ‘Wag masyadong mataas ang tingin sa sarili. ‘Yung sakto lang dapat na may kasamang humility.

Grace Ang: Affected ang mama ko d’yan….he likes Willie so much… kagabi nakuwento sa akin, hanggang kaninang umaga… nalulungkot si Mama sa ginawa niya hindi dapat ginawa ‘yun on national TV.

Lester Villarama: Hambog at bastos ‘yang si Willie.

Cherry Espinosa: Laki kasi ng believe ni Willie sa sarili niya. Bakit kaya may tumatangkilik pa rin sa kanya, kung makapanumbat, wagas.

Hendrick Vak Oliva: WTF! For sure, Cristy Fermin is there na naman to rescue Willie Senseless lang and lass.

Rtan Enguera: Hindi naman tama ang gawin niya ang ganito, porke ba siya ang nagpapasuweldo sa tao, basta na lang niya hihiyain. Ay, kung makaasta siya, ‘kala niya nabili na niya sina Ethel at Ate Gay.

Eduardo Paez: ‘Yung sakto lang dapat na may kasamang humility’ FTW.

Mharjhurde Javier: Kusayon mo buhay mo Willie, gawin mo ang tunay na tama, makakabangon ka pa hindi batayan ang dinudumog ka ng tao, tandaan mo nanjan sila kasi kailangan nila ng pera. Pera ang habol nila sayo hindi ang show mo!

Dante C. Domingo: Your money can’t buy u a real love and respect! Not all about money, learn to make kapwa tao!!!!

Aida Garcia Abanolla: Sobra ang yabang niya lalo na siguro kung mataas ang rating mg show n’ya, ‘di ba? Talagang ganyan kasi pikon siya, kaya ‘di niya alam na nakakasakit siya.

Angelino Nico Perez Valbuena: Sobra na kasi ang taas ng tingin sa sarili, tsk, tsk. Respect is earn.

Jane Lim Dizon: Dapat kainin ni Willie ang sinabi niya, kasi ganyan ang ginawa niya sa ABS-CBN dati. Sobrang yabang na talaga, masyadong mataas ang lipad.

Morpheus Kei Sanvictores: No wonder kung ‘di naman magtatagal ang show n’ya. Boss daw siya pero astang bosabos kawawawillie.

Jay Enriqiez: ‘Pag nagpapasuweldo siya, p’wede na niya yurakan ang pagkatao ng mga empleyado niya. Well, well, p’wede naman magalit, pero ‘wag naman in public on TV. Kakaloka ang dami na pala talagang galit sa kanya, tsk tsk…

Snooky Serna: Ganyan naman talaga ‘yang si Willie laging on the air, kahit si Anna (Feliciano), ilang beses na niyang pinahihiya, pati ang pagbigay ng pera sa pagpapalaki ng boobs eh, broadcast pa. Kaya mag-ingat-ingat ‘pag humingi kayo ng tulong. Lahat ng staff niya kapit sa patalim sa hirap ng buhay.

Jojo Franco: Kabaliwan na naman ni Willie ‘yan, walang alam sa broadcast hindi naman naka on-the-air na sinigawan siya ni Ethel at Ate Gay, dapat kinausap na lang niya nang off-the-air, siya naman ang boss. Kung ayaw niya sa tao niya, ‘di tanggalin niya. Hindi ‘yung pinapahiya pa niya sa public. Kaloka ka, Willie, little knowlege is dangerous…

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

28 thoughts on “Willie Revillame, maraming galit sa panghihiya kina Ethel Booba at Ate Gay!

  1. eh mga baliw din pala kayo eh…. mali din si ethel bos snya si willie at hinde casual na kaibigan.. masyado syang naging relax sa paninigaw kay willie na isa ynag BOSS!!… bakit kayo kaya nyo ba sigawan boss nyo kung meron kayong issue s akanya?? eh di kung ginawa nyo yan tang gal din kayo sa trabaho….. tatanga din nyo ano…..napaka one sided nyo mag isip…. willie owns and runs that show.. no matter how friendly he is he is still the boss and must be treated that way..  and alam ng lahat na si ethel noon pa meron ganyang issue sa ibat ibang stations.. diba ayaw nga ng lahat ng tao na ihire ni willie si ethel dahil sa ganyang attitude nya…. 

    • toxix ikaw ang baliw ang tunay na issue ay ang panghihiya ni willie gago sa national tv, dapat pinatawag na lang si ethel sa office niya kung mayron at doon na lang niya binuhos ang sama ng loob niya kay ethel not on air sira ka rin pala. magsama na kayo ni willie hambog ulol.

  2. laki kasi sa hirap kaya ganyan umasta akala mo palamon lahat ng staff nya.
    Basag lagi sya kay Vice ganda
    ahahaha :D

    • Hindi ibig sabihin na kapag laki sa hirap eh bastos na at walang modo tulad ni willie.Yabang lang talaga umiiral sa pagkatao niya  na tagus sa ugat. He still has time to change if he wants but  he refuses to do so  because he has plenty of money. He is not a happy person that’s why he also want  other people to be unhappy and miserable like him.  He knows in his heart he is not a happy man despite  having millions.

  3. This creature Revillame doesnt really know  what  humility is,  he is the most swell head ever, He is blantantly rude, no finesse.. Money can take a person from the trash but you cannot take the trash from the person. Be humble Mr. Revillame coz one day your nouveua riche  status might totally and completely disappear and u will be back to nothing. Low life scum of the earth.

  4. hi ethel and ate gay….any comment re what willie said about you.
    you are so talented.sana kunin kyo ng ibag show.

    • NAKOH, LATE KA NA. HANOKAVAH! NAGPASABOG NA SI ETHEL SA TWITTER NYA. SI ATE GAY NAMAN, NAINTERVIEW NA NG PEP. ANG RESULTA? SI ATE GAY LANG DAW ANG PABABALIKIN PERO SI ETHEL, BABOO NA ANG BOOBA. LOL. 

      • ikaw Coco Shannel parang ang laki ng inget mo kay swarding napupuna ko sa mga comments mo kung sayo man lang di hamak na gusto namin si swarding kasi wala siyang takot sa totoo lang ikaw puro nega kay swarding, Bakit (envy).

  5. willie nakakainis ka.hindi o na kailangan i broadcast yan.you are being unprofessional.
    nasa noontime show ka pa naman.ang pagtulong mo hindi bukal.kahambugan na.wag ka na lang mag show.hindi mo kaya gaya ni bossing at showtime.sori ha.buwisit

  6. NAKAKATAWA ALAM LAHAT NI WILLIEBOG SATANAS YUNG MGA GANUNG SALITA PERO SYA MISMO GINAWA NYA YUNG SA ABS! WHAT GOES AROUND COMES AROUND WILLIEBOG SATANAS!!!! KARMA YAN SAYO!!! HINDI KA NAMAN TALAGA KARESPERESPETO AT DI DAPAT GINAGALANG!!!!! BAGAY KAYO NI LUCY PERA-MEAN MAGSAMA SA IMIYERNO!!!!1 MGA TAONG AKALA MO NASA PEDESTAL KUNG ITURING ANG MGA SARILI NILANG MGA LINTA SA PANGGAGAMIT SA TAO!!!!! MGA ANIMAL!!!!

  7. Si Ethel at Ate Gay daw “Hindi sila Professional” …… Pero being professional ba yung inasal at pinagsasabi nya on national TV?  Yun bang mga comments nya on air sa mga staff pag nagkamali at tinuturuan kuno ng tama e being a professional ba yun?

  8. talagang sobrang yabang niyang taong iyan. palagi na lang pinahihiya ang mga kasamahan sa publiko. pati mga problema na pisikal ay ineere. tulad ng sabihin minsan kay ethel na lawlaw na ang suso mo. pati ang boobs at edad ni anna feliciano ay ineere din. Tama ba yon. hambog talaga ang gagong ito.

  9. Juice ko dong dahan dahan ka baka magagalit na sa iyo ang nasa taas,isang pikit lang patay ka.

  10. aysus! kung yung mga best friends niyang sina john estrada at randy hindi niya sinasanto yun pa kayang mga bayaran niya lang?

  11. AKALA KASI NI WILLIE SIYA ANG MAY-ARI NG TV5 AT AKALA NIYA SIYA ANG NAGPAPATAKBONG PARANG ROBOT SA MGA TAO NIYA… WALATALAGANG KWENTANG TAO YANG SI WILLIE REVILLAME NA YAN KAYA DAPAT I-BOYKOT NA ANG WOWOWILLIE NIYA HAHAHAHAHA!

    • ang pagiging professional kasi dapat nilalagay sa tamang lugar, sa ginawa nya mas naging unprofessional si willie kesa kina ethel at ate gay, hinidi narin bago sa madlang people ang magaspang ugali ng tv host, nalamon na sya ng pera nya kaya, hindi nya na alam kung ano ang tamang paguugali, iba talaga ang nagagawa ng pera sa tao, sana naman matutu na sya ng magandang asal sa pakikipagkapawa, mabilis pa naman ang bad karma, baka pagmulat ng mata nya, lahat ng yaman nya maging bato nalang, kina ethel at ate gay dont lose your hope, may mga talent kayo, kaya marami paring kukuha sa inyo sa tv..huwag na kayong umasa sa tulong na sinusumbat,

  12. Nakakatawa tong si Willie magkaroon daw ng Utang na Loob eh sya nga WALA. May nalalaman pa syang “Don’t do that to me” eh ginawa rin naman nya yun sa iba. Nakakahiya sya napaka bastos kung pagsalitaan nya si ethel akala mo talaga pulubi na binihisan nya. Kahit ganun si Ethel may talent naman yung tao,hindi nya kailangang isumbat sa maraming tao ang ginawa nyang tulong sa iba. Mainit ata ang ulo dahil hindi nya matalo ang ratings ng Eat Bulaga. Mas feel ko pa panoorin ang Showtime kesa makita ang pagmumukha nya. ^_^

  13. SWARDING, SAAN MO NAMAN NAPULOT YANG MGA COMMENTS? MERON PANG SNOOKY SERNA, HINDI NAMAN SIGURO ANG TUNAY NA SNOOKY YAN NOH. BAKA MAKARATNG KAY WILLIE YAN, ALAM MO NA. SABAGAY TAMA ANG COMMENT. MAG-INGAT KAPAG HUMIHINGI NG TULONG KAY WILLIE. LATER ON, PAG NAGKASIRA KAYO, IBO-BROADCAST NYA BIGLA. KALOWKAH!

    • coco shannel hindi namumulot yan si swarding ng mga comments kung in ka dapat may fb ka at makikita mo yang mga comments na yan cheap mo kasi. walamg urbanidad tulad ni willie at lucy pera fearmin.